The activity (revised)

1.4K 50 3
                                    


Kate.

Andito na kami sa Gym ng school pero lutang pa rin ako. Tumigil na rin ako sa pag-iyak habang kinakaladkad ako ng lalaking to. 

Our Gym is so beautiful to think. At nakakawala ng pagka-bad trip para sa akin. It's an traditional style place and there are chandeliers up above. It is too big to imagine.

"Mr. Lee and Ms. Villaluz why are you both late?" bungad na tanong sa amin ni Ma'am pero nakayuko pa din ako feeling ko kasi mapula pa mata ko.

"Sorry Ma'am natrapik lang po kami doon sa Circle. Dami po kasing estudyante." sabi naman ng lalaking ito na hawak pa din ang braso ko.

"Oh sige. Maupo na kayo doon at tatawagin ko na lang ang mga names niyo para sa mga positions." lumayo na si Ma'am at pumunta ata sa kung saan.

Ramdam ko naman na nakaharap na sa akin si Gab.

"Sorry for what happened. I never thought na ilalabas iyon sa Circle, at kahit ako ay nagulat. Wag kang mag-alala irereklamo ko ito sa Administrator. Basta wag kana iiyak ulit." napatingala ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na umiyak ko kanina? Tumaas ang kilay ko sa kanya. Wala na akong pakialam kahit na may luha pa ako sa mata. Tsaka anong nagulat daw siya? E nakangiti nga siya kanina! Halatang nagustuhan niya yon!

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang pinawi niya ang mga natitirang luha sa mukha ko gamit ang thumb niya. I even flinch a little.

At bakit ang bilis na naman ng tibok nitong puso ko? 

Nakatulala lang ako sa gwapo niyang mukha. Nakangiti siya---

Wait? Sino gwapo? Siya? May sinabi ba ako? Tss. Kung anu-ano na ang mga nasasabi ko sa utak ko!

Nagising ako sa katotohanan at tinaggal ang pagkakahawak niya sa mukha ko at agad na umiwas ng tingin.

"Don't be sorry and don't you dare to touch my face again." I said in a very serious tone. I even looked at him straight in his eyes.

Lumayo siya ng konti sa akin bago magsalita si Ma'am.

"Listen class! Face your partners so it will easy for me to know who already have their partners. Please participate!" utos ni Ma'am sa amin.

Humarap siya sa akin at ganon din ang ginawa ko.

"For those who didn't have their partners, go to the right side and I will talk to you all after this." sabi ulit ni Ma'am habang may tinitignan siya sa hawak niyang papel papunta sa amin.

Tumingin sa amin si Ma'am bago kami hawakan at dalin sa pwesto namin.

"Ang ganda ng pwesto natin. We're at the center of the gym." sabi ni Gab pero di na ako nagsalita. Sinipat ko na lang ang paligid at napatingin ako sa taas.

He's right, we're at the middle of our gymnasium. Nakita ko din kasi ang pinakamalaking chandelier sa tapat ng pwesto namin. It's very beautiful.

"Sorry talaga kanina." sabi pa niya ng mahina.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso bago lumabas ang mga salitang ito sa bibig ko, "Hindi ako marunong magsayaw." Napahinto pa siya at parang hindi agad na-realize ang sinabi ko.

"Seriously? You didn't know how to?" tanong niya na parang nagpipigil ng tawa na parang naaamaze na ewan.

"Mukha bang hindi seryoso mukha ko?" tanong ko sa kanya in bored tone.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon