Meet Gabriel (revised)

4.7K 101 6
                                    


I'm here in our school library. Reading some books, sometimes looking or observing some students who pass in my way, ganito ang pampalipas oras na tinatawag.

Alam kong ang boring ng buhay ko, but if someone thinking that I'm genius or one of the nerds at the same time, you're all wrong. I'm not genius or nerdy. I'm just simple me.

Some students are calling me weird because I don't have friends. Hindi ko sila maintindihan, hindi ba nila alam na ito ang uso ngayon? Ang walang kaibigan? Tss. They don't know.

 And of course, there's a lot of bullies in my life. Saying that I have bad odor, fishy bad breath, etc. na dahilan kaya I don't have friends. Bahala silang mag-isip ng kung ano, hindi ko sila pipigilan.

Sa totoo lang, it's not a big deal to me of having 0 friends but who am I lying? Sadly, It's really a big deal for me.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na namin. Or let's just say, nothing's important happened in my day.

Pauwi na ako, just walking. Lapit lang naman ng village namin sa school. Hindi naman ako rich kid to have a car on my own. And I'm not materialistic.

"Hey Kate!"tawag niya.

Yes I know him. Ano tingin niyo? Porke't wala akong kaibigan wala na akong kakilala? Am I being harsh?

"Oh Gab! Bakit?" simple kong tanong ng walang gana.

His name is Gabriel, schoolmate ko and ka-village ko rin. I know him dahil sikat siya sa school. The hell, of course every girl knows about him including me! He's "the one with looks and brain."  Kaya siya sikat at kaya maraming nagnanais na maging malapit sa kanya at hindi ako kasama doon.

"Wala. Gusto ko lang na sabayan ka. You're alone." May ngiti sa labi niyang sabi. Obvious naman na mag-isa ako. Kadikit na ng pangalan ko ang salitang 'Mag-isa'. Kulang na nga lang ay ipapalit ko ang apelyido ko ng Mag-isa.

Hindi na ako nagsalita. Expect ko na tuwing umuuwi ako ng naglalakad nandito siya para sumabay, normal na yung ganito. Hindi ko siya tinuturing na kaibigan, hindi ko nga siya kinikibong madalas eh. Pero makwento siya. Ewan ko ba dito, alam naman niyang wala siyang mapapala sa akin lagi pang nagsasayang ng laway. Totoo nga siguro ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya, he's too friendly. Gentleman din daw tapos hindi suplado.

"How's your day?" He asked. It's not interesting, so don't ask.

"Don't start a conversation." Sabi ko, hindi na ata siya gulat doon sa sinabi ko. Parati ko ba naman siyang binabara, sinusungitan o hindi pinapansin kapag ganitong gusto niya akong kausapin.

"What's the problem?" tanong niya, mali ata ako. Hindi pa ata siya sanay. Hindi pa siya sanay sa treatment ko sa kanya, or hindi talaga siya masasanay? Every girl treat him like a god. And who me to treat him this way? Wala akong karapatan. At wala din siyang karapatan to talk to me, so quits lang. Ugh! Gusto ko ng makauwi agad ng hindi ko na siya makita pa!

Hindi na ako nagsalita ng wala ng siyang masabi pa.


"Kate please. I want you to answer me. What's the problem? What is it that stopping you to talk to me? What is---." pangungulit niya na may tunog nakiki-usap. Well, ito ang pinakahihiling ng maraming kababaihan. Ang makausap siya ng malapitan at makitang interesado siya. But I'm not one of them. I stopped him.

"Shut up Gab!" di na ako nakapagpigil. Naiinis na ako, oo he's a heartthrob at oo napapansin ko siya pero damn... I don't want him to treat me this way. Yung tipong sobra siyang curious sa buhay ko, yung tipong gusto nyang mapalapit sakin. Kasi ayoko... Ayoko!

Sa inis ko ay mas binilisan ko pa ang lakad kaya naiwan siya.

Hindi naman sa abnormal ako,  ayokong lang talagang makipagkaibigan. Ako rin naman kasi ang nasasaktan sa bandang huli. Bakit kamo? Simple lang, dahil nilalayo sila sa akin ni Mommy. Pwede akong makipag- kaibigan pero di rin naman tumatagal. Hinahanapan sila ng butas ng Mommy ko, and doon niya sinasabi na they're bad influence. Sa katunayan, hindi naman! All humans living in this world are not perfect. 

At kaya ayokong sumugal sa pakikipagkaibigan kay Gab dahil alam ko sa bandang huli talo ako. He's too good to be true. Paano na lang kung naging close nga kami? Tapos palalayuin naman ako ni Mommy sa kanya? That would be hurtful! Loosing is not my thing.

"Gusto ko lang naman na maging kaibigan ka." Habol niyang sabi, patuloy pa rin ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya. He's persistent. Hindi siya marunong sumuko. Siguro nga ay magiging okay siyang kaibigan kung sakali pero... I need to stop thinking that one.

"Wala kang mapapala sa akin." At tuluyan ko na siyang iniwan. Ilang beses ko na iyong sinasabi sa kanya pero parang wala siyang naririnig at lagi paring sumasabay sa akin tuwing hapon. Swerte ko ba? Well, I don't think so. Ayoko, ayokong mapalapit sa kanya at masanay sa presensya niya na hindi naman magtatagal.  


Oo nga't nakakatukso ang nais niya. Kasi naman matagal na niyang pinatunayang ok syang kaibigan para sa akin.


Nang nakarating na ako sa bahay ay nakita ko ang aking ina na nakaupo sa couch na halatang iniintay talaga ako. Another confrontation I guess? Napabuntong-hininga ako sa naisip ko.


"What's with Gab?" walang lingon-lingon na tanong niya.

"Nothing." I answered while getting off my shoes.

"Make sure of that Kate." may pagbabanta niyang sabi bago umalis.

Na-sense niya siguro na kasabay ko ulit yung makulit na yon. Ayan inabangan tuloy ulit ako. She don't need to worry. Kahit naman naiinis ako sa kahigpitan ng Nanay ko ay mahal ko iyon at handa akong sundin lahat ng nais niya para sa kabubuti ko. Ayokong maging pasaway sa kanya. Ayokong pati ako ay maging sakit sa ulo.

Pumasok na ako sa kwarto ko, ganito kami palagi. Hindi kami nag-uusap ng matino. May Tatay pa ako pero nasa ibang bansa siya ngayon. He's giving my Mom space she needed. May hindi sila pagkakaintindihan noong isang buwan pa. Kahit naman nasa ibang bansa si Dad ay nagagawa niya ang tungkulin niya sa akin, he's building up his own business sa Australia sa tulong ng mga kamag-anak namin doon.

While my Mom has her company, namana niya kay Lolo and Lola. Opo kay Mom lang yon, hindi kay Dad at lalong hindi sa akin, Kay Mom lang talaga. Asa kanya kung ipamamana niya iyon sa akin. And sa pagkakaalam ko ay may Pre-Nup agreement sila.


I sighed sa pag-alala na naman ng sitwasyon ng pamilya ko. 

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon