Rest (revised)

1K 33 3
                                    

Gabriel.

Since noong nagpunta ako kila Zach ay wala pa ulit siyang naii-open about sa investigation. I bet mahirap talagang mag-imbestiga or he just not want me to involve with this.

"Gab nandito ka pala." Napalingon naman ako sa nagsalita na hindi ko kilala. Bigla siyang umupo sa harapan ko habang nakangiting nakatitig sa akin.

Tinitigan ko lang din siya, sino ba siya sa akala niya? Ni hindi ko nga siya kilala para biglaang umupo ng walang paalam.

"Look, here is my boyfriend." turo niya sa akin "So stop following me, you jerk!" hindi ko napansin na may kasunod pala siyang lalaki na kinakausap niya ngayon.

"Boyfriend? Hindi ka nga kinakausap eh!" sabi ng lalaki sa kanya. Tss. Dito pa nag-away ang mga ito.

"Because he's mad, right baby?" tumingin naman na sa akin ang babae na parang sinasabi sa bawat titig niya na 'just go with the flow'. Bahala nga siya.

Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa labas.

"Tignan mo nga hindi ka pinansin kasi hindi ka nga kilala." Inis na sabi ng lalaki sa kanya.

Nagbuntong-hininga na lang ako. Nandito pa naman ako para magkaroon ng peace of mind tapos itong dalawang to lakas makapagpagulo ng mundo.

"Shut up! You don't know him! Kapag galit siya tahimik lang siya!" sinigawan niya yung lalaki. 

Tumayo na ako at aalis na ako sa lugar na ito. Nasira na araw ko, agad-agad lang.

"Gab saan ka pupunta? Let's talk." Pahabol na sabi ng babae pero di ko pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"I said let's talk!" hawak na ng babae ang braso ko, Problema ba nito? At siya pa galit sa lagay na yan?

"What's your problem?" naiirita kong tanong na di maikakailang lumakas na rin ang boses ko.

"Please just pretend. Just now, I'm begging. Please." Mahina niyang sabi na makikitaan ng pagmamakaawa. Bakit ba kasi ako pa natyempuhan niyang magkukunwari para sa kanya?

At dahil sa hindi naman ako rude lalo na sa babae, napa-tango na lang ako. Just this once.

"I love you, baby. Ok na tayo ah? Wag mo na kasi isipin iyong problema natin nung nakaraan. Tara balik na tayo sa upuan?" bubbly niyang sabi sa akin at tumango na lang ako. Tss. Ganun ba talaga kadaling magsabi ng 'I love you' ang mga babae?

Pagkaupo namin ay nakangiti lang siya sa akin at parang may iniintay na sasabihin ko.

Yung table namin ay by two lang kaya magkaharap kami.

"What?" taas kilay kong tanong.

"Ay ang taray." Tatawa-tawa niyang sabi. Hindi ko na lang pinansin at kinuha na lang ang phone ko.

"Hey Gab. You're not interested in me?" tanong ng babae sa akin, hindi ulit ako nagsalita.

I played my COC and never mind her.

"So sad naman. Hindi mo manlang tinatanong ang pangalan ko samantalang ikaw na hindi pa nagpapakilala sa akin ay kilalang-kilala ko." Dakdak pa niya. Bahala siyang dumaldal.

Naghikab ako at dire-diretso lang sa paglalaro. Hindi ko siya pinagtuunan kahit kaunting pansin.

"Oh well, mukhang wala kang balak na alamin ang pangalan ko. So, I'm Lory Valmadrid. Call me Lory na lang ah." Sabi pa niya.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon