Kate.
Puti. Iyan ang kulay na agad sumalubong sa mga mata ko pagkadilat ko. Teka, nasan ba ako?
Iniangat ko ang katawan ko mula sa pagkakahiga at nakita ko sa gawing kanan ko ang lalaking nakadukdok. Hindi ko siya makilala. Ayoko namang istorbuhin siya sa kanyang pamamahinga. Tumayo na ako at naglakad-lakad na rin, ano ba ang nangyari at nandito ako? Lumingon ako sa pinanggalingan ko para tignan sana ang lalaking nakadukdok pero laking gulat ko sa nakita ng dalawang mata ko.
Hawak-hawak ng lalaking nakadukdok ang kamay ng babaeng nakahiga sa pinanggalingan kong pwesto. Teka! Hindi iyon basta lang na babae kundi ako iyon mismo! Ako iyon! Paano nangyari na nandito ako na nakatayo at meron din akong kamukha na nakahiga? Panaginip lang ba ito? Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Wala akong nararamdamang sakit o kung ano. Panaginip nga lang siguro ito. Ugh, sana nga.
Lumapit na ako sa taong nakadukdok at sinubukang hawakan siya para sana magtanong kung nananaginip lang ba ako pero laking gulat ko na... Tumagos ang kamay ko sa kanya! Inulit ko pa ng inulit ang pagkalabit pero ganun pa rin ang nangyayari. Hindi ko siya mahawakan! Napa-upo ako sa kinahihigaan ng taong kamukha ko at nalungkot sa sarili ko. Ano tong nangyayari sa akin? Una, dalawa ako. Isang ako at isang nakahigang ako na walang malay. Pangalawa, hindi ko mahawakan ang taong nakadukdok. Ano ba talagang nangyayari?
Tinititigan ko lang ang dalawa kong kamay dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ng napansin ko na nag-angat na ng ulo ang taong nakadukdok. Agad ko itong nilapitan at naging malinaw sa akin kung sino siya.
Gabriel Lee.
"Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko kapag nagising na ako ay okay na ang lahat. Akala ko makikita ulit kitang nakangiti ngayon." Iniangat niya ang kanang kamay ng kamukha ko na hawak-hawak niya at hinagkan iyon. Nung hinagkan niya ang kamay ng kamukha ko, ewan lang pero feeling ko may humalik din ng kamay ko. "Come on Kate, please wake up. Please."And bakit niya iyon sinasabi? Gising naman ako ah. Nakikita ko pa nga siya eh. The big question here is, did he sees me too?
"Uy Gab. Ito ako oh? Gising na gising!" sabi ko sa kanya ng pasigaw pero parang hibang lang ako dahil hindi niya ako pinansin at nanatili lang siyang nakatingin doon sa kamukha kong tulog naman ata. Choosy pa! Ayaw sa gising!
Nanatili akong naka-upo at nakatitig lang sa kanya, nagulat ako at parang natuliro ng bigla siyang umiyak.
Umiiyak ang isang Gabriel Lee? Pero bakit?
"Kate." Tawag niya sa pangalan ko habang nakatitig pa din sa tulog na kamukha ko.
"Bakit Gab? Andito ako oh! Dito ka tumingin!" paki-usap ko sa kanya. Kasi naman eh. Tinatawag ang pangalan ko tapos di naman sa akin nakatingin.
"Kate, wake up! Please. Hindi pa kita naliligawan, pag nagising ka liligawan na talaga kita." Hinagkan niya ulit yung kamay ng kamukha ko at muli naramdaman ko ulit iyon. Weird? Weird ang nararamdaman ko sa kamay ko at weird din siya. "Gising na ha. Promise hindi na ako magiging duwag sa feelings ko para sayo." Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi niya talaga ako nakikita kasi nagagawa niyang sabihin ang mga ganoong salita. Dahil kung nakikita niya talaga ako hindi siya magiging ganyan. Gab have feelings towards me.
Pangatlo sa mga bagay na hindi ko maintindihan ngayon, hindi niya ako nakikita o naririnig manlang. Hindi niya talaga alam na nandito lang ako sa tabi niya.
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang aking ina at ama. Nangiti ako na sa wakas ay nandito na si Daddy, umuwi na pala siya ng di ko namamalayan. Nilapitan ko sila para tanungin sana kung bakit hindi ko manlang nalaman na umuwi na pala si Daddy pero dire-diretso lang sila at tumagos sila sa katawan ko! Seriously? Tumagos talaga sila sa katawan ko? Parang nahirapan ako sa paghinga ng dahil sa nangyari, di ko alam pero parang mamamatay ako nun, buti na lang saglit ko lang iyon naramdaman.
Pagka-ayos ng pakiramdam ko ay tsaka ko sila tinignan. Naka-pwesto na sila sa magkabilang side ng kama na hinihigaan ng kamukha ko habang umiiyak si Mommy at si Daddy naman ay nakatingin lang. Nasasaktan ako na nakikita silang ganun, sobrang sakit ang nararamdaman ko lalo na sa sobrang pag-iyak ni Mommy. Ang huling pag-iyak niya ng ganoon ay nung nawala si Kuya.
Napalingon ako kay Daddy "Anak ko. Daddy's here. Akala ko pag-uwi ko makakapag-bonding na tayo ulit. I really miss you my dear." Natigil si Daddy kasi umiiyak na din siya. Daddy don't cry, please. "Alam mo ba ang saya ko kapag lagi mo akong china-chat at nagtatanong ka kung kelan ako uuwi. Pinapakita mo kasi doon na you're excited to be with Daddy again." Hinawakan niya ang kamay ng kamukha ko"Please Kate, keep on holding. Daddy is always here for you. I love-- you." Pagkasabi non ni Daddy ay napa-upo na siya sa sahig at yumuko.
Lumapit ako kay Daddy at niyakap siya. I know para lang ako yumayakap sa hangin kasi tumatagos pa rin talaga pero pilit kong niyakap ang Daddy ko. Ayokong nakikita silang nasasaktan ng Mommy ko, automatic kasi na nasasaktan din ako.
Naiiyak na ako. Ano ba kasi talaga ang nangyayari? Umalis na ako sa pagkakayakap kay Daddy at lumayo ako sa kanila ng konti. Tinititigan ko lang sila at may biglang pumasok na tanong sa utak ko. Multo na ba ako? Or kaluluwa na humiwalay sa katawan? Buhay pa naman yung kamukha ko kasi parang natutulog lang siya at ako naman buhay talaga pero di nila ako nakikita.
Panaginip lang ito diba? O bangungot na? Hindi ko tanggap ang anumang nangyayari kaya napag-isipan ko na lumabas na lang kwarto na to. Pagkalabas ko, dahil tumagos ako sa pinto, may nakita akong babae't lalaki na nakaputi na parang wala sa sarili na pumupunta sa liwanag at pagkadating nila sa liwanag ay biglang nawala ang liwanag at naging normal na lang ang paligid.
Sa takot ko na baka pati ako ay kunin, ang masama pa ay hindi sa taas ang punta ko, dali-dali akong tumakbo palabas ng hospital. Please lang Lord. Wag niyo po muna akong kunin sa ngayon.
Hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng hospital at dahil sa pagod ako ay umupo muna ako sa gilid.
Napapagod din pala ang mga tulad ko. Wow naman.
"Miss. Bakit naka-upo ka dyan?" tanong ng isang gwapong lalaki na mukhang matino naman. Balak ko sana siyang sagutin ng "Natural hindi ako nakatayo" kaya lang bigla kong naalala na hindi nga pala ako normal ngayon. Bigla akong napatayo.
"Wahhh!" hiyaw ko dahil diba walang nakakakita sa akin? Pero bakit niya ako nakita?
"Ouch Miss, masakit ah! Bakit ka ba humihiyaw?! Problema mo?" sabi niya habang kinukusot yung tenga niya.
"Is it real? Nakikita mo ako?" sigaw kong tanong sa kanya na alam naman nating obvious.
"Natural! Kaya nga kinakausap kita diba? Sino pa ba tao dito? Bakit ba ang OA mo!" inis niyang sagot sa akin.
OA daw ako? Sarap umbagan nito eh! Pero diba multo na ako? Ano to may 3rd eye siya? Pero bakit sabi niya "Sino pa ba TAO dito?" Adi TAO daw? TAO! Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulo ng utak ko.
"Oh I see. Kaya pala ha."Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ano naman trip nito? "Tara sumama ka sakin." hinawakan niya kamay ko at hinila ako.
Wait, wait, wait, and Wait?! Hinawakan niya kamay ko? Hinawakan niya! Nahawakan niya! Teka bakit? Eh diba ghost na ako? Di ko gets! Gulong-gulo na utak ko! Ghost din ba siya? Pambihira! Di ko na alam!
Mababaliw na ata ako sa dami kong natuklasan ngayong araw.
BINABASA MO ANG
He's in love with a Ghost.
Mystery / ThrillerLoving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita niyo naman ang title. Paano kaya tatakbo ang kakaibang relationship nila? Pero sila pa din ba ha...