Fight. (revised)

891 28 1
                                    

Kate.

I am just looking at my phone when Gab suddenly arrived.

"Are you busy?" umiling ako bilang sagot. Wala naman kasi kaming lakad ni Prince ngayon. He have another meeting with their company's investor.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Gab ng isang iglap ay nandito na kami sa sasakyan niya.

"Somewhere? You know Kate, gusto lang kita makasama. Ngayon ka nga lang ulit nahiwalay kay Prince e." He was right. Parati na nga kaming magkasama ni Prince. "Anyway, wala ata siya ngayon?" tanong niya na sumulyap saglit sa akin. Ngumuso ako bago tumingin sa bintana.

Bigla akong nalungkot, hindi na yata ako sanay ng walang Prince sa tabi ko.
"Ang alam ko lang, may meeting siya ngayon. Mukha kasing... unti-unti ay siya na ang mamamahala sa kompanya nila." That was Prince destiny. Ako kaya? Kelan kaya ako ilalagay nila Mommy sa kompanya? Mukha kasing wala silang balak.

"So, he's a big catch huh?" tinignan ko siya ng masama sa sinabi niya. "Hey no offence, let's face the truth here. I'm just being honest. He's only child right?" napahinto ako saglit sa tanong niya.

Sa totoo lang, hindi ko alam. Wala naman siyang nasasabi sa akin kung may kapatid siya. Ang alam ko lang, may Ama pa siya at patay na ang kanyang Ina. Pero since ayokong sabihin ni Gab na wala manlang akong alam sa buhay ni Prince ay tumango na lang ako.

"Wow." Komento niya.

Pero kasi... nung nasa HH (Haunted House) kami. May nakita akong parang family picture. May babae't lalaki na nakakatanda. Parang sila yung mga magulang at dalawang bata, isang lalaki at babae. Alam ko nang si Prince ang batang lalaki pero ang babae-

"Let's not talk about him." Suggest ko sabay tanggal ng tingin sa kanya. Paano nga kung si Ate Shee ang batang iyon? Kaano-ano niya si Prince? At siya nga ba talaga iyon?-
Teka-

Napatulala ako at nagsimula ng kumabog ang puso ko.

"Stop!" hiyaw ko kaya biglang napa-preno si Gab, tinanggal ko agad ang seatbelt ko at agad-agad na bumaba sa sasakyan.

Tumakbo ako ng sobrang bilis papunta sa kung saan ko siya nakita. Ang babaeng confident na confident na naglalakad habang may ngisi sa labi. Kahit na hindi ko na siya makita ngayon, I am 100% sure. She is Trixie! Hindi siya multo! Hindi... buhay siya!

"Kate! What's happening to you?! Bakit? Sino ba ang hinahabol mo?" hinihingal si Gab pagkarating sa pwesto ko. Hindi ko pinansin ang tanong niya, nagpatuloy ako sa paghahanap sa babaeng iyon. Bakit nawala siya agad? Hindi naman siya ganoong kabilis lumakad kanina e! Kailangan kong makumpirma na buhay nga s'ya.

Hinarap ako ni Gab sa kanya pero ang mata ko ay patuloy sa paghahanap, napatingin lang ako sa kanya nung niyugyog niya ang katawan ko.

"Kate!" hiyaw niya sa akin kaya natigil ako sa kung anung iniisip ko. Napatingin ako sa mata niyang puno ng pag-aalala.

Saglit lang ay nasa mga bisig na niya ako. "Bakit parang takot ka? Kate, sinong nakita mo?" may pag-aalalang tanong niya. Yung ngising walang kinakatakutan, ngising parang anumang oras ay may gagawin ulit na masama. Siya ba talaga si Trixie? Sa saglit na pagkakakilala ko sa kanya, mabait siya eh. Hindi siya 'yun. Pero...

Naguguluhan na ko.

Tinignan ko ulit ang paligid bago ako akayin ni Gab pabalik sa sasakyan. I'm positive, totoo ang nakita ko. Hindi iyon ilusyon lang.

Sa sobrang lutang ko, siya na ang nag-seat belt sa akin.

Kung totoo ngang buhay si Trixie at hindi siya patay gaya ng sinasabi nila... dapat patunayan ko iyon. Dapat matuto rin akong harapin iyon.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon