Kate.
Nagising ako sa pagkakatulog dahil sa pagsakit ng dibdib ko. Multo na nga ako pero nakakaramdam pa rin ako ng sakit. Kainis naman!
"Ahh---" Nagpipigil na nga ako pero di ko talaga mapigilan na maglabas ng salita sa bibig ko. Tsk, namumulupot na ako sa sakit. Yung dibdib ko naninikip na ewan, daig ko pa ata ang inaatake sa puso!
"Hey, Anong nangyayari sa'yo?" tanong sa akin ni Georgina. Yes, we're roommates na. Siya ang pumalit kay Mika sa room na ito. Pero ano nga ba ang nangyayari sa akin?
"Ang—sakit nang dibdib ko. Nani—nikip eh." Tokwa. Ni pagdilat ata ang hirap gawin. Ugh! Ang sakit!
"Tsk. Diba buhay pa ang katawan mo? Baka may nangyayari dun ah? Teka, wait me here, di ko kasi alam ang gagawin kaya pupuntahan ko lang si Prince." Akma na siyang tatayo nang maramdaman naming bumukas bigla ang pinto.
"No need. What happened?" si Prince na biglang dumating, I suddenly feel relief. Balak ko nang magsalita nang inunahan na ako ni Georgina.
"Naninikip daw ang dibdib niya. Hindi ito dapat mangyari kung wala siyang katawan na nag-iintay sa kanya pero mukhang meron naman kaya baka may nangyayari sa katawan niya at nadadamay ang kaluluwa niya. Is it a sign of her returning back? Di ko kasi alam, since it's my first time na makakita ng ganito." Habang sinasabi iyon ni Georgina kay Prince nararamdaman ko ang kamay ni Prince na hinawakan ang kamay ko at nakakaramdam ako ng unti-unting pagkaantok.
Mas prefer kong antukin kaysa naman sa magdusa ako sa sakit na nararamdaman ko.
Salamat, Prince.
Prince.
Kinuha ko ang lakas niya para makatulog na lang siya at di na maramdaman ang sakit na nararanasan niya.
"Anong ginawa mo?" tanong ni Ina sa akin, short for Georgina.
"Kinuha ko energy niya para makatulog na lang siya. Pupuntahan ko ang katawan niya ngayon, bantayan mo lang siya dito." Tumango na lang siya bago ako lumabas.
-----
"Sir Prince gabing-gabi na po ah. Bakit po kayo nandito sa hospital?" bungad sa akin ng guard ng hospital na ito at sinabayan pa ako papasok. Wala namang problema kung umalis siya sa pwesto niya dahil dalawa silang guard sa entrance ng hospital.
"Bumalik ka na sa pwesto mo at wag mo akong intindihin." Tumango lang siya at bumalik na siya sa pwesto niya.
Sumakay ako sa elevator patungong 4th floor.
May nakikita akong mga spirits dito pero hindi ako mangmang para pansinin sila at matakot sa mga itsura nila.
Nasa harapan na ako ng kwarto at pumikit. Walang tao sa loob. Kinuha ko ang chance na iyon para mabilis na pumasok sa kwarto.
Sh*t!
I pressed the button na nasa bandang itaas ng kama.
"DOCTOR NOW!" Sigaw ko doon.
Bakit wala siyang bantay? Bakit ngayon pa siya nawalan ng bantay? Damn!
Pumasok ang isang doctor at dalawang nurse, I give way to them.
"Bakit ngayon ka lang nagtawag sa amin? Kanina pa tumigil ang heartbeat niya." Sabi ng doctor sa akin habang abala sa ginagawa niya sa katawan ni Kate. Ako pa ata ang sinisisi niya sa nangyayari, halata naman sa boses niya.
BINABASA MO ANG
He's in love with a Ghost.
Mystery / ThrillerLoving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita niyo naman ang title. Paano kaya tatakbo ang kakaibang relationship nila? Pero sila pa din ba ha...