Is it a ghost? (revised)

875 25 2
                                    



Kate.

"Are you sure, you don't want me to join you?" he was a busy person. Ayoko namang paabala.

"You have a meeting right? Mas uunahin mo pa ba ako kaysa d'yan? Isa pa, I am ok Prince."

"Alam mong handa kitang unahin higit sa lahat. But then since ayaw mo. Susunod na lang ako after 30 minutes. Ok?"

"Ok."  Binaba ko na ang tawag ng nakita na ng mga mata ko si Zach, confidently walking towards me.

"Sorry, I'm a bit late." Umupo siya sa harapan ko ng hindi manlang ako tinitignan.

"Hope you are ready." Sabi ko dito ng hindi na din nakatingin.

"What do you want to know?" tanong agad nito.

"The result and who is it." Tsaka ako tumingin sa kanya ng diretso.

"Here. Hope you will get all the answers in that envelope." Sabi niya sabay lapag ng envelope sa harapan ko. Hindi ko ito napansin nung pumasok siya. Indeed, he is ready.

"T-Thank you." Sabi ko dito habang hindi maiwasang kabahan sa pagkakakita palang ng envelope. Ang nilalaman nito ang katotohanan tungkol sa nangyari sa akin. Am I ready to see it? Read it? know it?

Tumayo siya bago magsalita, "I have a lot of things to do, maiwan na kita." Umalis siya ng hindi ko tinititigan. I am really thankful kay Gab na nangyari na ang gusto kong mangyari pero ngayon, sana nga pala hindi ko na lang nalaman ang lahat. Sana nga pala ay wala ako sa sitwasyong ganito. I feel not safe right now. Feeling ko may nakatingin sa akin mula sa malayo, feeling ko anytime na buksan ko ang envelope na 'to ay may biglang may mangyayari sa aking masama. Ayoko man isipin pero yun ang nararamdaman ko.

Nabalik ako sa sarili ko ng naramdam ko ang vibration ng phone ko.

"Yes?"

"You're not here. Where are you?" Bakit ang agang umuwi ni Mommy ngayon?

"Nagkayayaan lang po kami ni Gab na kumain dito sa Ozone, Mom." Sabi ko dito while looking outside. Nanlaki ang mata ko ng makita si Trixie na nakangisi sa akin. Why is that?

"Sunduin ka namin ng Dad mo, we are going somewhere. Bonding natin." Masayang wika nito. Napangiti ako kaya nawala ang titig ko kay Trixie pero nung tinignan ko ulit siya ay wala na siya sa pwesto niya. Bakit agad siyang nawala? "Anak, are you still there?" nag-aalalang tanong ni Mommy.

"S-Sorry Mom, nagpaalam lang ako saglit kay Gab. Ahmm— intayin ko na lang po kayo dito." I said ng bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

"Ok, wait for us. We'll be there any minute now." Sabi nito at ibinaba na ang tawag. Napatulala pa ako sa kaninang pwesto ni Trixie habang pinapakiramdaman ang aking sarili. Bakit ako biglang kinabahan?

Tinignan kong muli ang envelope at nagpakawala ng buntong-hininga. I'm not ready to know it by now as well I'm not ready to tell it to my family.

Nag-vibrate muli ang phone ko ngunit saglit lang, miss call from my Mom. Sign na nandyan na sila sa labas. Binitbit ko ang envelope at lumakad papalabas.

Agad ko namang natanaw ang sasakyan ng mga magulang ko, sumakay ako agad doon.

"What is that honey?" tanong ni Dad patungkol sa envelope na hawak ko.

Ngumiti ako dito ng pilit, "Nothing, Dad." At tsaka ko ibinatukal sa likod ng sasakyan. Mamaya ko na lamang iyon aabalahin.

Tahimik lang kami sa byahe at tanging ang music lamang ang nag-iingay. Usually kapag may bonding kami, kami ni Kuya Nate ang madalas mag-ingay. Tanda na excited kami, but now there's a lot of difference.
Di ko namalayan na nakatingin pala ako sa katabing upuan ko na pwesto lagi ni Kuya, agad na bumagsak ang luha ko. Pinahid ko iyon agad para hindi makita nila Mom and Dad. Ngayon wala akong partner para mag-ingay.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon