She wakes up. (revised)

977 31 0
                                    


Gabriel.

Dahil sa naniniwala naman ako kahit na papaano sa lalaking iyon, hindi talaga ako umalis ng hospital ngayong araw na ito. This is the last day of this week. Sabi niya this week daw kaya bantay sarado talaga ako sa paggising ni Kate. Kahit sila Tito't Tita ay nandito din at nakapalibot kaming lahat kay Kate.

Kahit talaga walang kasiguraduhan na ngayon ang gising niya, we still have faith.


"Gabi na pero hindi pa rin siya gumigising. Tama ba na pinagkatiwalaan natin si Prince kahit hindi natin siya gaanong kakilala?" sabi ni Tita sa amin.

Hindi naman mahalaga para sa akin ang sinabi ng Prince na iyon, kahit naman hindi niya sinabi na sa loob ng week na ito dapat pa rin na kumapit sila Tita at wag sumuko. Huwag sana nilang bigyan ng kahalagahan ang sinabi ng lalaking iyon. Gusto niyang maging kaibigan nila Kate pero pagkayari ng araw na iyon ay hindi na siya nagpakita sa hospital na ito, ano ba talaga ang gusto niyang palabasin? Ang gulo din ng lalaking iyon eh.

"Tita, Tito hindi pa naman yari ang araw na ito, magtyaga na lang po tayong mag-intay." Pagpapalakas ko ng loob nila, bakit ba kasi ang bilis nilang panghinaan ng loob.

"Hijo, labas lang kami." Pagpapaalam ni Tito, sabay silang lumabas ni Tita na may lungkot sa mata.

Bumaling ako kay Kate. "Kate may tiwala ako sa'yo, fighter ka diba? Kaya mo yan. Kayang-kaya mo yan."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon. Napatingin ako sa kamay niya dahil parang kumilos, kumilos nga ba talaga ang kamay niya o nagkamali lang ako? Pagod na siguro ako kaya ganito.

Nagbuntong-hininga ako, pumikit ng mariin at ibinalik ang titig sa mukha niya na...

Tumayo ako bigla at lumabas.

"Nurse! Nurse!" agad akong nagtawag ng nurse to check on her. Finally!

May kasama na akong dalawang nurse pagkapasok kong muli sa kwarto ni Kate.

"Hijo, anong nangyari?" Bigla ring pumasok si Tito at Tita, kasunod na rin nila ang Doctor.

"Gising na po siya!" Masaya kong balita sa mag-asawa.

Naluha si Tita at biglang napayakap sa akin ng saglit at kay Tito naman na matagal.

"Salamat sa Diyos! Salamat!" Masaya niyang wika.

Tinignan namin ang mga medical team na ine-examine si Kate.

"She's ok now. We're happy for you." Masayang wika ng doctor sa amin. Salamat talaga sa Diyos dahil ok na siya, dahil sa wakas gising na si Kate.

Dumulog agad ako kay Kate pagka-alis ng mga medical team. I have this huge smile in my face.

"Kate, salamat naman at gising ka na." hinawakan kong muli ang kamay niya at pinaulanan iyon ng halik.

"Gab." Ngumiti siya sa akin, sobrang saya ko ngayon na sa wakas nakikita ko ulit ngayon ang mga ngiti niya at narinig kong muli ang pagbanggit niya sa pangalan ko.

"Sobrang saya ko at gising kana. Sobra sobra." Hinalikan ko na rin siya sa noo, napatigil siya ng saglit pero ngumiti rin naman.

She just nod at me with her smile. Bakit feeling ko something off with her? Oh sadyang ganun lang talaga dahil kagigising lang niya sa matagal niyang pagtulog.

Doon ay lumapit na sila Tito at Tita kay Kate. Gumilid ako para bigyan sila ng pwesto at makalapit na ng tuluyan kay Kate.

"Anak." Niyakap ni Tita si Kate na ngayon ay umiiyak dahil sa kasiyahan.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon