The EIG (revised)

803 34 1
                                    

Gab.

Nag-door bell ako dito sa bahay ng mga Altamirano, nakangiting lumabas ang Mama ni Trixie ng makita ako.

"Gab, what are you doing here? Biglaan naman yata ang pagbisita mo?" tanong nito habang ginigiya ako papasok sa bahay. "Ang tagal na ng huling punta mo dito at huling dalaw mo kay Trixie." sabi pa nito nang nakangiti. How can she smile like this?

Pagkapasok namin sa bahay ay tsaka ko siya hinarap, "Manloloko kayo!" mahina ngunit damang-dama ang pangigigil ko sa binitawan kong salita.

Ang totoong ngiti nito kani-kanina lang ay unti-unting napalitan ng alanganing ngiti.

"Anong sinasabi mo hijo?" sabi nito na tinignan pang mabuti ang ekspresyon ko, nagtangkang hawakan ako pero lumayo ako.

"Buhay si Trixie!... pero... pero tinago niyo! Dahil ano? tinatakasan niyo ang kaso niya? Dahil ano? Natatakot kayong makulong ang lintik niyong anak kaya kinumbinsi niyo?! Alam mo ba kung anong nangyari sa pangungumbinsi niyo ha?! Dinukot lang naman niya si Kate! Hindi niya pa rin tinitigilan si Kate!" napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina ng tuhod ko, hindi ko na rin napigilan ang maluha sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

I don't know how it ends up na dinukot ni Trixie si Kate, hindi pa din ako naniniwala at makapaniwala pero... anong gagawin ko? anong iisipin kong mga posibilidad sa pagkawala ni Kate gayong puro pangalan ni Trixie ang binabanggit nito bago ito mawala? At itong pagpipilit niya na buhay si Trixie ang pinag-awayan namin. Na kung saan sinigawan ko siya at sinabihang baliw at wala sa sarili. Napaiyak ako lalo sa naalalang nawawala siya at hindi pa kami ayos.

"Gab hijo, anong sinasabi mo? hindi ko alam ang sinasabi mo, ayan si Trixie oh!... patay na, bumalik na sa pagiging alabok." pahina ng pahina ang boses ni tita habang sinasabi iyon at tinuturo ang abo ni Trixie. Napansin ko ring humagulhol na siya ng iyak.

"Buhay siya at tinago niyo iyon at patuloy niyo pang tinatago. Wag niyo na akong paikutin tita, please wag niyo na akong lokohin pa!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo hijo, patay na si Trixie. P-Patay na siya." hinawakan niya ako sa braso kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. Tinitigan ko siya ng puno ng galit, kahit siya ay nagulat sa reaksyon ko kaya napabitaw siya sa braso ko.

"Sige magsinungaling pa kayo. Dawit kayo dito kapag nakita at nahuli na namin si Trixie." may pagbabanta kong sabi. Lumaki naman ang pagkakabilog ng mata niya na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Gab hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. At maniwala ka please... please. Hindi magagawa ni Trixie kay Kate iyon at isa pa patay na siya, imposibleng dukutin niya si Kate. Imposible dahil... dahil patay na siya." sa sinasabing iyon ni Mrs. Altamirano hindi niya mapigilan ang luhang walang tigil sa pag-agos sa mukha niya. Kahit siya, parehas kaming naniniwala na patay na nga si Trixie pero kailangan kong malaman ang katotohanan kung buhay nga siya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, "Hindi iyon imposible dahil buhay siya at tinago niyo iyon. Ilabas niyo na siya! Ilabas niyo na siya parang awa niyo na, hayaan niyo siyang pagbayaran ang mga ginawa niya at ginagawa niya ngayon." sabi ko ulit sa kanya.

"Sinabi ko ng patay na siya!" nagulat ako sa biglang sigaw ni Mrs. Altamirano kaya naman natahimik ako. Ang tanging iyak lamang niya ang lumilikha ng ingay ngayon sa pagitan namin.

"Imposibleng dukutin ni Trixie si Kate, imposible talaga unless..." napatingin ako sa kanya bigla. Ano iyon? "Unless... ang kakambal niya ang may gawa ng lahat at inosente talaga si Trixie. Unless na ang kakambal ni Trixie ang dumukot kay Kate, dun ko masasabing baka napagkamalan niyong siya si Trixie kahit na ang totoo ay siya si Tracy." nanlaki ang mata ko sa rebelasyong sinabi niya. May kakambal si Trixie? Tracy ang pangalan? Totoo? May kakambal siya. Paano?

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon