Step (revised)

862 33 3
                                    


Kate.

It's been a week since I remembered Prince. Yung mga ala-alang bumagabag sa aking isipan simula pa man ng magising ako ay sa wakas, nalaman ko din. Nakakahanga lang na ang alaala ko nung kaluluwa ako ay naalala ko pa rin ngayon. But still, I am deeply thankful that I remembered everything.

Kamusta na kaya sila Ina at Mika? Simula ng maalala ko sila ay nakaramdam na ako ng pagka-miss sa kanila. Isa na akong normal na tao ngayon, hindi na ako kaluluwa para makita ang mga kaluluwa din.

Nakakalungkot lang isipin na, hindi ko na sila makikita pa. Di bale na lang kung gagawin din nila ang ginawa ko nung nakita ako ni Gab. Pero, imposible yun. It was too risky.

Speaking of, bakit nga ba hindi ko na lang tanungin si Prince about dun? Anyways, for the week past I must say, mas naging close pa kami ni Prince. Ganun man kadami ang adjustments dahil iba na ang sitwasyon namin ngayon still, we are both happy being together.

I don't know what to label in our relationship, we are friends but something more than? When he is around parang anytime ay guguho na lang ang mundo ko. I mean, I was like I am in my weakest. Pero kapag wala naman, oo iniisip ko siya, hindi ko naman kasi mapigilan. Pero, hindi ko talaga ma-figure out kung ano tong nararamdaman ko. Ngayon ko lang to nararamdaman lahat.

Malabo man, ayoko na masyadong isipin. We still have a lot of things to do to para abalahin pa ang mga ganung kaliit na bagay.

But seriously, I like him, I really like him.

"Ang lalim ng iniisip mo, kanina pa ako dito." Si Gab na biglang nagsalita sa likuran ko. Napatayo naman ako bigla, nagulat man pero tumakbo pa rin ako palapit sa kanya. Saglit ko siyang niyakap.

"Nasaan ang pasalubong ko? Ang tagal mong nawala ah!" This guy, after disregarding my texts ay biglang susulpot dito! Isang linggong walang paramdam ang loko except sa kanyang tawag na nakakagulantang. At doon ko lang nalaman na nasa ibang bansa siya!

"It's already in your room Kate. Pinadala ko kay manang." Nakangiting sabi niya, "Miss me?" may nakalolokong ngiti na namumutawi sa labi niya ngayon. Sarap sapakin pero niyakap ko na lang ulit sabay kurot ng konti sa kanyang likod. Natawa sya dahil sa ginawa ko.

"Asa ka!" sabi ko sabay bitaw sa yakap niya at tumakbo papunta sa kwarto ko. I want to see kung ano pasalubong niya sa akin.

Nakarating ako sa room at isa-isang binuklat ang limang paper bags na nasa kama ko.

"Naks. Galante ah. Salamat dito, Gabriel!" I said to him nang naramdaman kong pumasok na siya sa kwarto ko.

"So? Kamusta na kayo ni Prince?" tanong naman niya habang prenteng nakaupo sa sofa malapit sa kama ko.

Hindi ko mapigilang itaas ang kilay sa kanya sa kanyang tanong. "We are fine. Bakit mo naitanong?" Sagot ko dito habang naghahalungkat pa din.

"Wala lang. Well, that's good." Mahinang sagot niya.

Tinitigan ko siya ng masama kaya napatawa na naman siya. Ang tawag na nakakagulantang na sinasabi ko kanina ay ang tawag ni Gabriel na naglalaman ng kanyang pag-amin ng kanyang nararamdaman sa akin. Siguro ay mga ilang minuto akong hindi nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya.

Ayoko mang saktan ang kanyang nararamdaman ay diniretso ko na siya na wala talaga siyang mapapala sa akin. Una pa lang, iyon na ang sinasabi ko sa kanya, which is true. Friendship lang ata ang mapapala niya sa akin kahit na hindi ako magaling doon.

Mabuti na lang ay natapos ang usapan namin ng mapayapa, tinanggap niya ang pag-reject ko sa nararamdaman niya, naiintindihan niya. At ngayon, I am really thankful na hindi nag-sink ang nasimulan na naming pagkakaibigan simula ng umamin siya.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon