Mika.
3 araw ng tulog ang sleeping beauty and gladly ako talaga ang nagbabantay sa kanya. Who is sleeping beauty? None other than, Kate.
She's so hopeless. Pinagod ang sarili in just span of minutes ayan ang kapalit, days of sleeping. At dahil ako ang inatasang magbantay sa kanya, I can't do anything than looking at her. Boring yeah.
"Asdfghjkl." Sabi ni Sleeping beauty.
"Ano?" Mukhang magigising na siya. Sa wakas naman.
"Qwertyuiop." Ano ba language ng babaeng to?
"Sige Kate, I understand you." Sabay irap ko sa kanya.
Bigla siyang tumayo at nagpalinga-linga.
"Paano ako nakarating dito?" takang tanong niya sa akin. She's really hopelss.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why? Saan ka ba dapat nadoon?"
"Ha? Wala. Kasi alam ko nawalan ako ng malay habang nasa labas ng bahay na to. So paano ako napunta dito?"
I just shrugged my shoulders to her.
"Oh come on, Mika. Don't tell me hindi mo sasabihin na naman?"
I just nod at her at napadapo na agad ang kamay niya sa kanyang mukha.
"May topak ka ba Mika?" irita niyang tanong.
Iniling-iling ko lang ang ulo ko sa kanya.
"Iwanan na nga kita dyan!" akma na siya tatayo ng pigilan ko.
"Bilis magalit. Saan mo balak pumunta?" tumayo na ako kaya napatayo na din siya.
"Tsk. Hulaan mo." Sabi niya ng naiirita.
"Sagutin mo ako ng matino." Kalmado kong sabi sa kanya.
"Bakit sinagot mo din ba ako ng matino?" Okay? Grabe din pala itong babaeng to.
"Okay. Tara samahan kita kay Prince." At tsaka ko siya hinila.
"Nakakatakot ka na." sabi pa niya.
Di na lang ako nagsalita hanggang sa makarating na kami sa kwarto ni Prince na kasalukuyang nagbabasa at dahil sa biglaang pagdating namin ay napatingin siya sa akin ng masama.
"Tinatamad akong magkwento, ikaw na lang ha?" Sabi ko kay Prince at tsaka ako kumaripas ng takbo papalabas.
Kate.
Ang weird ni Mika kahit kailan. Minsan bubbly, tawa ng tawa, may topak, tahimik, seryoso at lalong higit nababaliw.
Hila-hila niya ako papunta sa kwarto ni Prince.
"Nakakatakot ka na." sabi ko sa kanya pero hindi naman na siya nagsalita.
Tapos ngayon eto siya tatahimik na lang. Grabe na tong babaeng to. Kung may mental hospital para sa mga mumu tyak ko nandun na si Mika.
Hanggang sa makarating na kami sa kwarto ni Prince. Sinamaan siya ng tingin ni Prince. Siguro kasi hindi manlang siya marunong kumatok. Of course baka marunong na siya na hawakan ang mga bagay, baka nga na-master na niya yun eh.
"Tinatamad akong magkwento, ikaw na lang ha." sabi niya kay Prince ng naka-ngiti at kumaripas agad ng takbo.
Nakita kong nagbuntong-hininga si Prince.
"Ano tanong mo?" ha? Ako ba kinakausap nito?
Tinitignan niya ako ng seryoso ngayon. Ako nga ang tinatanong niya. Ano nga ba tanong ko? Makatanong naman kasi itong si Prince akala mong kanina pa kami nag-uusap at nahinto lang nung um-epal si Mika.
BINABASA MO ANG
He's in love with a Ghost.
Misteri / ThrillerLoving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita niyo naman ang title. Paano kaya tatakbo ang kakaibang relationship nila? Pero sila pa din ba ha...