Chapter 5: Lion and Kitty

33.4K 1.3K 329
                                    

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 5: LION AND KITTY

BELAYA'S POV

Nakapalumbaba na pinagmasdan ko si Pierce na alam kong nararamdaman ang tingin ko pero blangko lang ang ekspresyon sa mukha na nakatutok ang mga mata niya malayo sa akin. He keeps on surveying the place as if any moment ay basta na lang may lalapit sa amin at dadakipin ako.

Wala naman ng nagtatangkang kidnapin ako nowadays. Last time na nangyari iyon ay noong nasa grade school ako. Ako pa nga ang naawa ro'n sa kidnapper dahil hinarap niya ang galit ng tatay ko na bihirang magalit. My father worked as the head secret agent for years for his own division in an organization that at that time wasn't entirely legal. Masayahin man siya at laging nagbibiro pero hindi ibig sabihin ay pagdating sa amin ay hindi lumalabas ang pagiging tatay niya. I never seen him so angry in my life than that day.

My mom on the other hand acted differently than the usual. My mom, the head of her own division along side my father, has always been tough. But that day, it was the first time that I saw her cry. Kaya hindi na nakakapagtakang lalong nagalit si Papa. I thought they will make the man disappear. Like really disappear. But they did the right thing in the end and now he's in jail.

"Is the food here good?"

Tinignan ako ni Sebastian na abala sa pagtipa sa cellphone niya. "Hindi ko alam. Walang tao kaya ito ang pinili ko na lugar. May private section din."

"Dinala mo ako sa lugar na hindi mo alam kung masarap ang pagkain?"

Bumuntong-hininga siya at tumayo. Nakita kong lumapit siya sa isa sa mga server at kinausap ang mga iyon. Kanina pa kami naka-order but Sebastian is probably asking for free taste samples. Bagay na hindi naman ginagawa ng mga restaurant pero walang duda na gagawin nila dahil nandito ako.

"Kung hindi masarap, hindi mo kakainin?"

My eyes went to Pierce and the smile on my face returned. Ewan ko ba. Basta tumitingin ako sa kaniya kahit lagi siyang mukhang problemado ay gumaganda ang tingin ko sa buhay.

"Hindi."

"That's a waste of food."

"I'm not saying I'm going to throw it away. I don't like wasting food but I also don't like wasting money. Pinaghihirapan ko ang pera ko. Why would I settle for a poor service?"

"And the servers? What would you do to them?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala. May kailangan ba akong gawin? Hindi naman nila kasalanan kung iyong ang standard ng pinagtatrabahuhan nila. Minsan pa nga hindi rin kasalanan ng chef. Anong magagawa niya kung iyon ang recipe na ibinigay ng restaurant o kung iyon lang ang quality na meron sila?"

"So it's the restaurant's fault."

"Of course. They are the one that should take responsibility. It's not like I'm going to bash them online or something. Hindi ko nga lang pipilitin ang sarili ko na kainin ang pagkain nila at hindi na rin ako babalik."

Dagger Series #3: UnscriptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon