Chapter 38: Drunk

32.5K 1.3K 541
                                    

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 38: DRUNK

BELAYA'S POV

"I didn't know that they serve an all day breakfast."

Umupo si Lia at Lucienne sa harapan ko. I just came back from an interview pero nang sabihin nila na nasa malapit sila at gusto nilang makipagkita for dinner ay kaagad naman akong pumayag. Ginabi na rin naman ako dahil nagkita pa kami ni Lauren kanina para ipakilala niya sa akin ang boss niya na ngayon ay boyfriend niya na. Pag-uwi naman sa bahay take out lang din ang kakainin ko dahil abala sa Dagger si Pierce.

Lihim na napangiti ako sa naisip. It seems so natural to think of Pierce's house as my home now.

"You've been here?" Lia asked.

"Isang beses lang. Maganda naman ang service nila dito at masarap naman ang pagkain."

"Oh that's good. Nakita ko kasi ang all day breakfast offer nila and I know you love those. Ito namang si Lush sumama na rin."

I do love all day breakfast. Marami kasing pagkakataon na hindi ako nakakakain no'n dahil na rin sa sobrang busy ko.

"Busy ang asawa ko at hiniram na naman ni Savannah at Damian ang anak ko pati na ang kambal ni Lia." Nilingon ni Lucienne si Lia. "Hulog ng langit ang dalawang 'yon. Akalain mo 'yon. Anak pa ng presidente ang babysitter ng mga anak natin."

Bago pa makasagot ang babae ay may lumapit na sa amin na waiter.

"I'll have the Brandade de morue au Gratin for the hors d'Ouvres. I also want the Zucchini tartine with mustard dressing on toast," I said to the waiter.

Nag-angat ng tingin si Lia mula sa menu. "I'll have the Rustic tuscan pepper bruschetta and also the Panettone french toast with mixed berries."

Tumingin ang waiter kay Lucienne na ngayon ay napapakamot sa ulo niya. Alanganin ang ngiti na binigay niya sa lalaki. "Pandesal meron kayo? Saka peanut butter at kape."

"Umm... meron po kaming breakfast sliders kung gusto niyo Ma'am? With omelette and bacon po iyon."

"Sige sige."

"Sa kape po ba anong gusto niyo? We have Arabica, Robusta, Latte, Cappuccino, Espresso, Americano-"

"Filipino."

Tinakpan ko ang bibig ko nang bigla na lang ako mapatawa. Ngumisi lang si Lucienne at nag peace sign sa waiter. "Joke lang. Espresso na lang. Espresso can cure all depresso."

The waiter looked dazed when he turned his back on us. Alam ko namang naiintindihan ni Lucienne ang mga nasa menu. I'm pretty sure she's just being her usual comedic relief self kaya napagtripan niya ang waiter na ngayon ay dinadama ang first encounter niya sa unicorn na nakilala niya.

Dagger Series #3: UnscriptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon