Chapter 33: Recharge

26.4K 1.4K 328
                                    

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple  #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 33: RECHARGE

BELAYA'S POV

I'm tired from work and I'm also drained what with the emotional moment that I had with Tristan. I love working on the new project and I'm thankful that I can finally close a chapter of my life. That's the thing. Para sa akin positibo ang dalawang iyon at hindi problema na mapagod ako dahil sa mga iyon.

What I don't want is to be physically and emotionally tired tapos may susubok pa ata ng spiritual energy ko. Iyon bang parang magkakasala pa ako ng wala sa oras.

"Kailangan ba talaga lagi kang may bantay?"

Sandaling nilingon ko si Domino na nasa kabilang lamesa ng restaurant na kinaroroonan namin. A fancy restaurant that looks like it with its interior and name but not through the food on the plate. There's a difference with high quality and pretentious.

Binalik ko ang mga mata ko sa babaeng nakaupo sa harapan ko. I gave her a sweet smile. A particular one that I always reserve for people like her. "Sorry. Does it bother you? I can't help it if I'm too important."

Tumalim ang tingin niya sa akin pero hindi rin nawawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya. "But I guess not that important for him since he let you go."

I know she's waiting for my composure to crack and I watched with satisfaction when a flash of uncertainty crossed her eyes when I didn't.

I don't think she get it. I'm an actress for almost all my life. Kahit pa maapektuhan ako kung sakali sa kung anuman ang lalabas sa bibig niya kaya kong pigilan ang sarili ko na ibigay sa kaniya kung ano ang gusto niya. She can probably hurt me or irritate me but it's up to me when it comes to what I want to show her. The world is a stage after all and I'm the protagonist of my own story.

"Hindi ko alam sa'yo pero busy kasi akong tao. Can you just get to the point so I can leave already?" I asked.

"Gusto kong layuan mo na ng tuluyan si Pierce."

Napakurap ako sa sinabi niya at sandaling tinitigan ko siya. Pagkaraan ay nilingon ko ang kinaroroonan ni Domino na alam kong nakikinig sa amin. Sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ay hawak niya ang cellphone niya na nakatapat sa akin.

"Feeling mo ba nasa telenovela ka, Charlotte?"

"What-"

Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at nangalumbaba ako. "Ito na ba ang oras na aalukin mo ako ng malaking pera o kaya tatakutin mo ako na kapag hindi ko nilayuan si Pierce ay sisirain mo ang buhay ko at ng pamilya ko?" Bumuka ang mga labi niya pero inangat ko ang kamay ko para patigilin siya. "Una, mayaman ako. Wala kang kayang ialok sa akin na hindi ko kayang makuha. Pangalawa, hindi mo ako kayang takutin pagdating sa pamilya ko. Baka ikaw pa ang matakot sa kanila."

Dagger Series #3: UnscriptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon