Belaya Lawrence is the most sought-after actress of her time. She loves her job. She loves living different lives, even if she only has one. It's challenging and wonderful at the same time because she can be anyone through the script that is given t...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tulalang nakatingin ako sa kawalan habang kinakain ang bowl ng fruit muesli na nasa harapan ko. Madilim na sa labas pero kagigising ko lang at disoriented pa ako. I finally have a vacation and I'm here in my house in Tagaytay. I'm used to my schedule but it doesn't mean that I'm immune to fatigue. Umaga na ako naihatid dito ni Sebastian kaya wala talaga ako halos na tulog mula kahapon.
The movie that I was part of officially got wrapped up yesterday. It took us six months to finished it. Masyadong mahaba ang tinagal ng movie na iyon bagay na hindi naman kadalasang nangyayari unless mahirap talagang gawin iyong pelikula dahil kumplikado ang scenes at malalayo ang locations. Our movie was supposed to be easy to shoot but because of the problems we faced ay tumagal iyon bago matapos.
Maraming nawalang footages dahilan para kinakailangan na i-reshoot ang mga iyon. Most of those are my scenes. Halos muntik na nga na hindi matuloy ang pelikula dahil kukulangin na sila sa budget. Hindi naman kasi kasama ang ilan pang mga buwan sa dapat nilang bayaran sa amin. But Sam and I decided to waved off the payments and just finish the movie. Hindi na rin iba sa amin ang producer at director.
Nangalumbaba ako sa lamesa. I could do that movie again and again but I won't be tired as I am now. Iba naman kasi ang dahilan kung bakita pakiramdam ko ay gusto ko na lang matulog para matakasan ko ang realidad.
I don't have any energy left in me because I lost the reason that I'm always recharged.
Nagdadabog na kinuha ko ang kutsara ko at muli akong sumubo. I only managed to keep Pierce as my body guard for almost a month before all hell broke lose. It's not even my fault. My plan was smooth. But that one stupid audio recording ruined it for me.
A few months ago...
Tumingin ako sa relos ko pero hindi pa rin dumadating si Pierce. We're supposed to meet by six o'clock but it's almost seven now. Hindi siya iyong klase ng tao na na-le-late kaya nakakapagtakang kahit isang mensahe mula sa kaniya ay wala akong natatanggap.
"We're really getting behind, Bela. Pasunudin mo na lang kaya siya sa location?"
Tumingin ako kay Sebastian at tinanguhan ko siya. Napapabuntong-hininga na sumandal ako sa upuan habang tumitipa ako sa cellphone ko. It's the fourth text I've sent him but he's still not answering. Nang hindi na ako makuntento ay nagpadala na rin ako ng mensahe sa numero na ibinigay sa akin ni Thorn noon. It's the number connected to their headquarters. To my surprise, it didn't took long before my phone vibrated.
Tinignan ko iyon at nakita ko na tawag iyon. Mabilis na sinagot ko iyon at inilagay sa tapat ng tenga ko. "Hello?"