Chapter 4: Jealousy

32K 1.3K 383
                                    

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #DaggerSeries

CHAPTER 4: JEALOUSY

BELAYA'S POV

"He was mine first and I let him go for you. Sinaktan mo siya at iniwan. He was a mess but it was me who made him whole again. Ako ang umayos sa gulo na ikaw ang gumawa."

"He's mine!"

"No. Sa akin na siya noon. Sa akin pa rin siya ngayon."

"He's my husband!"

Malakas na umalingawngaw ang sampal na ibinigay niya sa akin. Napatagilid ang mukha ko sa lakas ng sampal niya. Kaagad nangilid ang luha sa mga mata ko at akmang uulitin niya ang ginawa pero inunahan ko siya. I slapped her cheek, the sound as loud as she gave me.

"The ink on the annulment papers dried a long time ago, Jean. He's not your husband anymore."

"Cut!"

Inayos ko ang ekspresyon sa mukha ko at nginitian ko si Emma Manuel na katrabaho ko sa bagong pelikula namin na Broken Promises. The story line is actually good and not as cliche as the other movies that I did with a love triangle like this one. It's more about heartbreak, forgiveness, and new beginnings. Ang ayoko kasi talaga sa lahat na gaganapan ay iyong mga proyekto na umiikot sa mistress tropes. Gasgas na gasgas na kasi lalo na rito sa Pinas.

"Sorry, Belaya! Napalakas ata."

"Okay lang, ano ka ba? Ako rin naman. As long as maganda sa camera worth it," sabi ko sa kaniya at tinapik ko siya sa balikat bago ko siya nilagpasan.

Hindi namin kasi pinepeke ang mga sampal. Mas maganda kasi kapag totoo talaga. Kaunting sakripisyo para sa isang makatotohanan na scene. Saka ako kasi iyong klase ng artista na bihirang kumuha ng double. Even with the first action movie that I did a long time ago.

Sinalubong ako ng manager ko na si Sebastian at naiiling na idinikit niya sa pisngi ko ang hawak niya na ice popsicle na hindi ko alam kung saan niya binili. "Ginalit mo ba 'yon at parang ang lakas naman ata ng sampal sa'yo?"

Inirapan ko siya at hindi ko siya sinagot. Wala naman kasi talaga kaming problema ni Emma. She's a good actress and she's one of the few that I like.

Hawak ang ice popsicle sa pisngi na nilapitan ko ang isang lalaki na ngayon ay tahimik lang sa isang tabi habang nanonood sa mga nangyayari. Sa kabila ng maraming tao sa set location namin ngayon at kahit na isa sa mga iyon ay si Samuel Lorenzo na siyang leading man ng story ay stand out pa rin si Pierce na ilang beses kong nakita na tinitignan ng mga katrabaho ko. Mukha kasi siyang artista. Iyon bang parang hindi pwede sa basta na tema lang. He would really look good as a knight and not a fancy-pansy looking King. He kind of remind me of Henry Cavil. But not him as Superman. Iyong sa The Witcher where he talks through grunt, and he's all ragged looking.

Dagger Series #3: UnscriptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon