Chapter 10: Constellation

30.3K 1.4K 433
                                    

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 10: Constellation

BELAYA'S POV

Bumaba ako ng sasakyan nang buksan ni Pierce ang pintuan. Napatingin ako sa backseat at napangiti ako nang matanaw ko si Arctic na tulog na. Malamang nag-sugar crash. Halos magkasing-dami lang kami ng kinain na ice cream. I had two cups and he had three. Si Pierce isa lang.

"You're kind of a cool dad, you know?"

"Why? Because I let my son eat three cups of ice cream knowing that after he crash he will torture me later kapag naging hyperactive na siya?

I beamed at him. "Yup. Mommy ko nga ang tagal itinago ang existence ng chocolate sa amin. Halos nasa edad na ata kami ni Arctic bago namin nadiscover 'yon. Can't blame her. Imagine having three hyper toddlers."

"You're really one of a triplets?"

Tumango ako at inginuso ko ang ospital sa likod namin. "Iyong nakita mong kapatid ko kanina isa iyon sa housemates ko sa tiyan ng nanay namin."

His forehead knotted as if he's trying to imagine my brother. "Bakit ang liit mo?"

Wow. Kung makapagsalita talaga ang mga tao sa paligid ko akala mo ako lang ang maliit na tao sa mundo. Lia's even smaller than me. "Grabe ka naman maka-liit."

"You're brother is almost as tall as me."

Nagkibit-balikat ako. "Baka kinuha nila ni Kuya Ram lahat ng height sa genes namin. Madadamot ang mga 'yon. Isa pa, I'm the baby that my parents almost lost. Hindi kasi talaga naging madali ang pregnancy niya at pinapipili siya noon na i-let go ang isa. I was that baby but my mother didn't want to choose. So here I am."

He stared at me for a minute as if he's battling what words to say. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita siya. "Good thing that she kept you all. If she hadn't then the world will probably won't have the chance to see the brightest star."

It's the first compliment that I ever received from him. Noong panahon kasi na lagi pa kaming magkasama ay hindi naman siya mukhang na-i-impress sa ginagawa ko. He was always formal. Siya kasi iyong klaseng tao na mukhang kapag trabaho lang ay trabaho lang.

His eyes drifted to my face for a few seconds before he inclined his head on the direction of his car. "We need to go. Sigurado ka bang hindi mo gustong sumabay?"

Parang gusto ko ng ibenta ang sasakyan ko. "Yeah. I'll be fine."

"Drive safely," he said seriously.

"I will. Ingat din kayo."

Tinanguhan niya ako pero nang makarating siya sa kabilang panig ng sasakyan at makapasok sa loob ay nakita kong sandaling tinignan niya muna ako bago binuhay ang makina. Tumalikod na ako para maglakad papunta sa sasakyan ko na sa may kalayuan na puwesto ko naiparada dahil ang daming sasakyan noong umanga. Ngayon na lubog na ang araw ay mas hindi ganoong ka-busy ang parking lot.

Dagger Series #3: UnscriptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon