Belaya Lawrence is the most sought-after actress of her time. She loves her job. She loves living different lives, even if she only has one. It's challenging and wonderful at the same time because she can be anyone through the script that is given t...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Akala ko ba detective kayo? Eh bakit hindi niyo siya mahanap?"
Humaba ang nguso ni Trace na abala sa laptop niya dahil sa sinabi ni Lucienne. Si Domino na katabi niya ay napapakamot naman sa ulo nang tumingin din sa kaniya ang babae at pinaningkitan siya ng mga mata. She's like a supervisor scolding her team.
"Hindi naman gano'n kasi kadali iyon. Para ngang hindi nag e-exist ang taong pinapahanap ni Belaya. Facebook account lang niya ang meron siya na social media pero kahit 'yon apat na taon na niyang hindi nabubuksan," paliwanag ni Trace.
"Do something. Nakasalalay dito ang ikagaganda ng buhay niyo."
Kumunot ang noo ng lalaki. "Bakit?"
"Pierce is already the second broodiest brother that you have. Una ro'n si Gun though he mellowed out a bit what with being happily married to Lia. Pero si Pierce magiging sakit ng ulo niyo. Hindi pa siya bad mood suplado na siya paano pa kapag mainit ang ulo niya dahil may pinagdadaanan siya?"
Humaba ulit ang nguso ni Trace sa sinabi ni Lucienne at bumubulong-bulong na pinagpatuloy niya ang ginagawa.
Sandaling nawala sa kanila ang atensyon ko nang malingunan ko ang manager ko na si Sebastian na palapit sa amin. May kausap siya sa cellphone kaya basta na lang niya inabot sa akin ang dala niya na paper bag bago siya muling tumalikod para ipagpatuloy ang pagkausap sa kung sinuman na nasa kabilang linya.
Binigay ko ang paper bag kay Lucienne na masayang kinuha iyon sa akin at inilabas ang mga pagkain na pina-deliver niya kanina. Nang makuha niya ang sa kaniya ay ibinigay niya ang lalagyanan kaila Trace.
"Hindi ka talaga kakain?" tanong sa akin ng babae.
"I already ate. Saka baka madumihan ko pa ang damit ko," may maliit na ngiti sa mga labi na sabi ko.
I'm wearing a linen cream kimono top with a rope belt and a mix of cream and sienna free flowing wrap pants skirt. It's one of my wardrobe for Virago.
We're on the set for the photo shoot of the series. Next week we'll be starting to film some of the easy location scenes. Ang sabi sa akin ni Sebastian, years in the making na raw talaga ang series. Matagal na rin nakuha ang project na ito sa nagsulat pero hindi talaga naging madali ang proseso para ihanda nila ang mga kakailanganin nila. Now with the cast complete, filming na lang talaga ang kinakailangan intindihin ng production team.
Napatigil si Lucienne na kakagat na sana sa hawak niya na burger at napatingin doon. "Ay iyong bayad ko nga pala sa pina-deliver ko."