Chapter 10: What's the secret?

302 15 0
                                    

IYA'S POV

Nagluluto ako ng hapunan nang magtext si Rhyle na dito siya kakain. Akala ko ba lalabas silang magkaibigan. Tamang tama naman puno ang kanyang ref. Namalengke ako kahapon. Nagluto ako ng paborito niyang sinigang na bangus, chapseuy at leche plan for desserts.

I set the table for two. The, take a bath and fix myself. Nanood ako ng tv. Ang dami ko nang napanood but bakit wala pa rin si Rhyle? I always looked at my phone but he is not texting me. Nasaan na ba siya?

Marami nang pumapasok sa isip ko. Baka naaksidente, naku huwag naman sana. I texted him but di naman nagrereply. Kinakabahan ako at the same time naiinis. Minsan ganoon siya bigla na lang sumusulpot na hindi nagpapasabi.

Nakatulog na ako sakahihintay. Paggising ko alas dose na pala. Kainis, niligpit ko na lng ang mga pagkain at natulog. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Dahil sa inis napaiyak na lng ako. Nang biglang tumunog ang phone ko. Si Rhyle nagtext.

"I'm sorry honey, it's late. Hindi na ako makakapunta diyan. We'll talk tomorrow."

Hindi na ako nagreply. He would think naman na tulog na ako. Pero hindi ako makatulog. Makapanood na nga lang ng tv.

*******

RHYLE'S POV

JC and I are still in the bar talking. Nauna na si Justin coz something came up. Alam na lahat ni JC what's with Iya and what happened in Iloilo. He's my bestfriend at siya lang ang nasasabihan ko ng mga problema ko.

"Why dont you tell her. I feel like hindi naman siya magagalit. Anyway, it's not a big issue pag nagkataon." JC

"Yeah, I really don't feel that it's a big issue for Iya. It's about Justin what I'm thinking. I know what he's up to. I don't want to mess up with him."

"I don't think so bro. I know him, he already proved his worth. You know it. If he wants Iya, since then, sana he made a move na."

Tama si JC, Justin was a good friend but now I'm not that sure of that. I don't know how he feels for Iya. But for sure, whatever it is? I will not allow him, to take  away what is mine.

Hindi pa rin nagrereply si Iya sa text ko. Tulog na siguro.

************

IYA'S POV

Buong araw akong nakahilata sa kama. Wala akong ganang bumangon. Walang pasok kaya gusto kong matulog buong araw. Ni wala akong na receive na text kay Rhyle o tawag. Bakit ba? He always do that lately. Iwan, nakakapraning ang maghintay sa wala.

Nagdesisyon akong bumangon at naligo. Pagkatapos ay nagluto ako ng paborito kong adobong kangkong. Ito ang palagi naming ulam sa probinsiya. Hay, namimiss ko na si mama. Kahapon lang kami nagkausap pero namimiss ko pa rin sila.

Feeling ko ang lungkot ng araw ko ngayon lalo pa at hindi nagpaparamdam si Rhyle. Ayoko ring mag text baka sabihin niya na atat na atat ko siyang makita. Hindi nga ba? Di ba you miss him? Heeh, tigilan mo nga ako konsensya.

Matapos kong kumain ay umupo ako sa kitchen counter. Natutulala akong nakalumbaba sa mesa. Pinaiikot ko ang kutsara habang naglalakbay ang isip ko. Boring naman kasi ang araw ko ngayon. Ano ba ang magandang gawin? Wala rin akong ganang lumabas o mag-aral.

"Ako ba ang iniisip mo?" Si Rhyle na nakaupo sa tapat ko. He looks so good with his plain shirt and short pants. Kaliligo lng yata nito. Nakakaloko talaga tong puso ko.. nagwawala na naman. Umayos ako ng upo. Hindi ko pa rin mahanap ang mga sasabihin ko. Relax Iya.

"Hey? Are you ok?" Untag ni Rhyle sa naglalakbay kong diwa. Ba't kasi iba ang dating nito. Hindi nakakaimmune ang presence niya. Kakaiba pa rin ang dulot ng mga titig niya, his gestures, and nearness to my system.

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon