Chapter 45 Birthday Surprise

250 12 0
                                    


Iya's POV

"Baby were here!" Rhyle tapped me to wake up. Agad naman akong umayos.

Pagtingin ko sa labas ay bigla akong na excite. Kumabog bigla ang dibdib ko. Inakay niya ako palabas ni Rhyle.

"What do you think?" All smile niyang tanong.

I chuckled. As in napa wow ako sa laki at ganda ng bahay. Speechless.

'Wow. Ang ganda." I muttered.

Hinapit niya ako and kissed me sa forehead. "Let's check the house?" Bulong niya. Tumango naman ako.

Ito daw ang bahay na pinatayo niya after 5 years na nakarecover siya. Surprise niya pagbalik niya.

Mabuti nagkabalikan kami. Kundi sayang ang effort ng lokong ito.

Nakaakbay siya sakin. I glanced at him. And smiled. Sobrang nakakatuwa talaga tong si Rhyle. Everytime na magkasama kami ang dami niyang surprises para sakin..

"Hey bago tayo pumasok let's check the pool first." And he guided me sa path patungong pool area.

What??? It can't be. Napailing ako. Namilog ng husto ang mga mata ko.

"Olympic size ba to? Ang laki at haba." I exclaimed.

"Almost!" Ngumiti siya sa akin and naaamused sa mga reactions ko.

"I want Hopie to be a swimmer too. It's a good exercise for us."

Nakalimutan ko varsity swimmer nga pala siya noon. Sobrang heart and soul ang ibinigay niya sa sports na iyon. Lumalangoy pa rin kaya siya ngayon? Malamang kaya may pool nga dito diba.

"Spacing out again huh? Hahalikan na kita diyan." Sabi niya.

"Hindi a. Matanong lang ... do you still swim?" Napangiti siya na parang loko.

He smirked and said."wanna bet?"

"Ha? Ayoko ko. Alam mo namang hindi kita matatalo. Next time nalang no. Magpapraktis ako diyan. At pag natalo kita lagot ka sa akin."

He pulled me closer and hugged me tight."you're so cute." He said pinching the tip of my nose. "I love you Iya. I can't wait to start our new life here sa bahay na ito. We'll make awsome memories here."

"Me too Rhyle." Nasabi ko nalang lang. Actually mas excited yata ako. Iwan ko ba, una ko palang pagpasok sa gate kanina. Nafeel ko na magiging haven ko ito.

"Let's go inside." Excited niyang sabi. Dumaan kami sa backdoor that connects the house and the pool area. Ang dilim ng bahay pagpasok namin kaya umalis sandali si Rhyle para i- on yung switch. Nakatayo lang ako dun. Hindi ako gumalaw kasi madilim. Takot ako baka madapa ako pag kumilos ako.

Ang tagal naman ni Rhyle. Saan kaya pumunta yun.

Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang ilaw sabay putok ng confetti at sigaw ng...

HAPPY BIRTHDAY!

I grasped. Oh shocks they all here. They were singing a Happy Birthday song. And they were all happy and smiling.

Surprise. As in surprised na surprised.

Nandito ang mga kabarkada ni Rhyle. JC, Justin, Raven, Kevin, oh my si Liza is here. She waved at me. Si mama at ang kapatid ko. At iba pang mga kaibigan namin ni Rhyle.

Even Liam and Yani were here. With their cute little Syjan. Mas matanda lang nang isang taon kay Hopie dahil mas naunang mabuntis si Yani nung umalis sila papuntang Uk. I hugged Yani . Sobrang nakakamiss.

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon