Chapter 29

259 12 0
                                    

IYA'S POV

Pakiramdam ko parang Maria Christina Falls ang mga luha ko. Di matigil tigil at kusang dumadaloy sa pisngi ko... nauubos na ang tissue sa box na nasa tabi ko.

Kahit na nag usap na kami ni Rhyle kahapon e, nakakaramdam na naman ako ng kalungkutan ngayon. MAs lalong lumamlam ang pakiramdam ko dahil sa lakas ng ulan sa labas. Hindi ako makalabas at suspended na rin ang klase dahil sa bagyo na paparating. Baha halos lahat ng kalye sa Maynila kaya dineklarang walang pasok ang mga estudyante sa lahat ng level.

I hate rainy days. Para sa akin nagpapalungkot sa akin ang ulan. Maraming masamang alaala sa akin ang pag ulan.

Tila isang bagyo ang pag iwan sa amin ng papa ko. Gabi gabi kong nakikita na umiiyak si mama dahil doon. Para sa kanya hindi kami sapat para makapagpasaya sa kanya kaya napapabayaan niya kami. At sa tuwing darating ang tag ulan sa buhay ko at kailangan ko ang yakap at pagmamahal ng isang ina ay wala.
Palaging mag isa at nagmumukmok sa kwarto. Kaya para sa akin malungkot ang tag ulan.

At ngayon, nasa stage na naman ako nang tag ulan sa buhay ko. Maiiwan at mawawalan na naman ako ng isang tao na lubos kong minahal at nagmamahal sa akin.

Ok na sana ako e, pero nang dumating si Rhyle sa buhay ko ay nag iba na naman ang takbo ng buhay ko. Nag iba na rin ang pananaw ko sa buhay. Is it because Rhyle loves me so much? O talagang bang too much dependent na ako sa kanya? I dont know.

Sa 3 taon naming magkasintahan. Rhyle was always there to make me smile and he made things easy for me to handle. At first, may mga resrvation pa ako but when I realized na talagang mahal ko na siya ilalayo na naman siya sa akin.

I hate goodbyes, I hate being alone again. I hate being left by someone. And I hate being alone in the rain.

****************

Nasa kasuluksulukan ako ng library umupo habang nagbabasa ng accounting books. Namamaga ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ko kahapon. Kahit wala pang pasok pumasok ako para malibang. Ayokong magmukmok sa condo.. naaalala ko lang si Rhyle.

Nakakahiya naman itong mata ko pero medyo ok na kasi nilagyan ko nang ice kanina kaya medyo di masyadong halata. Nilagyan ko ng conceler para di masyadong halata.

Lutang ako sa mga iniisip ko nang biglang may humalik sa akin sa pisngi. Nagulat ako. Pagtingin ko ay ang gwapong pagmumukha ni Rhyle ang bumungad sa akin.

"Hey, hi babe!" Malambing niyang sabi sabay kindat at ngiti...napanganga na lamang ako. Hay ang gwapo niya.

"Rhyle..." ang tila namamalikmata kong sabi..

"I'm looking for you. Nandito ka lang pala." Umupo siya sa tabi ko. Nakaupo kami sa sahig na nasa sulok ng aklatan.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Sabi ko at humarap sa kanya.

"This place is your haven, remember?" Sabi niya na titig na titig sa akin sabay kuha ng mga kamay ko at nilaro laro. "The only place na alam kong favorite mo!" Sabay halik sa mga kamay ko. Nakakakilig talaga yung ginawa niyang paghalik sa kamay ko.. nakaramdam naman ako tuloy ng lungkot. Di ko napigilang namumuo na pala ang luha sa aking mga mata. Yumuko ako para hindi niya makita yun.

"Hey babe! Look at me.. I love you, ok? Ayokong nakikita kang umiiyak." Malambing niyang sabi.

"E hindi ko mapigilan e. Naiiyak talaga ako." Sabi ko na parang bata. "Di huwag ka nalang tumingin sa akin..."

"Pwede ba yun? Ikaw kaya ang pinakapaborito kong tingnan. You're the apple of my eye... huhmm? " Sabi niya sabay pisil ng aking chin.. I know he's just making me smile. Tama naman si Rhyle dapat sulitin ko na ang natitirang days na magkasama kami.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya. Emotional lang talaga ako ngayon.. "I love you Rhyle." Bulong ko sa kanya.

"I love you too, babe. Hey I will treat you today.. whatever you want name it."

"Talaga? O sige may alam akong lugar na gustong gusto kong puntahan at siguradong gusto mo rin." Ang excited kong sabi sa kanya. Bigla akong nabuhayan ng loob.

"Ok, saan? ? Ang may pangamba niyang tanong.

Natawa ako sa reaksiyon niya. "Dont worry babe. Malapit lang sa Pasay." Ang buong pagmamalaki kong sabi sa kanya.

"Oh oh... Pasay? Oh no... huwag mong sabihin na pupunta tayo dun.. you know what mag 5 Star Hotel nalang tayo sa binabalak mo." Di maipaliwanag niyang expression na tila may kapilyuhang naglalaro sa isip niya.

Naconfuse ako sa sagot niya. Napakunot noo ako.. Ano ba ang pinagsasabi nito? ...

"Hoy lalaki, anong pinagsasabi mo na magfive star hotel tayo?" Pasigaw ko na sabi sa kanya.

"Hotel? Di ba sabi mo sa Pasay? Alam mo na. Kung plano mo akong akitin e di sa mamahaling hotel na lang. Hindi naman ako pakipot." Pilyo nitong sabi.

Huli ko na lang maintindihan. "Hah... sineswerte ka ba. Anong aakitin.. kahit wala pa akong ginagawa alam ko namang tulo laway ka sa akin e. At isa pa ho.. di naman tayo pupunta sa iniisip mo na mga biglang liko.."

"E saan tayo pupunta? Parang mas maganda naman yata ang naisip ko na pupuntahan natin." Ngumingiti niyang sabi sabay kindat pa sa akin. Loko nito.

"Tumigil ka nga Rhyle.. ikaw kaya nagsabi na kahit anong gusto ko, kaya ako ang masusunod. Kaya halika na." Tumayo na ako at iniwan siya. Para naman siyang bata na di napagbigyan ng gusto, nagmamaktol.

"Saan tayo pupunta." Sigaw niya.

"Sa amusement park!" Pilya kong sagot sa kanya.

"What! Shicks. Not again Iya.! Not this time."

"But you said earlier na treat mo and you'll do whatever I want. Sooo be it!"

Tumawa ako nang malakas. At parang bata namang nakasunod siya sa akin..

End of this chap....

Hope to update soon po..

Thank you







Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon