Chapter 5: First Gift

416 18 1
                                    

IYA'S POV:

Hindi ko talaga maintindihan ang Rhyle na yun. Bakit ba ginugulo niya ang isip ko. Hindi lng ang isip, pati puso. Ahhhhh nakakainis.... pabagsak akong napaupo sa kama. I'm getting desperate. Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin maiwaglit sa isip ko ang nangyari sa library at ang mga huling salita na binulong niya.

Naiinis ako dahil hindi ako makapag concentrate sa studies ko dahil palaging si Rhyle ang pumapasok sa isip ko. Natutulala. Naiinis. Kinikilig. Ah ewan.

Sabi ko na nga ba e. Komplekasyun siya sa buhay ko. Dapat talaga iniiwasan ko na siya. E papaano, feeling ko siya naman ang lumalapit.

Kailangan ko na talaga si Liza. Kaya, I texted her na kung pwede kaming makapag usap bukas. Ok naman daw sa kanya.

Indi na ako nakapag aral dahil nakatulugan ko na lng ang pag-iisip.

********************************

IYA'S POV:

Nagkita kami ni Liz sa dati naming tambayan. Sa landscaped garden sa likod ng library. Tahimik dito at bihira puntahan ng mga estudyante dahil parang secluded siya. May maliit na pond, maraming bulaklak sa paligid at puno. Alaga din ang carabao grass na gumagapang sa ilalim ng puno kung saan kami nakaupo. Naglatag kami ng maliit na blanket. Para lang kami nagpipicnic. Matiim na nakikinig si Liz habang kinukuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Mula sa banggaan sa bar, at sa library.

"So ano nama n ang binulong niya sayo sa library?" Komento niya habang sarap na sarap sa pagkain ng chips.

"Ang sabi niya. Get ready. From now on, I'll be part of your life. Sa pagkakaintindi mo girl, ano yun? Loko naman kasi tong si Rhyle. Para sa akin, siya ang maze ng buhay ko." Sabay kumpas ng mga kamay ko sa hangin na parang nagtatalumpati. feeling meh.

"Girl, isa lng ang masasabi ko. Inlove sayo si Rhyle. Kaya maghanda kana. Tama yung sinabi niya na Get ready."

"Seryoso ka ba? Paano naman mangyayari yun, eh ngayon ko lng siya nakilala." I'm getting nervous sa mga comments ni Liz. Is it possible kaya? Paano?

"Its simple best, he already knew you nung magkabanggaan kayo. Sa bar ikaw narin nagsabi na alam niya kung ilang baso na ang nainum mo, it means he's observing you. Stalker lang ang peg girl....!"

"How come? Sa repuyasyon niyang yun?"

"And sa library, sa pagkakaalam ko mayaman po sila, kaya nilang bumili nang isang dosenang aklat kung gugustuhin nila. Imposibleng manghiram sila ng aklat. And saying those words? Is the catch already. " Liza is right, ngayon mas naiintindihan ko na at unti -unti ko nang naaabsurb.

"I realize it now. Maybe your right. Pero napaka imposible talaga best.."

"Bakit hindi mo na tanggapin na pwedeng magkagusto sayo si Rhyle?" Nanunuksong tanong ni Liz.

"Hindi naman best.... ewan ko ... Oo dahil totoong impossibly." Di ako makatingin sa kanya. Bakit ba ang galing ng babaeng ito?

"At isa pa girl, feeling ko di naging malinaw sa yo ang lahat dahil consumed ka sa nararamdaman mo sa kanya. Hindi ka makapag isip ng maayos. You are in a denial stage. Iniisip mo lang ang gusto mong isipin pero yang puso mo iba ang sinasabi. Kaya naguguluhan ka. At ang sinasabi ng puso mo.... ay .... nahuhulog na ang loob mo sa kanya or gusto mo na siya" si Liza.

"Best wala akong sinasabi na may gusto ako sa kanya. At ayokong mangyari yun sakit kaya sa ulo."

"Ok. Alam mo best kahit lokohin mo ang sarili mo na hindi mo siya gusto. Nakikita pa rin ng mga tao sa paligid mo and you can't fool me. "

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon