Chapter 34 Hopie's Missing?

315 13 0
                                    

"Hello tita ninang," ang masayang bati ni Hopie kay Liz. Nasasanay na si Hopie na makipag usap sa Skype sa kanyang tita ninang kung tawagin.

"Hi Hopie! Lalo ka nang gumaganda a. How's my baby girl?"

"I'm great po ninang ganda."

"That's good. Marami na akong utang na regalo sa maganda kong Hopie. But you know what baby girl malapit na tayong magkita uli."

"Talaga! Ninang ganda?" Ang namimilog na matang wika ni Hope.

"Yes. Hopefully makakapunta diyan ang ninang ganda mo." Ang excited din na sabi ni Liz sabay kindat sa akin.

"Mm. Naku ha, best baka naman binibiro mo itong si Hope. She will expect you, dont dare." Pinadilatan ko siya.

"Of course naman best ako pa. My sasabihin sana ako sa yo best. Kaya lang tumawag si mommy my emergency daw sa office. Titingnan ko kung ano yun."

"Ha? Pero ano yung sasabihin mo? Hindi ba ngayon na? Kahit ilang minutes lang."

"Huwag kang atat best. Dont worry mamaya ill tell you. Ayokong sabihin to sa iyo na gahol sa oras."

"Basta tawagan o text mo ako mamaya. Excited na ako e. Tungkol ba yan sa inyo ni Js?"

"Ha? Naku hindi. Basta best. Got to go best. Bye! I love you. Ingat... mwaah. "

"Cge bye, ingat. I love you too best." Pagkadabi nun ay nawala na sa screen ang mukha ng kaibigan. Natutulala pa rin si Iya.

Ano kaya ang sasabihin nun? Sabi ng isip niya. Hmmp siguro hindi naman gaya ng iniisip nito.

Inaamin ni Iya na sa kaibuturan ng puso niya ay umaasa pa rin siyang may marinig na balita tungkol kay Rhyle. Kahit kailan hindi pa rin nawawala ang lalaki sa puso't isip nito.

"Mama? pwede po ba ako maglaro sa garden?" Ang malambing na sabi ni Hopie na pumukaw sa malalim na pag iisip nito.

"Oo naman baby. Pero makinig ka kay mama, huwag kang lalabas ng gate. Doon ka lang sa garden. Ililigpit ko lang ito at bababa na rin ako."

"Opo, mama. Thank you." Ang malambing na sabi nito. Sa tuwing nakikita ko si Hopie na lumalaki lalo kong nimimis si Rhyle. Nagiging kamukha niya na kasi ito ng papa niya.

Ipinilig ko ang aking ulo para maiwaksi ang anumang pag iisip.
Pagkatapos mailigpit ang mga gamit ay agad kong binaba si Hopie sa garden.

Bigla akong kinabahan ng hindi ko siya makita sa garden. Nasaan na kaya ang batang iyon. Pinuntahan ko ang mama na busy sa pagluluto.

"Mama? Nakita niyo po ba si Hopie? Wala siya sa garden."

"Ha? Aba kanina nang tiningnan ko nandiyan lang siya a. Halika nga baka nagtatago lang."

"Hopie? Are you there baby? Magagalit na si mama kapag hindi ka nagpakita." Ang tawag ko sabay hanap sa pwede niyang pagtaguan. Si mama ay naghahanap na rin.

Napadako ako sa gate. Nakita kong medyo nakaawang ito kaya biglang umakyat ang kaba sa aking dibdib.

"Hopie! Hopie baby!"

Lumabas ako ng gate. Pero wala akong nakita na anumang kahinahinala.

"O anak, nakita mo ba si Hopie?" Ang tanong ni mama.

"Hindi pa ho mama." Ang di mapakali kong sabi.

"Aba'y hinanap ko na sa buong bahay ay hindi ko siya nakita." Nag aalala na rin si mama.

"Mama, ano ang gagawin natin? Hindi ko kaya na pati si Hopie mawawala pa sa akin. Hindi ko kaya mama. Mama please." Ang naiiyak kong sabi. "May kumuha sa kanya. Sigurado ako dahil bikas ang gate pagtingin ko."

"Anak huminahon ka. Makikita din natin siya. Tatawag tayo ng pulis."

Nalalaglagan na ang mga luha ko. Hindi ko na macontrol ang aking pag iyak. Mama is consoling me but natatakot pa rin ako. Kawawa naman ang baby ko.

Maya maya ay tumunog ang aking phone hindi nakaregister ang number, nang buksan ko ang message.

"Hey,

Hiniram ko lang si Hopie. Sori I didnt bother na ipagpaalam siya and I want to assure you that she's ok..I'll just text you tomorrow kung saan mo siya kukunin.

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon