Chapter 13: Power Hug

300 13 0
                                    

RHYLE'S POV

"Alam mo bro? Baliw ka talaga." nakatawang tinapunan ko ng maliit na unan si JC. After hearing his side of the story of what happened kagabi. Napapailing na lang ako. Hindi ko naman siya masisi. Ngayon nagiging mas malinaw na sa akin ang mga isues between them ni Liz.

"Parang gusto kitang bugbugin kagabi dahil pinag alala mo si Iya."

"Hindi ko lang napigilan ang sarili ko kagabi. Ewan parang gusto kong sapakin si Justin dahil sa mga kalokohan nito."

"Ganoon talaga siya. Mabuti nandoon ako kagabi dahil kung wala, masasapak ko ng todo yun pag nagkataon na si Iya ang nagconsequence."

"Mabuti nalng hindi." Tumawa lng ito.

"Seriously bro. Tigilan mo na yang si Liz kung wala kang planong seryosuhin. Maghanap ka na lang ng ibang pagtripan."

"Bro, nag eenjoy pa ako and besides hindi naman ako lumalapit, siya." Depensa nito.

"Sira ka ba, babae yun. Alam mo na may gusto sayo. Bestfriend ni Iya. Masasaktan mo lng siya. Pati si Iya masasaktan mo din."

"So ano gagawin ko iwasan ko? Kasalanan ko ba kung gwapo ako at siya mismo ang nanghahamon."

"Mas baliw ka pa sa akin bro. Ano ba ang ginawa mo kagabi ha. Iniwan mo si Ashley para asarin si Liz, ganun? Sino ang lumalapit ha? Sabihin mo nga? "

"Bro diskarte ko to. She started it pare. I can't help it."

"Kilala kita Js, tigilan mo na yan, I'm telling you. Bago pa lumalim yang nararamdaman mo sa kanya,decide now."

"Whooooa bro, relax. Ako maeinlove? It would never happen.

"Baliw, mas bulok pa yang style mo kaysa sa akin. Sino ang niloloko mo? "

"So anong gusto mong gawin ko? Iwasan? I don't think its possible bro. Lalo pa ngayon."

"Yeah, mahirap mamangka sa dalawang ilog. Nakakasawa. Sakit sa ulo. Kaya pag isipan mo na yang mabuti." Tumahimik si Js. I know his thinking over it. "Ashley is our friend and Liz is a good friend too. They were both amazing. Kaya magtino ka na dahil baka mawala pa sa iyo ang dalawa."

"I can't say that I love Liz but she is mind consuming lately bro."

"That's what I'm telling you. You're leading yourself into it. That is why you have to decide now bro."

"Yeah right but di mo ako masisi if I can't resist her."

"Haha.... I know. Think about it. I have to go. Just call me if you need a hit." Tumawa lng ito.

"Don't worry, I will. " napailing na lang ako at umalis ng bar. Kilala ko si JC. Pagdating sa mga diskarte sa babae e lamang ito sa akin kaya ayokong pangunahan ito.

***********

IYA'S POV

Nasa coffee shop ako at naghihintay kay Rhyle. Tapos na ang klase ko nang tinawagan niya ako na sabay na kaming kumain ng lunch.

Katatapos lng namin mag-usap ni Liz kaya dito na rin kami magkikita. Mabuti't nagkausap kami. Medyo panatag na ang loob ko dahil nakita ko siyang medyo ok na..

May duty pa pala ako mamaya, 30mins. Lng ang breaktime ko.

Nakita ko ang sasakyan ni Rhyle. Lumabas siya ng sasakyan na naka sunglasses, signature plain shirt and maong pants. .. hay ang gwapo niya. Relax Iya.... namiss ko lng talaga siya. Kagabi di rin kami masyadong nakapag usap dahil nga sobrang nag alala ako kay Liz.

Papalapit na siya kay nagkunwari akong busy sa pagbabasa ng dala kong math books. Naramdaman ko naumupo siya sa harapan ko. He is just staring me. Di man lng nagsasalita.

"So kailan mo ako balak deadmahin ha?" Basag niya ng katahimikan. Tumingin ako sa kanya.

"Ikaw kaya ang unang di namansin." Para akong bata.

"So ako, ikaw tong kunwari e." Tumayo siya naglakad palabas. Anong problema nito? Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at humabol sa kanya. Nasa parking lot na kami. Ang bilis naman nitong maglakad. Hinintay niya ako at pinagbuksan ng pinto. humihingal akong pumasok.

"Ano ba ang problema mo?"tanong ko sa kanya ng makapasok na siya ng sasakyan.

"Ako wala, pero ikaw malaki ang problema mo." Parang naiirita nitong sabi. Para naman itong babae di maintindihan. Binilisan niya ang takbo. Hayan na naman siya. Napakapit tuloy ako. Napansin niya siguro kaya medyo bumagal ito.

"Ba't ka ba nagagalit ha?" Hindi pa rin siya umiimik. "Ok... I'm sorry..." he glance at me. At maya maya ay hininto niya ang sasakyan sa tabi ng isang park. Nasa tapat na pala kami ng corinthians park. "I'm sorry for being so insensitive. I'm sorry for acting like a child a while ago."

He stared at me and smiled. Lumabas siya ng sasakyan and escorted me to the park. He's holding my hand. At tahimik lng siya.

"Sometimes, I'm wondering if you love me." nagulat ako sa sinabi niya. Parang kinakabahan ako. He sigh and said, " nevermind, I'm sorry too dahil I felt like you're not excited to be with me. I felt irritated dahil parang balewala lang sayo ang presence ko. Maybe I'm just overwhelm with other girls that very transparent ang paghanga nila sa akin that I can easily see in their face unlike you."

"I'm sorry Rhyle. It's not what you're thinking its just...."

"No Iya. I get it. You're different. I realized that hindi lahat ng babae pareho. But you know what, sometimes you're so sweet minsan namn deadma lng."

After hearing those words from Rhyle ang bigat sa pakiramdam. I feel guilty. Paano Ko ba sasabihin that my reaction kanina was to cover up my intense attraction towards him. Hay Iya... what's happening to you.

"Wala ka bang sasabihin?" Untag niya sa akin. Umupo kami sa isang bench. Tahimik ang lugar dahil medyo pagabi na. Ano ba ang sasabihin ko?

"I'm sorry. The truth is nahihiya ako sa 'yo. I want you to know that you're wrong. Sometimes, I just don't know how to carry myself if you're around. You're presence is too strong for me that I rattle inside, that my reactions do the other way."

Rhyle just hug me. His silence and hug gives me the comfort that I'm used to feel from him. I love Rhyle's power hug.

This is just the beginning of our true relationships. Away, bati at adjustment sa isa't isa. All is well ika nga nila. Naging more close pa kami ni Rhyle.

Hindi ko pa rin nasasabi ang mga salitang "I love you" kay Rhyle but siya ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin. The more pa nga siya naging seloso and sometimes I felt like he become possessive of me.

******************

Author's Note:

Isang taon na ang nakalipas. Nasa third year na si Iya while sina Rhyle and JC ay nasa senior year. Ang bilis ng panahon. Masyado na silang naging busy sa kanya kanyang pag aaral.

Hindi nila alam na ito rin pala ang taon kung saan masusukat ang relasyon na matagal na nilang binubuo. Ano kayang pagsubok ang dapat lampasan nina Iya and Rhyle? Masasabi na ba ni Iya ng harapan ang salitang I love You sa lalaking mahal nito?

*********

End of chapter 13

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon