Chapter 11: "Troubled Heart"

324 14 0
                                    

IYA'S POV

"Hi," si Justin giving me his warm smile. Nasa bookshelf ako arranging the books.

"Hello Sir J," ngumiti ako sa kanya. Sir J kasi ang tawag namin sa kanya noon. Magaan ang loob ko kay Justin. Siguro dahil noon pa man ay comfortable na talaga ako sa kanya. Magaan siyang kasama. Palakaibigan, palangiti, very positive ang aura nito. Kaya gustong gusto ko siya noon. E ngayon? Iba na ngayon dahil nakatuon na ang puso ko kay Rhyle no. Ayokong bahidan ng pag-aalinlangan ang nararamdaman ko para kay Rhyle sa pagdating ni Justin. Justin is a good friend at kung hindi dahil sa kanya wala ang dalawang importante sa buhay ko. Si Rhyle at ang pag aaral ko.

"Mukha yatang malalim ang iniisip natin a," biro niya. Ngumiti ako sa kanya, a sincere smile. "Wow, i missed that smile. I'm happy to see you like that."

"Me too, I'm happy that you're here. So, what can I do for you sir?" Natawa siya sa tinuran ko.

"I missed that, I'm glad I'm back. But one thing, just call me Kyle."

"Bakit sawa kana ba sa pangalan mong Justin?" biro ko.

"Hindi naman. Sir J is some kind of odd. And Justin is a reformed man. So it's Kyle now."

"Nah, I don't think so. Justin is still part of you. Walang Kyle kung walang Justin moments sa buhay mo, di ba?."

"Yeah, you're right but I'm used to a new me now." Seryoso nitong sabi.

"So, you mean you're a butterfly from a cocoon?" I smiled. "Bakit kinailangan mo pang baguhin ang sarili mo if you were almost perfect then?"

"You're amazing Iya. Thanks for the compliment. Almost.. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit patay na patay sa'yo si Rhyle....yeah tama ka, kaya lng there were lots of situations in the past that I messed over. Kung pwede lng balikan at baguhin. Ang iba ayokong nang balikan, but not all...

honestly? I came back for someone." He said, giving me a serious look.

"So, gusto mo bang pag-usapan natin?" Ang nag-aalangan kung sabi. tama ba ang tanong na yun?

"We're talking about it already. But I guess this is not a rigth place, and even not a perfect time." Nagkibit-balikat ito.

"Paano mo malalaman na perfect time and place if hindi mo susubukan?"

Marami akong gustong malaman. Maraming tanong na gusto kong itanong sa kanya. Bakit nawala siya bigla sa school? Sino ang binabalikan niya? Bakit reformed man and why he likes a new him now?
Hay hayan ka na naman Iya. Kung sa bagay pag nagtanong ako baka mamukha na akong tismosa nito. Chill lang Iya.

"I don't know.... maybe it is.. or maybe not...but I'm pretty much sure of it. Don't worry, in time malalaman mo rin. We still have more time naman e. " hindi ko malaman kung dapat ba akong matuwa o mailang sa sinabi niya.

"Oh, by the way, kaya ako nandito dahil gusto kitang kamustahin and invite you for a dinner in our house tomorrow night? If it is ok with you? It's my welcome party. Pwede mong isama si Liz and JC will be there."

"Ha? E kasi....di ko alam e." Di ako makapag decide kung tatanggapin ko ba o hindi. Nasa Cebu si Rhyle.. Paano pag nagalit siya. Iba pa naman magalit yun.... " ok, I know you're thinking of Rhyle. I'll talk to him

."

"Talaga?" Nag aalala pa rin ako. "Sige." Nag agree na ako tutal nandiyan naman si Liz. Hindi na ako ma oOP.

Nagpaalam na si Justin but malalim pa rin ang iniisip ko..

*********

Tamang tama at maaga pa ay nakauwi na ako sa condo. Tinawagan ko si Liz pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Tumawag ako sa apartment niya. Ang nakasagot ay ang yaya niya. Umiiyak daw na umuwi si Liza. Walang ganang kumain at parang nagwawala sa kuwarto niya.

Nagmadali akong pumunta sa apartment niya. Malapit lng naman ito sa condo where I'm staying. Ano kaya ang nangyari.

Pinapasok ako kaagad ng yaya niya. Kilala na ako nito dahil madalas akong pumupunta dito. Kahit nagsarili na si Liz pero inaalagaan pa rin siya ng yaya niya.

Kumatok ako ng pinto pero wala pa ring sumasagot. Inulit ko pero wala pa rin. Nag aalala na ako. Kaya hinanap na namin ang susi.

Nang makapasok ako sa loob ay magulong magulo ang kwarto niya. Basag ang lampshade, flower vase, and picture frames. Nakita ko rin na nakakalat ang mga pictures. Dumampot ako ng isa. ... picture ni JC.. Tiningnan ko pa ang iba. Halos kay JC lahat. May picture din silang dalawa na nasa beach. They were sweet and happy. Sa tingin pa lng ay may relasyon sila. May pics din na kuha sa school. They were hugging each other. Questions keep popping on my mind.

Hinanap ko si Liz. Nakaupo siya sa sulok sa gilid ng kanyang kama. Nakayuko na umiiyak. Lumuhod ako sa harap niya. She's sobbing. I don't know how and what to say to make her feel better. Kaya niyakap ko na lng siya. Hindi na ako nagsalita pa. Hugging her is the best help I can do. Mas nilakasan pa niya ang hagulhol niya hanggang sa makatulog na siya. Inayos namin siya sa kama niya at nagligpit.

Umupo ako sa gilid ng kanyang kama. Liz kahit di mo sabihin, ramdam ko ang pinagdadaanan mo sana may magagawa ako. Pero bakit si JC? Kailan pa sila ni JC? Akala ko ba may girlfriend si JC na isang sikat na model. Naguguluhan ako. Bihira na kmi magkita ni Liza nitong huling Linggo. marami na akong namimiss. Feeling ko masama akong kaibigan dahil wala man lang akong alam at magawa. I know nasasaktan siya pero paano ko siya matutulungan?

Dali dali akong umalis. Nag taxi na ako. Ilang minuto lng ay nasa bar na ako. Masyadong maingay at maraming tao. Hinanap ko si JC pero wala parin. Pumunta ako nang bar counter. Nagtanong ako sa bar tender pero wala pa raw siya. Maghintay kapa Iya.

"Hey, di ba ikaw si Iya?" Napalingon ako sa tanong na iyon. Si Marga ang isa sa mga kilala at sikat na pinakamagandang babae sa buong university. Yun ang sabi nila. Kasama niya ang mga kaibigan niya.. oh no ayoko nang gulo.

Tumango ako at nagsmile sa kanila.

" Sabihin mo naman. What are your secrets, why na hook sa iyo si Rhyle. Thinking that he gave you all the expenssive things in this world....you must be a great partner in bed, bitch."

Feeling ko para akong bomba na gustong sumabog nang oras na iyon. I feel like my nerves were trembling and want to hook my hands on her neck.

"Hindi kita papatulan Marga. Kilala ko ang sarili ko. And I'm not proving myself to you or to anyone else. Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin. Hindi ako pumapatol sa mga taong maganda nga, pero pangit ang lumalabas sa bibig dahil sa inggit." Nagitla siya sa sinabi ko, kaya I grab the opportunity para umalis. Hindi ako lumingon. I expect this, I knew it's not an easy road with Rhyle in my life.

Ayokong problemahin ka ngayon girl. May iba akong mas importanteng gagawin.

But i felt troubled, parang medyo pinanghinaan ako ng loob. What's wrong with me? Worried ako..... I know na hindi ako tatantanan ng mga iyon sa school. hay naku....

Nasaan na ba si JC?

************

-- End of chapter 11 --

Salamat po sa pagbasa.

Please vote po if you like the story. Salamat...

I'll be updating soon.....

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon