CHAPTER 4: A Promise

451 19 0
                                    

I am amazed when I look at you
I see you smiling back at me
It's like all my dreams come true
I am afraid, if I lost you girl
I fought for cracks and lost my tracks
In this crazy lonely world.

-Jim Brickman-

Rhyle's POV:

The sight of her in a distance completes my day. It's been a week when I'd almost broke my own promise. The incident in the bar and the words came out in my mouth before we departed was a disaster.

* IYA'S POV:

One week na ang nakalipas nang mangyari sa bar. Wala akong sinabihan na kahit sino even to Liza. Palagi siyang nagtatanong pero palagi ko namang iniiwasang sagutin. Bihira ko na ringa nakikita si Rhyle sa University. Actually, bihira ko naman talaga siyang nakikita noon pa man. Kaya lang matapos kung marinig yung mga sinabi niya sa akin sa bar ay di ko maiwasang mapaisip.

I like you....I really really like you.. a lot...thanks for making me smile...

Posible bang magustuhan agad ang isang tao na kakikilala mo palang?
Twice palang kami nagkita paano niga masasabi na gusto niya na ako?

Ang mga salitang sinabi niya noong gabi na iyon ang hindi ko makalimutan at parang kantang paulit ulit na nahihimigan ko sa aking isipan. Maraming tanong na gusto kong masagot. Kung anong ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya.

Pero lahat ng mga posibilidad ay iniiwasan kong isipin. Ang iniisip ko nalang na kilala si Rhyle na playboy, ginagamit ang yaman at charms para paglaruan ang damdamin ng mga babae. Baka isa lang ako sa mga babaeng napagtripan niya. At baka iyon na rin ang ganti nya sa akin dahil sa nabastos siya noong nagkabangaan kami. Pero bakit hindi niya man lang nabanggit ng time na yun? Hay naku Iya, hayan ka na namn masyadong nag iisip. Pero kung sa bagay ang bilis ng pangyayari ng gabing iyon. Parang whirlwind romance. But, I don't even considered it as a romance dahil naudlot naman. Hindi na nasundan.

Pero hindi e, ang sabi ng puso ko may iba talaga siyang nararamdaman sa akin. The way he look at me and the way he hold me. Ramdam ko yung intensity.

Oh, my Iya. Nababaliw kana yata. Nababaliw na ako sa kaiisip. Pati puso ko gustong kumawala, sumisigaw na gusto ko siyag makita. E pano ko namn makikita kung walang balak magpakita? And besides ang daming paper works, projects and exam this coming week kaya baka mahirapan na talaga akong makita pa siya.

"Iya! Pakihatid naman nito mamaya sa guidance office. Sabihin mo na pinabibigay ko."

"Yes Miss Cruz". Niligpit ko ang natitirang aklat. Sa wakas natapos na ring lagyan ng label ang isang section ng mga bagong aklat.

Dali dali akong pumunta sa guidance office at ibinigay ang files na pinaabot ni Miss Cruz. Pabalik na ako ng library nang makita ko si Rhyle. Kasama niya ang kaibigang si JC papuntang library. Binagalan ko ang hakbang ko para mas mauuna silang pumasok. Shocks ,ano ba 'tong puso ko ang lakas ng tibok, nagwawala na namn. Relax Iya, si Rhyle lang yan. Di ba wala lang yun. Deadma lng ang peg.

Pagpasok ko ng library nakita kong may itinatanong sila kay Miss Cruz. Pasimple akong dumaan sa likod ng shelves para di nila ako makita.

"Iya!" Patay nakita ako ni Miss.

"Yes, Miss?" Lumapit ako sa kanila. Relax Iya. "Bakit po?"

"Mabuti at nakabalik ka kaagad. May hinahanap silang mga aklat na math related. Pwede mo ba silang tulungan? Tutal forte mo ang mga ganyang aklat. O heto ung kanilang mga hinahanap." Inabot ni Miss Cruz ang isang papel.

"Maraming salamat po Miss." Si JC yun. Napatingin ako kay Rhyle at nagkataon na nakatingin din siya sa akin. Ayan na naman tong puso ko nagwawala. Tingin lang e.

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon