Chapter 32 - Moving On

270 11 0
                                    

7 years later.....

You are the air I need to breath the color of inside of me...
You are the half that made me whole..
You are the anchor of my soul..

Walang nagbago. Iyan pa rin ang ringtone ko. It reminds me of my past. My past that would always be a forever part of me..

Aliw na aliw ako sa kantang yun. Thats the only thing that made me happy ang marinig ang ringtone ko. Kaya kung sino man ang tumatawag sa akin? Manigas siya. Masisira lang ang araw ko.

"Hindi mo na naman ba sasagutin yan ha, anak?" Si mama na dala dala ang bagong luto niyang native tinolang manok.

"Wow, sarap naman niyan ma. Kanina pa ako nagugutom. Oh shocks, lets eat." Ang natatakam kong sabi sabay iwas sa huli niyang sinabi. Alam ni mama kung sino ang tumatawag at alam din niya ang dahilan kung bakit ayokong sagutin.

"Hay naku, Iya. Hanggang kailan ka iiwas at hanggang kailan ka magtatago. Akala ko ba move on kana?"

"Oo naman ma. Ayoko ko lang naman talaga pumasok sa isang bagay na hindi ako sigurado. Hindi naman sa umiiwas pero mamaya ko na siyang kakausapin. "

Umupo si mama sa katapat na upuan. Sigurado heart to heart talk na naman ito.

"Anak, bakit ayaw mong subukan. Just give yourself a chance to be happy."

"Ma masaya na po ako. Having you and Hopie in my life, there's nothing I want more. Sobrang blessed and super happy." Ang masaya kong sabi sa kanya.

"Mmm? Nakita ko kung paano siya umalalay sa iyo mula sa simula. Napagkakamalan na siyang ama ng anak mo. Masuwerte ka at dumating siya sa buhay mo." Ang makahulugang respond nito.

Tama si mama. Hulog talaga siya ng langit. Parang sinadya na makilala ko siya. Ewan. Sobrang bait at maalalahanin si Kev. Pero kahit ganun ibang pagmamahal yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko kayang palitan si Rhyle sa puso ko.

"Bakit ikaw ma? Bakit hindi na po kayo nag asawa matapos tayong iwanan ni papa?" Ang tanong na matagal ko na ring gustong itanong sa kanya. Matagal na rin kaming hindi nag uusap ng seryoso ni mama. Marami akong gustong malaman sa kanya.

Hindi sumagot si mama. Tahimik lang siya. Kahit gaano kami ka close nito, siya ang tipo ng taong hindi palakuwento. Kahit alam ko na mahirap ang pinagdadaanan niya sa buhay ay sinasarili niya lamang ito. Ang alam ko, kapag may pinagdadaanan si mama ay nakikita ko siyang umiiyak na nagdarasal. Nakakakuha siya ng lakas sa Diyos. Kaya isa rin yun sa natutunan ko sa kanya, ang maging matatag sa pamamagitan ng pagdarasal.

Hinarap ko ang hamon ng buhay kasama ang Diyos at ang aking pamilya. Si mama kahit tahimik lang siya, palagi ko siyang nakikita na nagdadasal. Alam ko na nasasaktan siya para sa akin. Pero ni minsan wala akong narinig na sumbat sa kanya. Buong puso niya akong tinanggap at binigyan ng isa pang pagkakataon.

Mula nang dumating ako sa Iloilo na buntis at iniwan ko ang aking scholarship sa Maynila ay naging distant siya sa akin. Alam ko na nasaktan ko siya. Pero sa kabila nun hindi pa rin niya ako iniwan. Pagkatapos kong manganak ay bumalik ako ng Maynila para tapusin ang naiwan kung kurso. Yun nga lang hindi na ako scholar.

Natapos ko ang aking kurso na dala ang karangalan sa aking pamilya at mukhang wala namang nakaalam sa nangyari sa akin.

"Mommy!"ang matinis na tinig na pababa sa hagdan papalapit sa akin ang siyang pumukaw sa aking diwa.

Bigla akong niyakap ng mga maliliit na braso ng aking pinakamamahal na Hopie.

Yes she's my Angel. My saving grace, my inspiration, my love and my everything.

Ang mga mumunting halik at yakap na iyon ni Hopie ang nagpapasaya at nagpapangiti sa bawat araw na nagdaraan.

"O, umupo kana Hope at mag almusal. Anong gusto mong kainin?" Si mama, habang pinagsisilbihan ang apo.

"Kahit ano po lola, kung ano lang po yung naluto niyo." Ang magalang na sagot nito.

"Aba napaka very good naman itong apo ko! Mmm.. wala bang kiss si lola.. "

Dali dali namang bumaba sa upuan at humalik si Hope sa lola nito.
Parang kailan lang malaki na ang aking Hopie.

"Mommy can I go with lola mamaya?"

"Maggogrocery ako mamaya. Wala na kasi tayong mga gagamitin sa pagluluto. At isa bibilhan ko na rin itong apo ko ng damit na gusto niya. Pinangako ko sa kanya yun."

"Hindi po ba kayomahihirapan niyan ma? Medyo makulit tong si Hopie."

"Mommy please, promise I'll be a good girl po."ang pacute na magkakaawa ni Hopie.

"O sige, basta huwag makulit ha. Makinig ka sa lola mo. Ingatan mo ang lola mo. Huwag kang humiwalay." Ang makulit kong paalala.

"Yes mommy, hindi ko po yan makakalimutan dahil palagi niyo pong sinasabi yan." Nagkatinginan kami ni mama sa tinuran na iyon ni Hopie.

Naputol ang aming pag uusap nang marinig namin ang doorbell.

"Ako na anak. Pakainin mo na yang si Hope para maaga kami makaalis."

"Opo ma."

Ilang minuto pa at bumalik na si mama. May ngiti sa mga labi nito.

"O anak, may bisita ka. Siguro naman bigyan mo na siya ng pagkakataon. Kausapin mo siya para magkaliwanagan kayo."

Napailing na lamang ako sa kanya. He's very special to me kaya iniingatan ko rin ang kanyang damdamin. Ayokong mawala siya sa akin dahil isa siya sa mahalagang tao sa buhay ko.

At kahit kailan hindi naman ako nagbigay sa kanya ng false hope. Kaya alam ko na naiintindihan niya. Mahal ko siya sa paraang iba. Inaakupa niya ang ibang bahagi ng puso. At masaya ako dahil nandiyan siya.

********-*-**

Thank you for reading my story.
Im practicing pa lang po sa pagsusulat..
I know na mabagal po ang update. Busy lang po sa work..
Sorry po sa mga wrong grammars..
Unedited po kasi....

Thank you...



Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon