Chapter 20: "Sorry"

264 12 0
                                    

LIZ'S POV

Umalis na sina Rhyle at Iya. Naiwan ako kay JC na naghihintay sa desisyon ko kung sasama ba  o hindi... ang desisyon ko? Hindi ako sasama sa kanya. Bahala siya sa buhay niya... nagliliparan na ang mga paroparo sa sikmura ko. Isa rin sa mga dahilan na ayoko siyang maka usap o makasama dahil sa kaba. Baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Nawawala ako sa sarili kapag kasama ko siya... naku..... kainis.

"So sakay na.. ihahatid na kita sa pupuntahan mo.. " aniya, giving me his sweetest smile. Hmmp...

"As you heard kanina, kailangan kong bumalik sa locker room para sa mga notes ko. Kung gusto mo mauna kana." I looked at him straight to show I'm serious... tumango tango naman ito.

"Let's go, kukunin na natin." Seryoso nitong sabi. Parang balewala lang sa kanya ang sinabi ko.

"Honestly? Kaya ko namang mag- isa. And besides ayaw kitang makasama. As I said mauna kana." sabi ko sabay talikod pabalik sa school building... nakasunod siya sa akin. Ang kulit....

"Ganito kana ba makitungo sa akin ngayon? Or you're just playing hard to get? But alam mo ok din yang style mo ngayon. Kunwari ayaw para makuha ang atensyon ko." Sabi niya habang sinasabayan ang mga hakbang ko. Hearing his words, biglang nainis ako...this time i forgot how I feel for him. Iniinsulto niya na ako. Tumigil ako at mahinahun ko siyang hinarap.

"Sino pa nagsabi sa iyo na habulin mo ako? Pwede ka namang umalis anytime you want. Why you just go and leave me alone. Yan naman ang gusto mo di ba? Why waste your time sa katulad ko?" Huminto ako sandali at huminga ng malalim. Humakbang ako para mas malayo pa ang agwat namin but JC is fast. His pace were faster than me.. huminto ako, walang patutunguhan kong maghahabulan kami.

"Ibinilin ka sa akin ni Iya and Rhyle, you heard what they've said, ako ang bahala sa iyo." He said exasperately. Naiinis na ba ito?

"I can manage and besides sanay na akong mag isa. They will surely understand." I scowled.

"Ayokong makipagtalo sa'yo. Kung sumunod kana lang sa akin kanina pa tayo nakaalis dito. Bakit ba, you're playing hard to get? It's just na ihahatid lang naman kita..anong problema mo?" He smirk. Ikaw ang problema ko... ang sigaw ng utak ko.

Humakbang ulit ako papasok sa building papuntang locker room. Tahimik siyang nakasunod sa akin. Hindi ako nagsasalita dahil anytime babagsak na ang luha ko. Mabuti naman at napipigilan ko pa. I felt hurt. Kaya ayokong lumapit at makipag usap sa kanya dahil masasaktan lang ako... hindi lang ang ego ko kundi buong pagkatao ko. Huminga ako ng malalim para kumalma ang kalooban ko. Effective naman.

Pagkakuha ko ng mga notes ko ay deadmang nilampasan ko siya. Pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. I looked at him. Hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan sa kanya. I know galit siya pero paano naman ang naramdaman ko.?.

"I know what you're implying Liz. Making me jealous last night and avoiding me now.. seriously? You got my nerves .. " his said agitatedly.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. I'll do whatever I want.  Wala akong kinalaman sa mga pinagsasabi mo... kung nagseselos ka,that's not my problem and I'm not forcing myself to you anymore."

"Hah! Talaga?" Lalo pa yata itong nainis.

"Ikaw ang may problema at hindi ako... bakit nagkakagusto ka na ba sa akin?" May panunuya kong sabi sa kanya. Nag iba ang expression nito. Nakakaloko.

"Yes, I want you. But it doesn't mean I like you. Let's say, I want you in bed and I want you to be that girl in the beach who initiated first
and a liberated one." Nakakaloko niyang sabi.

"Bastos. Kahit kailan hinding hindi na mangyayari yun."

"Let's see? Gustong gusto ko pa naman na nagmamakaaawa ka sa akin." His rude statement.

Napaawang na lang ako sa sinabi niya. Unbelievable...I didn't expect na sasabihin niya yun. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng lupa.

"Kahit kailan hindi ko pinagsisihan na minahal kita at inaamin ko yun ...pero hindi ko inaakala na bastusin mo ako ng ganito...oo tanggap ko na hindi ka magkakagusto sa akin but sana kahit kunting respeto man lang Js." Tuluyan nang nalaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Kainis..... bakit ba ako umiiyak?  I see the guilt in his face.
Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero mahigpit niya pa rin itong hinahawakan.

"Please Js bitawan mo ako." Patuloy pa ring umaagos ang mga luha ko. Parang bukal.  Hindi siya makatingin sa akin.

"Huwag ka ngang umiyak diyan. Let's go. Ihahatid na kita." Hinila niya ako. Wala talaga siyang plano na bitawan ako. Ini expect ko na mag sorry siya sa akin pero, hindi. Napakaantipatiko nito. Hindi nagpapatalo...  Kaya kahit nasasaktan ako sumunod na lang ako sa kanya..

Nakaupo na ako sa front seat ng sasakyan niya. Tahimik lang ako at pilit paring pinupunasan ang mga luha kong di matigil tigil. Bumuntong hininga siya. HE faced me.

"I'm sorry. I didn't mean to say those words. It's just...ikaw kasi napakainsensitive mo..oh sh**t.... I'm so sorry. " Daig pa niya ang natalo sa pustahan nang sinabi niya yun. He's looking at me.. Pero sa labas pa rin ako nakatingin.

At ako pa talaga ang insensitive?  Medyo kumalma na ang pakiramdam ko dahil sa narinig ko ang gusto kong marinig. Pero parang kanta pa rin amg mga salitang binitawan niya kanina. Nakakapangliit ng sarili. At nakakahiya. Ganun na ba talaga ako kabaliw sa kanya?

"Gusto ko nang umuwi, please?" Ang malamlam kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga siya at nagdrive. Tahimik lang kami hanggang sa makarating na kmi sa tapat ng apartment.. nagpasalamat ako at agad na lumabas ng sasakyan. Narinig ko ang mabilis na pagharurot ng kanyang sasakyan.

"Sana matuto na ang puso ko na kamuhian ka Js." Ang malungkot kung usal sa sarili.

************************

Watch out for more of Liz and JC sa
"Liza's Secret".

Salamat po.

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon