Chapter 12: My bestfriend's heartbreak..

311 13 0
                                    

IYA'S POV

"Best? Salamat ha." Si Liza. Matamlay pa rin siya. Tumango lang ako habang sinusubuan ko siya ng sopas na niluto ni Marlyn, ang yaya nito. Tahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano magtanong. I let her pour out what's inside her. Hindi kami nagkita ni JC sa bar kaya umuwi nalang ako that night.

"Akala ko kaya ko, pero hindi pala. Napakatanga ko talaga best. Nagpapakatanga ako sa isang lalaking alam ko na walang gusto sa akin at paglalaruan lang ako." 

"Ano ba ang nangyari best?" I look at her assuring that she can trust me. Pero tahimik lang siya. "Okay, kung hindi mo pa kayang magkuwento ok lang best, I understand." Itinabi ko ang sopas sa side table at umayos ng upo.

"Alam minsan, gusto kong mainggit sa 'yo. Kasi kahit hindi mo hinahanap kusang lumalapit sa 'yo. Ano ba ang meron sa iyo Iya? Bakit gustong gusto ka ni Rhyle? Bakit ako kahit anong gawin ko hindi pa rin niya ako magustuhan? Ano ba ang kulang sa akin?"

"Best, walang kulang sa 'yo. Siguro nagkataon lang na iba ang nilalaman ng puso niya....."

"Mahal ko si JC. Mahal na mahal. Di ko kayang mawala siya. Noon pa man ay gustong gusto ko na siya.. I have  the opportunity to be friends with him........ noong highschool pa kami ay crush ko na siya pero ligaw tingin lang. Sino ba naman ang papansin sa isang katulad ko noon. May braces and eyeglasses, a total nerd. Kuntento na ako na makita siya sa malayo. Maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Pinangarap ko siya noon hanggang ngayon..........

Ngayong dalaga't binata na kami, gumawa ako ng paraan para mapansin. Binago ko ang pananamit, mukha at halos lahat sa akin pero bakit hindi parin niya ako kayang mahalin?'

"Best, sa totoong pagmamahal hindi mo kailangang baguhin ang lahat. Oo ang panlabas na anyo pwede pero kung ang lahat ng ito ay ginagawa mo para lang e please ang taong yun. Masasaktan ka lang. ... sa pagmamahal hindi kailangang mag expect too much. Kung magbibigay ka ng pagmamahal ibigay mo ng buong puso,giving your best and don't expect in return. Sacrificial love. Yan ang mga natutunan ko sa mga nangyayari din sa buhay ko."

"Martir? Kaya ko ba yun? Kung yun ang tanging paraan para makuha ko si JC gagawin ko. "

"Kung sa tingin mo na yan ang makakabuti sa iyo, then go. Pero sinasabi ko sayo best. Huwag mong paikutin ang mundo mo kay JC. Magtira ka para sa sarili mo. Pag magmamahal ka, kailangan mong mahalin muna ang iyong sarili." Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.

"I'll think about it. Ako lang naman kasi ang tangang hahabol habol sa kanya best. Ang nangyari sa Boracay ay kasalanan ko.  "

"Ano ba ang nangyari sa Boracay?"

"I messed up  best. Hindi ko akalaing nagawa ko yun."

"Bakit? "

"I slept with him!"

Oh my.... what?

"As in may nangyari?" Tumango siya at yumuko.

"I'm devastated best. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I seduced him. I made a bet for I know a fact that I will be the loser. I asked him how he feels for me. Ano ako sa buhay niya?"

"So? Anong sabi niya?"

"Wala, tahimik lang siya. Deadma. Parang wala lng. I dont know how to react because he didn't say anything.....

I felt like I'm a whore. I felt less of myself. I'm so stupid best."

"No. Don't ever say that." Oh God. I just hug Liz.

"In the first place, I know already that he loves her but ang tanga ko best. Nagpapakatanga ako. Sh**t na pagmamahal to... kung pwede lng na itapon ko ang puso ko at huwag siyang mahalin, pero ang hirap. Hindi ko kaya Iya..  Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang mawala siya. Kahit na kaibigan na lang kuntento na ako doon.. pero paano ko siya haharapin na parang wala lng?"

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon