Special Chapter 2

184 5 3
                                    


"O ba't nakasimangot yang pinakamagandang babae dito sa campus namin?" It's Char short for Charmain. She's one of my closest friend na babae. Aside from Lind na bestfriend ko, si Char ay ka close din namin. And siya lang naman yung pinagkakatiwalaan ko pagdating sa damdamin ko para kay Lind. And siya rin yung sumbungan ko pag naiinis ako sa lalaking yun. In short she knew most  of everything about me.

"Di ba nga sinabi ko naman sa iyo." Nakalumbaba akong sumandal sa table. Nasa isang bench kami na malapit sa football field. Masarap ang hangin at tanaw namin ang mga estudyanteng nagkukumpol kumpulan sa gitna ng field. Di na kasi masyadong mainit.

May mga magbabarkadang nagtatawanan, nagsasayawan, nagpapractice ng drama at iba pa.

"Lind is right babe. Di magandang salihan ang dance club nina Jacko. You knew their reputation pagdating sa mga dancer nila na babae. Nabalitaan ko pa nga yung bago nilang dancer na maganda e, chinansingan while dancing. But of course di nga lang nagreklamo yung girl kasi yaman di yung partner niya na nag take advantage sa kanya. Playboy type rin. So siguro nadala nalang yung girl sa pakiusap. Or kung anong ginawa nila sa reklamo nito."

"Di ba nadoon pa rin naman yung girl sa group?"

"Yes, and naging boyfriend niya yung nagtake advantage sa kanya. Kaya di mo masisi si Syjan na magalit if sasali ka dun. You knew na maraming alam ang bhe mong yun kahit tatahi- tahimik lang."

Di na ako nagsalita pa. Char is right. Lind is always right.

"At alam mo na ikaw ang pinakaswerte dahil bestfriend mo siya... "

"Yes... oo na... I always heard that.... "

"May bestfriend kana, may boyfie pa... "

"Boyfie? How come?"

"Sobrang ewan mo. Hindi mo na kailangang maghanap ng boyfriend dahil sa mata ng mga tao dito pag-aari kana nung Syjan. You look and act like lovers no."

"Uy hindi a. Grabe ka naman kung makapagdescribe. Its natural act dahil mula babies pa kami e close na talaga kami. Hehe ✌ Ay nung elementary lang pala kami naging close...at saka walang malisya dun no."

"Sus.. wala nga ba? E sa parang mamamatay ka sa kilig kung makapagkwento ka. Tapos iba yung kislap ng mga mata mo girl pag si Bhe ang pinag-uusapan."

"Hehe. Syempre I'm guilty. Super crush and love ko na  siya ngayon. Sino ba naman ang hindi. Pero hindi mo lang alam kung paano magpigil ng kilig ang isang Hopya."

"Kung sa bagay tama ka naman. Sino bang hindi. Kahit na ako siguro."

"Dati  okay lang. But ng inamin ko and na e confirm ko kay self na gusto ko siya. Doon na si self nagsimulang nahirapan."

"Congrats nalang kay self mo if di bumigay sa kilig. Na di siya mahalata. Sobrang sweet pa naman nun. Caring, thoughtful, loving, kind....... kay self mo. Pero pagdating sa iba... antipatiko ng lalaking yun."

"Kaya di ba sabi mo? Maswerte si self..."
At binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Di kaya the feeling is mutual?" Excited na sabi nito.

"Uy.. huwag kang paasa ha. Mahirap na. Ang umasa ay isang bawal na salita."

"E halata namang masyado. Bakit di mo tanungin yang si self mo, kung may nararamdaman siyang iba kay bhe niya. You know yung feeling na may something?"

"Baliw. Ayoko nga. Nakakatakot yun no."

"Bakit may pagkahorror na ba yung si Bhe?"

"Haha. Alam mo Char tigilan na nga natin to. Pag may nakarinig sa atin. Sabihin para tayong mga siraulo."

Iya's Secrets (The Love I Found in You) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon