PROLOGUE

80.8K 1.7K 528
                                    

AGNELLA TELESE

Nasa bansang Washington ako nang tumawag ang pinsan kong si Yeng upang ipaalam sa akin na si Dad ay na-involve raw sa aksidente. Kasalukuyan din akong nasa kalagitnaan ng klase nang mga oras na iyon.

Sobra ang pag-alala ko kaya hindi ako nagdalawang-isip na bumalik sa Pilipinas. Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ba siya nasangkot sa aksidente?

Hindi rin sinabi sa akin ni Yeng kung bakit nasangkot sa aksidente si Dad, at wala rin silang binanggit sa 'kin. Sasabihin na lang daw nila sa akin ang dahilan ng pagkaka-aksidente ni Dad kapag nasa ospital na ako.

Minu-minuto rin akong nananalangin habang nasa byahe ako. Sana hindi malala ang nangyari sa Daddy ko. Hindi pa ako mapakali sa sobra kong pag-aalala.

When I finally arrived, I saw at the top of the building what was the name of the hospital. Pinasadahan ko ng tingin ang nakasulat sa itaas ng malaking gusali na 'yon.

Alastair Hospital. Napakalaki ng ospital na 'to at mahahalata ko agad na mayaman ang nagmamay-ari. Sa pagkakaalam ko, isa ito sa pinakamalaki at kilalang ospital dito sa bansa.

Bago pa ako nagtungo noon sa Washington ay matunog na ang pangalan ng bahay-pagamutan na 'to dahil sa magagaling daw ang mga manggagamot dito at ubod naman ng yaman ang nagmamay-ari nito.

Humugot ako nang malalim na buntong-hininga. Dali-dali rin akong dinala ng pinsan kong si Yeng kung saan ang ward room si Dad.

Ang pinsan kong si Yeng ang nagsundo sa akin sa paliparan kanina. Hindi ko rin siya masyadong makausap ng maayos. Pilit din niya akong pinapakalma pero walang nangyayari. Halos patayin na nga ako sa labis na nerbiyos at matinding pag-aalala para kay Dad.

"Dito tayo." Tinuro ni Yeng ang isang pintuan kaya agad akong sumunod sa kanya.

"Dad!" tawag ko nang makapasok ako sa kuwartong 'yon at nakita siyang walang malay na nakaratay sa hospital bed.

He had a bandage on his forehead and there was still blood. There were also apparatus attached to his body. Nakapikit ang kanyang mata, halata ko rin ang mga natamo niyang mga sugat at pasa sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.

Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko ang itsura niya. Medyo pumayat rin siya. What happened to him? Bakit naging ganito siya?

Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ganito ang itsura niya noong umalis ako para magpunta sa Washington at doon mag-aral ng kolehiyo, pero bakit ang daming nagbago sa kanya?

I couldn't get close and I couldn't hug him either kahit na gusto ko siyang hawakan sa kanyang kamay. Umiiyak lang akong nakatingin sa kanya at nakapaskil sa aking mukha ang awa para sa aking ama.

Mas pinili ko na lang din na tumayo sa gilid ng hospital bed habang pinapasadahan ko ng tingin ang mga sugat sa katawan niya.

Natatakot ako na baka matanggal ang apparatus sa katawan niya at baka maging sanhi pa 'yon para malagay lalo sa panganib ang buhay niya kapag dumikit pa ako sa kanya.

Tumingin ako kay Tita Celine. Siya ang Mommy ni Yeng at ang nakababatang kapatid ng Daddy ko. Mabuti na lang talaga ay tumawag sila sa akin agad upang ipaalam ang nangyari.

"A...Ano ba talaga ang nangyari?" nanginginig kong tanong.

"Nakainom ba si Dad habang nagmamaneho siya? Hindi naman nanganganib ang buhay ng Daddy ko, 'di ba? Ayos lang siya..."

But Tita Celine was still crying. Her two eyes were already swollen and she just hugged me tightly. Mas lalo tuloy akong napaiyak. Dumako naman ang tingin ko kay Mommy na tahimik lang din na umiiyak sa gilid.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon