THIRD PERSON POV
He only loves Agnella. She was the only one in his heart and mind. Siya lang ang babaeng nakapukaw ng puso at atensyon niya. Si Agnella Telese lang ang inalayan niya ng kanyang totoong pagmamahal.
Paulit-ulit na napamura si Ales sa kanyang isipan. Bakas sa mukha niya ang galit. Ang kamao niya ay mahigpit na nakayukom. Humihigpit din ang hawak niya sa kopita na may laman n alak.
Bakit ba kasi niya pinatulan ang kondisyon ni Sienna? He wanted to bang his head against the wall or punch himself because of his stupidity. Hindi niya sana nasaktan ang puso ni Agnella, the girl he loves the most.
Muntik na rin niyang mapatay si Sienna kung hindi lang siya inawat ng mga kaibigan niya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan niya ang mukha ni Agnella na umiiyak dahil sa pagiging gago niya.
Wala naman talaga siyang intensyon na saktan ang damdamin ng babaeng mahal niya.
Kung paano siya nakaramdam ng saya noong unang beses niyang nakita si Agnella bago magsara ang elevator noon, tila tinutusok naman ng maraming karayom ang puso niya nang makitang luhaan ang dalaga habang pasara ang elevator ng mga sandaling iyon.
Nasira ang lahat dahil hindi niya nag-iisip ng maayos. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung sakali man na kamuhian siya ni Agnella. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung lumayo ang loob nito sa kanya.
"Damn it!" sigaw siya sa galit.
Malakas niyang binagsak sa lamesa ang hawak niyang kopita dahilan upang mabasag ito. Wala siyang pakialam kung dumudugo na ang kamay niya o kung may bubog man na tumusok sa kanyang balat. Mas nag-uumapaw ang galit niya ngayon.
"Don't worry, Ales. Tutulungan ka namin na mahanap siya," salita ni Conan na katabi niya.
Hindi siya sumagot.
Frustrated na siya at kaunti na lang ay mawawala na siya sa sariling katinuan. Pasalamat na lang siya ay kasama niya ngayon ang kanyang mga kaibigan para damayan siya. Kumpleto silang lahat, umiinom sa pribadong kwarto ng Idle Desire na tanging sila lang ang pwedeng pumasok
Si Priamos na nasa Batangas at si Arawn na busy sa Cebu ay napauwi bigla nang malaman nilang may malaking problema ang isa sa mga kaibigan nila, iyon ay walang iba kung 'di siya.
Ganito ang kanilang samahan, sama-sama silang magpapakasaya at sama-sama rin silang magdadamayan kapag may problema ang isa sa kanila.
"I want to tell her that she is the one I love. Mali ang nasa isip niya. Hindi ko siya niloloko, at mas lalong wala akong balak na lokohin siya. I love her... I truly love her," mahabang saad ni Ales.
Ayaw man niyang magmukhang bading, pero hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. He suddenly burst into tears dahilan para mapahilamos siya sa sarili niyang mukha.
Sinuntok niya ang lamesa dahilan para magkaroon ito ng kaunting crack. Wala namang pakialam si Jaeger kung may masirang gamit sa resto bar na pagmamay-ari niya dahil mas mahalaga sa kanya ang kanyang kaibigan.
Na tahimik ang mga kaibigan niya.
Walang nagtangkang umimik habang nakatingin silang lahat sa kaibigan nilang lasing at umiiyak na parang bata. Ngayon lang din nila nakitang umiyak si Ales.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, masyadong malakas ang kapangyarihan nito kaya pati ang isang tulad ni Ales na walang pakialam at pusong bato ay umiiyak dahil sa babae.
"Natawagan ko na kanina ang private investigator ko. Magaling siya kaya nasisiguro kong isa o dalawang araw lang ay mahahanap na niya si Ms. Telese," basag ni Arawn sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
General FictionSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...