23

45.9K 1.1K 224
                                    

AGNELLA TELESE


Nagising na lang ako kinaumagahan na wala na sa yate. Natagpuan ko na lang din ang sarili kong nakahiga sa malaking kama. Wala akong ideya kung paano ako nakarating dito. Siguro ay si Ales ang bumuhat sa akin at nagdala sa akin dito.

Tumingin ako sa bintana, maliwanag na sa labas. Bumangon ako at sumilip sa bintana para makita ang labas. Kulay asul na karagatan ang una kong nakita at puting buhangin.

Mukhang nasa isla kami. Ito na rin yata ang private rest house na tinutukoy ni Ales. Sumagi bigla sa isipan ko si Kylier. Nangako ako sa kanya na magkasama kaming pupunta sa Washington. Ni hindi ko man lang siya personal na nakausap kahit man lang sa cellphone.

Kasalanan ito lahat ni Ales. Naiinis pa rin ako sa kanya. Akala ko talaga ay dinner date lang, 'yon pala ay ilalayo niya ako kay Kylier.

Naalala ko rin ang sinabi niya sa akin kagabi. Tinatanan niya na raw ako. Paano na ngayon? Paano ako makakaalis dito? Paano kung maghintay sa akin si Kylier?

I sighed.

Tumalikod na ako bago ko inikot ang aking tingin sa buong kwartong kinaroroonan ko. Black and white ang interior design. May malaking kama, may study table, mayroon ding sofa, TV at coffee table.

Nakasandal sa pader ang bookshelf pati na rin ang cabinet na medyo may kalakihan. Sumilip ako sa banyo at namangha ako sa laki nito. Kumpleto na rin ang mga gamit dito.

Iniisip ko lang ay kung paano ko matatakasan si Ales. 'Yung isip ko ay nagsasabing umalis sa lugar na 'to, pero ang puso ko ang tumututol at gustong manatili sa tabi niya.

"Ano bang dapat kong gawin?" wala sa sariling tanong ko.

Bumuntong-hininga na lamang ako at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas diyes na ng umaga at hindi pa pala ako nakakaligo.

Binuksan ko ang cabinet na nakita ko at tumambad sa akin ang mga damit na mukhang para sa akin. Sa tingin ko ay pinaghandaan ni Alessandro ang lahat ng ito. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil puro mga maikling dress ang nandito. Wala man lang short o pajama. May t-shirt naman pero hanggang hita ko ang haba nito. Tapos ang ninipis pa ng mga damit.

Kinuha ko na lang 'yung puting backless dress na hanggang hita ko ang haba. Ito lang ang sa tingin ko na mas magandang suotin. Kumuha na rin ako ng underwear na mayroon din dito at mukhang kabibili lang dahil sa may price tag pa bago ako pumasok sa loob ng banyo at agad naligo.

Ilang minuto akong naligo at agad akong natapos. Nagbihis ako para makalabas na ako ng kwarto at para hanapin si Alessandro.

Kaunting ayos lang ng sarili dahil may mga make-up din dito. Huminga muna ako ng malalim at saglit kong tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Okay na ang itsura ko kaya handa ko na siyang harapin.

Mabuti na lang ay hindi naka-lock ang pintuan kaya malaya akong nakalabas sa kwarto. Tinahak ko ang daan sa kaliwa ko dahil may naririnig akong ingay galing doon. Parang may mga nagtatawanan at boses mga lalaki pa.

Kinabahan ako nang mas marinig ko lalo ang tawanan nila. Maingat akong sumilip sa ibaba at doon ko nakita ang mga lalaking hindi ko kilala. Sino sila? Ngayon ko lang sila nakita kaya hindi sila pamilyar sa akin.

Napansin ko si Thorn, 'yung lalaking kasama namin sa yate kagabi. Nakikipagtawanan siya sa mga lalaking hindi ko kilala habang nagkakape sila. Wala si Alessandro at hindi ko alam kung nasaan siya.

Binilang ko kung ilan silang nasa sala, apat na lalaki kasama na si Thorn. 'Yung isang lalaki na medyo maskulado ay nakakunot lang ang noo. Tila parang ang laki ng problema niya. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Halos magdikit na ang kilay niya.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon