AGNELLA TELESE
Kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon ay baka kanina pa ako tumawa dahil sa priceless nilang reaksyon. Mga nakanganga at kulang na lang ay pasukan na ng langaw ang mga bunganga nila. Kung hindi lang lumapit 'yung waiter para kunin ang order namin ay siguradong kanina pa sila nakanganga lalo na si Sienna."Pupunta ba ang parents mo rito, Sienna?" tanong ng Mommy ni Ales.
Katatapos lang makuha ang order namin kaya heto at hinihintay na lang namin dumating ang aming pagkain.
"Yes po, tita. Parating na po sila at buti na lang ay nandito si Agnella. Gusto rin nilang makausap ang babae ni Ales at para na rin pag-usapan n'yo na rin ang kasal namin ng anak n'yo," nakangiting sagot ni Sienna.
Hindi naman nakaligtas sa akin kung paano niya ako irapan. Hinihiling ko na sana matanggal na ang eyeballs niya. Wala man lang siyang galang, hindi marunong mag-po sa nakatatanda sa kanya. Sabagay, halata namang wala siyang manners.
"Kasal na kami ni Agnella. At kung pipilitin n'yong makipag-divorce ako sa kanya ay hindi ko gagawin iyon. Isn't it obvious that I don't want to marry that Sienna? Damn it! You are testing my patience again," may diing wika ni Ales. Nasa tinig niya ang matinding galit.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at nginitian siya para pakalmahin. Unti-unti namang nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa madilim na anyo ay bigla na lang itong lumambot.
Hindi nakaligtas sa akin kung paano kami tingnan ng magulang niya. Mukhang napansin nila ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Alessandro ng hawakan ko ang kamay niya. Hindi ko rin alam kung bakit sila biglang namangha.
"Oh, they finally here!" Sienna at may kinawayan. May lumapit sa amin na isang lalaki at isang babae na mahahalatang may edad na.
"Mom, Dad!" masayang tawag ni Sienna sa magulang niya.
"I heard everything. Naikwento na sa amin ni Sienna ang nangyari. Siya ba ang babae mo, Alessandro?" nakataas kilay na tanong ng Mommy ni Sienna. Pinukulan pa niya ako ng masamang tingin.
"She's my wife. Ang nag-iisang babae sa buhay ko," walang emosyong sagot ni Ales sa kanya. Halatang mainit ang ulo niya sa magulang ni Sienna.
Agad silang naupo sa mga bakanteng silya pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit may dalawa pang natitirang bakanteng upuan. Ngayon ko lang din napansin na mahaba ang lamesa at mayroong siyam na silya. Okupado na namin ang pito.
"Hindi na tayo magpaligoy-ligoy pa. Ikakasal na kayong dalawa ni Sienna sa ayaw at sa gusto mo. Iyon din naman ang kagustuhan n'yo. Tama ba ako, Mrs. Ottavio? Ang magpakasal ang mga anak natin?" salita ng Daddy ni Sienna at tumingin sa Mommy ni Ales.
"Ayaw ko pong ikasal si Alessandro sa anak ninyo," wala sa sarili kong sagot.
Napatingin silang lahat sa akin.
"Excuse me? Ikaw ba ang kausap ng asawa ko?" masungit na tanong ng Mommy ni Sienna.
Natawa ako ng peke at napakamot pa ako sa aking batok ko.
"Uhm, pasensya na po. Akala ko po kasi ay ako ang kausap ng asawa n'yo. Mrs. Ottavio rin po kasi ako, sagot ko.
Talagang diniinan ko pa ang Mrs. Ottavio para mas ramdam nilang dala ko na ang apelyido ni Ales. Nasanay kasi ako na laging tinatawag ni Ales na gano'n. Napahiya pa tuloy ako sa harapan nila.
Ramdam ko naman na humigpit ang hawak ni Ales sa beywang ko. Wagas na siyang nakangiti ngayon. Pansin ko rin na natawa ang magulang niya. Oo, pati ang Mommy niya ay tumawa rin. Bakit kinikilig yata ako dahil doon?
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
Fiction généraleSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...