38

40K 1K 146
                                    

AGNELLA TELESE

Wala kahit sino sa amin ang nagtangkang magsalita. Tanging ingay lang ng kubyertos ang naririnig ko. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ng magulang ni Sienna ang gulat. Nakapagtataka na bigla na lamang silang namutla.

Ang magulang naman ni Ales ay wagas kung makangiti sa amin. Hindi ko alam kung bakit o para saan ang ngiti nila, ngunit genuine ang ngiti nila. Parang ang saya-saya nila.

"Kailan ka pa buntis, anak? Bakit hindi mo sinabi sa amin agad?" tanong ni Dad kaya natigil ako sa pagsubo ng kinakain ko. Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.

"We just saw on the pregnancy test yesterday that she was pregnant. Dalawang pulang guhit, positive na buntis si Agnella. Kaya po inimbitahan ko kayo para sabihin na buntis na si Agnella," mismong si Alessandro ang sumagot.

Talagang nanindigan siya na buntis ako kahit hindi naman talaga. Isang napipilitang ngiti lang ang ipinakita ko kina Mommy. Bumaba ang tingin ko sa aking hita nang maramdaman ko ang kamay ni Ales na humaplos doon bago ko tingnan ang lalaking 'to na nakangiti lang at hindi nakatingin sa akin.

"Congratulation, anak. Isa ka nang ganap na ina sa wakas!" masayang bati ni Mom kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Kung alam lang talaga nila kung ano ang totoo. Kasalanan talaga ito ni Ales. Ang dami niyang pakulo. Hindi ko tuloy alam kung hanggang kailan namin ito makakayang panindigan.

Mahinang tumikhim si Dad. "Kailangan n'yong magpakasal ng anak ko. Dapat mong panagutan si Agnella, hijo."

"Pero sa akin ikakasal si Ales!" sabat ni Sienna sa usapan. Napatingin sina Dad sa kanya at gano'n din ang magulang ni Ales.

"Don't mind her, Sir Rafael. Agnella was pregnant and Alessandro was the father of the child in her womb kaya dapat lang po na magpakasal silang dalawa," mahinahong sabi ni Tobias.

Napangiwi ako dahil sa inaakto niya ngayon. Kanina ay galit na galit sila sa akin, para silang tigre na tila gusto na akong sakmalin. Ngayon naman ay para silang pusa na binuhusan ng malamig at nagyeyelong tubig.

"Pero Dad---"

"--- Hayaan mo na sila, anak. Makakahanap ka rin ng lalaki. Dapat lang na pakasalan ni Alessandro si Miss Agnella," putol ni Carol sa sasabihin ni Sienna.

Matamis pa niya akong nginitian. Mga pakitang tao nga naman. Halos hindi nga sila makaimik kanina nang malaman nila kung sino ako. Na ako ang nag-iisang anak nina Daddy. Sabagay, kailangan nilang umakto na mabait dahil ang asawa niya ay nagtatrabaho sa kompanya ni Dad.

"Mas maganda siguro kung engrandeng kasal ang dapat mangyari sa mga anak natin, Mrs. Marlyn and Mr. Rafael. Dapat sa simbahan ganapin 'yon, tama ba ako Milliano?" nakangiting saad ni Mrs. Evelyn na agad namang sinang-ayunan ng Daddy ni Ales.

Ngumiti ako sa kanila nang balingan nila ako ng tingin. Bigla na lang akong hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa mainit na kamay ni Ales na nakapatong sa hita ko. Masuyo niya itong hinahaplos at marahan pa niyang pinipisil kaya nawawala ako sa konsentrasyon ko.

"It would be a good idea if Agnella and I would get married in church. Naisipan kasi namin na sa huwes na lang muna magpakasal pero balak ko rin siyang iharap sa altar," sagot ni Ales.

Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Maingat kong binitiwan ang hawak kong kubyertos bago ko hinawakan ang kamay niyang nasa hita ko dahil unti-unti na itong umaakyat para tangkain na pumasok sa loob ng dress ko.

Akma ko sanang tatanggalin ang kamay niya nang mabilis niyang hinuli ang aking kamay. I secretly bit my lower lip when he brought my hand to his hard bulge. Mabuti na lang ay mahaba ang tablecloth kaya walang nakakakita o nakakapansin sa ginagawa namin.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon