6

51.3K 1.3K 211
                                    

AGNELLA TELESE

Inaantok kong minulat ang dalawa kong mata. Napapikit pa ako nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw, bago ko pinasadahan ng tingin ang buong kuwartong kinaroroonan ko.

Sandali, hindi ko ito kwarto. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nasaan ba ako?

I can also smell the masculine scent, pamilyar ang amoy nito sa akin. There is a bookshelf and also a coffee table in this room. Bakit ako nandito? At higit sa lahat, sino ang nagmamay-ari ng kwartong kinaroroonan ko ngayon?

"Aww," mahina kong daing.

Napasapo pa ako sa ulo ko nang sumakit ito bago ako maingat na naupo sa kama habang hinihilot ang aking sentido. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kung paano ako nakarating dito hanggang sa nanumbalik lahat sa alaala ko ang mga nangyari.

"The hell..." bulalas ko nang maalala ko rin ang nangyari sa kotse ni Ales kagabi.

"You are really crazy, Agnella!" naiinis kong sabi at nasabunutan ko pa ang sarili kong buhok.

Bakit ko ba siya hinalikan? Ano na lang ang iisipin niya? Baliw na nga talaga ako!

"Ano'ng gagawin ko?" problemado kong tanong.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sobrang kahihiyan. Oo, nasa plano ko nga na akitin siya, pero hindi dapat hahantong sa ganoon. Okay pa sana kung halik lang sa labi.

Why did I let him touch my private part? Tinignan ko ang sarili ko, I was still wearing my clothes. Walang labis, walang kulang. Ngayon naniniwala na talaga ako na walang maidudulot na mabuti ang alak.

But I stopped when I realized something. Why did he respond to my kiss? I mean, pakakasalan na niya si Mommy, 'di ba? Tiyak na mahal niya ang aking ina. He should know that what we did is forbidden. Siya rin ang unang humalik sa akin noong nasa kusina kami.

Pahamak nga talaga ang alak.

Bumukas ang pinto kaya agad akong nag-angat ng ulo. Nakita ko si Alessandro na agad akong nginitian nang makita niyang gising na ako. Ganyan ang ngiti niya sa akin kagabi. Lihim akong napalunok nang bigla na lang din bumilis ang tibok ng aking puso.

What's wrong with you, Agnella?

"Gising ka na pala," turan niya at naglakad palapit sa akin.

Naupo siya sa tabi ko at masuyong hinaplos ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente nang magdikit ang aming balat.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?"

"A...Ayos lang ako," utal kong sagot.

"Nasaan pala ako?"

Lumayo ako kaunti para matanggal ang kamay niya na nakahawak sa aking pisngi. Binaba niya ang kanyang kamay at bumuntong-hininga.

"This is my room, nandito ka sa bahay ko."

Akma niya akong hahawakan sa kamay ko nang tumayo na ako. Kailangan kong umalis at makalayo muna sa kanya. Masyado akong kinakain ng kahihiyan at ang awkward pa.

"Uuwi na ako, baka kasi nag-aalala na sa akin si Mrs. Cruz. Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kanya kagabi."

Nakita ko ang sling bag ko na nakapatong sa coffee table kaya agad ko itong kinuha. Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko sa kamay.

"Alam niya na nandito ka sa bahay ko. Napakuha ko na rin ang mga gamit mo sa kaibigan mo," sagot niya.

"Kailangan ko pang mag-impake para sa pagpunta natin bukas sa probinsya," pagdadahilan ko para makaalis na ako at para na rin makaiwas sa kanya.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon