AGNELLA TELESE
"Agnella, hija? Natutulog ka ba? Nandito na ang Daddy mo, hinihintay ka niya sa ibaba." Mabilis akong bumangon nang marinig ko ang sinabi ni Mrs. Cruz.
Agad din akong lumabas ng kwarto dahil sa excitement. Nagpasalamat lang ako kay manang na nasa labas. Halos tumakbo na ako dahil sa pananabik na makita si Daddy. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.
Hindi kasi siya naka-attend sa graduation ko pero naiintindihan ko naman siya. Naririnig ko na may nag-uusap sa ibaba. Matamis akong ngumiti nang makita ko si Daddy na nakaupo sa sofa. Kausap niya sina Mom at Ales, pero agad silang tumingin sa akin nang marinig nila ang yabag ko.
"Dad!" nakangiti kong tawag bago ako tumakbo bumaba sa hagdanan.
"Hey, watch out. You might stumble at baka mahulog ka pa sa hagdan," turan ni Ales pero hindi ko siya pinansin. Tumayo si Daddy habang ako naman ay agad siyang niyakap.
"I miss you, my princess." Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa kanyang sinabi. Hinalikan lang din niya ang noo ko.
"Sobrang namiss din po kita, Dad," sagot ko bago ako humiwalay ng yakap.
Tiningnan ko siya, pero bahagyang napawi ang ngiti sa labi ko. Bakit lalo yatang siyang pumayat? Halatang wala siya maayos na tulog, ni hindi man lang siya nag-abala na ahitin ang maliliit niyang balbas.
Nagmukha na siyang matanda. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong ama. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa at lungkot pero hindi ko iyon pinahalata.
"Pasensya ka na kung hindi ako mismo ang nagsundo sa 'yo kanina sa airport. Marami kasi akong kailangan na tapusin na trabaho sa opisina, kaya nakiusap ako kay Alessandro na siya na lang ang sumundo sa iyo," aniya.
So, hindi pala nagsisinungaling si Ales.
"Ayos lang po 'yon, Dad. At least nandito po kayo at nakita ko ulit kayo," tanging sagot ko na ikinangiti niya.
Naiintindihan ko rin naman siya, sadyang workaholic siya. Pero sana naman ay hindi niya pabayaan ang sarili niya.
"Sakto at nagluto na ako ng tanghalian. Tara, kumain muna tayo. Baka nagugutom na kayo, lalo na si Agnella," salita ni Mom.
Namumugto ang kanyang mata pero umiwas lang ako ng tingin. Hindi ko rin sinasadya na mapatingin kay Ales. Nakatitig lang siya sa akin at parang ang lalim ng kanyang iniisip.
"Mabuti pa nga. Nagugutom na rin kasi ako," nakangiting tugon ni Dad kaya tumango na lang ako.
Nagtungo na kaming lahat sa loob ng kusina. Nagtaka pa ako dahil hindi umupo si Dad sa assigned seat niya. 'Yung laging inuupuan ng padre pamilya sa isang lamesa kapag kakain na. Hindi rin doon umupo si Mom at si Ales.
Kaya naman ako na lang ang umupo roon. Napatingin pa silang tatlo sa akin kaya tinignan ko sila habang nakataas ang isa kong kilay.
"What? Upuan naman 'to, 'di ba?"
Tinawanan lang ako ni Dad dahil sa sinabi ko. Habang napatikhim naman si Alessandro kaya lihim ko siyang inirapan. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa kaya nagsimula na kaming kumain.
"Kumusta ang buhay mo sa Washington, hija? Malaki ang kasalanan namin sa 'yo ng Mommy mo. We didn't even attend your graduation. I'm really sorry, princess."
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
Ficção GeralSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...