11

45.2K 1.2K 397
                                    

AGNELLA TELESE

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magpunta kami rito sa Santa Monica para magbakasyon. Isang linggo na rin akong nandito sa bahay nina Lola Sheila. Isang linggo na rin nang ituloy ko ang plano ko kay Alessandro, ang akitin siya para maghiwalay silang dalawa ng Mommy ko.

Sa tingin ko ay gumagana ang mga plano ko, dahil lagi niya akong niyayaya na lumabas para kumain at para na rin mag-date.

Naging sweet kami sa isa't isa at talagang tinuloy na rin namin ang pagpapanggap namin na may relasyon. Minsan ay binibigyan niya ako ng mga flowers at chocolates. Tulad ngayon ay meron na naman siyang binigay sa akin na bouquet of flowers.

Nagulat na lang ako kanina nang may nag-deliver nito at nalaman ko sa maliit na nakalakip na card na galing 'yon kay Ales. Para talagang may totoo kaming relasyon kahit wala naman talaga.

Ngayon ay dalawang araw siyang wala dahil meron siyang importanteng kailangan na gawin. Dalawang araw ko na rin siyang hindi nakikita.

Ang sabi niya ay aasikasuhin lang niya ang trabaho niya, isa kasi 'yon sa dahilan kung bakit sumama siya sa akin sa Santa Monica. Meron siyang aasikasuhin na business dito sa Siargao.

"Agnella? Ready ka na ba?" rinig kong sigaw ni Carina. Sumilip ako agad sa balkonahe at nakita ko siya sa ibaba na naghihintay.

"Oo, bababa na rin ako."

Tinanguan lang niya ako. Nagkayayaan kami na maligo sa malinis na ilog na sakop lang dito sa baryo.

Isinama na rin namin sina Renesmee na halatang excited dahil ito raw ang unang beses na maliligo sila sa ilog na 'yon. Naging close ko na rin sila kahit isang linggo pa lang kaming magkakilala.

Masaya silang kasama at minsan ay tumatambay rin kami sa bahay nina Kuya Bryant. Dahil dalawang araw na wala si Alessandro kaya nakakatambay ako kasama sila. Noong isang araw nga ay nag-sleep over kami sa bahay nina Sua at nakapag-movie marathon din kami. Hindi sila boring kasama at mas lalong marunong din silang makisama.

Binitbit ko agad ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko bago ako lumabas ng bahay. Nakita ko agad sina Rina na mukhang kanina pa naghihintay sa akin.

Nasa labas na rin ang gagamitin naming motor dahil medyo may kalayuan ang ilog kaya kailangan namin ng sasakyan. Lumapit ako kay Lola Sheila, kasama niya ang iba niyang kaibigan pati na rin ang Mommy nina Renesmee. Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.

"Pupunta na ba kayo sa malinis na ilog?" tanong ni lola Sheila kaya nakangiti akong tumango.

"Opo, uuwi rin po kami agad."

"Sige, hija. Mag-ingat kayo sa daan. Nagpaalam ka na rin ba sa boyfriend mo?"

Nag-text naman ako sa kanya kanina kayaalam niyang maliligo lang kami nina Carina sa ilog.

"Opo, nag-text na po ako sa kanya kanina. Sige po alis na kami," sagot ko kaya tinanguan niya ako. Lumapit na ako sa mga kasama ko.

"Ready na ba ang lahat?" tanong ko kay Rina na nakaangkas sa likod ng motor ni Clark.

"Wait lang muna natin saglit si Sua. May kinuha pa siya sa bahay nila," sagot niya kaya hindi na ako ulit nagtanong.

Tiningnan ko ang limang motor na nakaparada at gagamitin naming sasakyan papunta sa malinis na ilog. Nakilala ko ang isang motor dahil pagmamay-ari 'yon ni Kylier.

"Ayan na pala siya. Let's go!" excited na turan ni Renesmee.

Dumating na rin sa wakas si Sua at mabilis siyang umangkas sa motor ni Edward. Tumingin ako kay Carina dahil sa motor ni Kuya Bryant siya sumakay. Si Thalia at Sua naman ay sumakay sa motor ni Dylan.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon