AGNELLA TELESE
Hinihingal kaming pumasok ni Alessandro sa Alastair Hospital. Tumawag si Mommy sa cellphone niya dahil hindi niya ako ma-contact. Alam din pala niya na magkasama kaming dalawa ni Ales. Sinabi niyang sinugod si Daddy sa ospital nang bigla itong matumba sa opisina at nawalan ng malay.
Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaba at takot. Hinihiling ko na sana ay walang masamang nangyari sa sarili kong ama at sana ligtas siya mula sa kapahamakan.
Hindi rin ako makapag-concentrate dahil sa kung saan-saan na lumilipad ang isip ko. Masyado akong nag-aalala para kay Daddy.
Natagpuan ko na nga lang ang sarili ko na wala na kami sa private rest house at nandito na kaming dalawa ngayon sa ospital kung saan sinugod si Dad.
Matapos na makausap ni Ales 'yung nurse na nasa information desk, hinatak na niya ako agad pasakay sa elevator. Wala akong imik at hindi ko rin magawang makausap si Ales.
Bigla na nga lang akong na blanko kanina nang marinig ko mula kay Mommy ang nangyari kay Dad. Saglit ko namang tiningnan si Ales nang mahina niyang pinisil ang aking kamay.
"Your Dad is safe, don't worry. Everything will be alright," pagpapagaan niya sa kalooban ko kaya tipid ko lang siyang nginitian.
Hindi ko alam kung saang floor kami nakarating pero basta na lang kaming lumabas nang bumukas na ang elevator. Dinala ako ni Alessandro sa isang kwarto at doon kami pumasok.
Agad namang napatayo si Mommy sa kinauupuan niya at niyakap ako ng mahigpit. Mugto rin ang kanyang mata at nakita ko sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
"A...Ano pong sabi ng Doktor? Is he okay? Wala naman ba siyang malalang sakit?" nanginginig kong katanungan kay Mommy.
"Hindi pa dumarating 'yung Doktor kaya naghihintay pa muna ako rito," malungkot na sagot ni Mommy.
Napunta ang atensyon ko kay Dad na walang malay na nakahiga sa hospital bed. Merong nakakabit na dextrose sa kamay niya at hindi ko alam kung para saan ang mga apparatus na nakakabit sa kanyang katawan.
Lumapit ako sa gawi niya at maingat kong hinawakan ang kanyang kamay. Napaluha ako dahil sa awa. Naaawa at naiiyak ako sa kalagayan ng Daddy ko. Mas lalo pa siyang nangayayat ngayon. Kulang na lang ay maging buto't balat na siya.
Bumukas ang pintuan kaya napalingon ako. Pumasok ang isang matangkad na lalaking Doktor habang may nakasabit na stethoscope sa leeg nito.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong niya kaya agad akong lumapit.
"Kumusta po ang Daddy ko? Wala naman po bang masamang nangyari sa kanya? May sakit po ba siya kaya siya nawalan ng malay?" walang kapreno-preno kong katanungan sa kanya.
Medyo tumingala pa ako para mas maayos ko siyang makita. Ngayon ko lang din napansin na may itsura ang Doktor na 'to. He sighed kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga.
Pinangsa-walang bahala ko ang braso ni Ales na yumakap sa beywang ko at ang mainit nitong hininga na tumatama sa likuran ng tenga ko dahil mas nakatutok ang mata ko sa Doktor.
"I'm sorry, miss. But your father needs surgery as soon as possible. Lumabas ang result sa examination niya at nakita ko na meron siyang liver cancer. Perhaps it was because he drank too much alcohol kaya masyadong naapektuhan ang liver niya. Don't worry, hindi pa naman ito kumakalat kaya pwede pa itong maagapan sa pamamagitan ng operasyon sa pagtanggal ng apektadong atay ng pasyente," mahaba niyang saad kaya kinabahan na naman ako.
Maaari pang maligtas sa panganib si Dad kapag na operahan siya. Mabuti naman kung ganun pero hindi ko alam na may liver cancer siya. Dulot nga siguro iyon sa labis na pag-inom ng alak niya noon kaya hindi niya namalayan na may sakit na pala siya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
Ficción GeneralSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...