AGNELLA TELESE
Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi agad iyon nag-digest sa buong sistema ko. Anong ibig niyang sabihin na nagpapanggap lang silang dalawa ni Mommy? Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.
"Nagpapanggap lang kayo ni Mommy? Hindi ko maintindihan," turan ko nang makabawi ako sa sobrang gulat.
He sighed. Hinilot pa niya ang kanyang sentido. Halatang pati siya ay gulong-gulo na ang isipan. Stress na rin siya sa mga nangyayari. Pero mas stress ako ngayon. Bakit ba ayaw na lang nila sabihin sa akin ang lahat para matapos na ito at hindi na ako panay tanong?
"Yes, Agnella. We're just pretending. Meron kaming deal kaya napunta sa puntong kailangan naming magpanggap," mahinahon niyang pag-amin na mas lalong nagpakunot sa noo ko.
"So all this time ay pakulo n'yo lang pala lahat ng 'to? Tell me, kasama rin ba sa pakulo n'yo ang tungkol sa pananakit ni Dad kay Mommy? Nagsisinungaling lang ba kayo sa akin?" halos sumigaw na ako.
"Of course not! Totoo 'yung pananakit ng Daddy mo sa Mommy mo. Ang paggamit ng pinagbabawal na gamot ng Daddy mo, pati na rin ang pagkakaroon niya ng babae. Lahat 'yon ay totoo. Maliban lang sa relasyon namin ni Marlyn. Nagpanggap lang kaming dalawa para makawala siya sa kamay ng Daddy mo. She just used me. She asked me to pretend na mayroon kaming relasyon and I accepted her condition because of our damn deal."
Saglit na lumambot ang mukha ko nang marinig kong wala silang relasyon ni Mommy. May parte sa akin ang nagdiriwang nang malaman ko 'yon pero agad din akong napaisip.
"At bakit ka pumayag? Anong deal ang tinutukoy mo para tanggapin mo ang kondisyon ni Mommy? Sabihin mo nga, Alessandro. Ginagago mo ba ako?" puno ng galit kong tanong.
Lumapit siya sa akin at masuyo niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Huwag ka munang magalit sa akin, Agnella. Just listen and I will tell you everything, please?"
Huminga ako ng malalim. Tanging tango lang ang sinagot ko. Kung sasabihin niya lahat ay handa akong makinig sa kanya. Gusto kong malaman ang iba pang katotohanan.
✘
THIRD PERSON POV
Flashback
He frowned at his secretary.
Alessandro shook his head and even massages his temple when his head hurts like it was going to explode. Kung hindi lang talaga importante sa kanya ang kompanya ay hindi niya ito iingatan at paglalaanan ng oras.
"So, are you telling me that Mrs. Telese can't attend our important meeting?" Ales asked firmly to his female secretary.
Bahagya itong yumuko.
Sinabi lang naman nito na hindi makakarating si Mrs. Telese sa meeting nila. That was an important meeting and Ales need to talk to her about an important matter. Tiyak na masisira ang mga naisip nilang plano kung hindi nila agad makakausap si Mrs. Telese.
"Yes po, sir. She called me earlier para sabihin po na hindi raw po siya ngayon makakapunta sa meeting. May importante po kasi siyang lakad at bigla rin daw pong nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Gusto rin po niyang mag-sorry sa 'yo," she explained.
Ales took a heavily sighed in dismayed.
His secretary was trembling with fear, so she couldn't even dare to look him straight in the eyes. All his employees are very afraid of him. Natatakot sila na mawalan ng trabaho dahil lamang sa isang simpleng pagkakamali na pwede niyang mapansin at ikainit ng kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
Fiction généraleSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...