AGNELLA TELESE
Hindi ako kumain ng hapunan, ang dahilan ko ay napagod ako sa biyahe kaya hindi na nangulit pa sina lola para ayain akong kumain. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga paliwanag ni Alessandro sa akin kanina.
Kahit ayoko ay hinayaan ko na lang siyang mag-explain. Lalong sumama ang loob ko sa kanya lalo na kay mom nang marinig ko ang sinabi niya. They have to lie to cover up what they did. I was the one they used to hide the truth. Kailangan naming magpanggap ni Alessandro na may relasyon kami.
Naplano na nilang dalawa 'yon bago kami nagpunta rito. Naintindihan ko naman sila dahil baka atakihin si lola sa puso kapag nalaman nilang may kabit ang kanilang anak. Matanda na sila at baka magulat sila kapag nalaman nila ang totoo. Pero hindi na magbabago ang katotohanan na manloloko sila kaya mas lalong tumindi ang galit ko.
Bakit kasi ako pa ang ginamit nila? Bakit pa kailangan nilang pagtakpan ang totoo kung pwede naman nilang itago ang sikreto nila?
I sighed.
Balak ko rin sana na ihinto ang plano kong pang-aakit kay Ales, pero naudlot iyon dahil sa ginawa nila. Pumasok sila sa ganitong sitwasyon, pwes bibigyan ko sila ng problema. They are the reason why I became like this, and they are the reason why I want to destroy their relationship.
Una, niloko nila ang Daddy ko. Pangalawa ay ako ang ginamit nila para matakpan ang ginawa nila. Pangatlo ay nagsinungaling sila sa mga kamag-anak namin lalo na kina lola. Sinagad na nila ang galit ko.
Tinitigan ko nang mariin ang ceiling fan. Tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid na kinaroroonan ko. Masyadong okopado ang isipan ko kanina kaya hindi ko na tingnan ang kabuuan ng kwarto. Walang nagbago, gaya pa rin ito ng dati noong huli akong nagpunta rito. Maganda ang disenyo ng kwarto kahit na gawa ito sa kahoy. Gusto lang nina lola na simple lang ang kanilang tahanan.
The wooden floor is also smooth, as well as the walls are also made of wood. Sobrang tagal na nitong bahay na ito. Bata pa lang ako ay nakatayo na ito kaya dito kami tumutuloy kapag nagbabakasyon kami tuwing summer.
I took a heavy sigh.
I got up and decided to go to the balcony so I could breathe some fresh air. Hindi ko alam kung nasaan si Alessandro dahil tinawag siya ni Lolo Esfano kanina matapos niyang magpaliwanag sa akin. Ayaw pa niya sana pero wala na siyang nagawa dahil alam niyang galit ako ngayon. Hinayaan niya muna siguro akong mapag-isa at para lumamig ang ulo ko. Binuksan ko ang pinto sa balkonahe at lumabas. Maganda pa rin ang lugar kahit malubak ang kalsada. Mahangin dahil sa mga puno. May street lights naman kaya hindi nakakatakot na dumaan sa baryo na ito.
Sa 'di kalayuan, natatanaw ko ang bukid na may mataas na talahib ng damo. I also don't see anyone walking and it's still very peaceful here. Palibhasa kasi ay alas diyes na ng gabi. Naririnig ko rin ang kulilig.
May isang bahay na may dalawang palapag ang nasa tapat ng bahay nina lola. Nakita ko sa bahay na 'yon na may mga nagtatakbuhan. Hindi sila mga bata dahil matatangkad sila. Kaunti lang din ang kapitbahay nina lola at medyo magkakalayo ang mga bahay.
Nanatili ako sa balkonahe ng ilang minuto bago ako nagpasya na pumasok sa loob dahil nagsisimula na ring pumasok ang mga lamok. Pagkasarado ko sa pintuan sa balkonahe ay saka naman bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakita ko si Ales na namumula ang mukha pati ang kanyang leeg kahit na may kadiliman ang paligid naming dalawa. Hindi kasi ako makatulog 'pag nakasindi ang ilaw. Tumingin siya sa 'kin nang mapansin niya ako.
"Why are you still awake?" Humakbang siya palapit sa akin.
"Nakainom ka?" nakakunot-noo kong tanong ng naamoy ko ang alak sa kanya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
Ficção GeralSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...