32

37.2K 1K 213
                                    

AGNELLA TELESE


Nakakasilaw ang ilaw na nakikita ko nang makapasok kaming dalawa ni Renesmee sa loob ng bar na meron dito sa Hemera Paradise. Maraming tao ang nandito ngayon at mga nagkakasiyahan pa. Nangangamoy rin ang alak at ang pinaghalong amoy galing sa mga pabango ng mga tao.

Nagpatangay na lang ako kay Renesmee nang hatakin na niya ako palapit sa stool bar para doon maupo.

"Ang saya pala kapag 18 years old ka na. Malaya kang makakapasok sa mga ganitong klaseng lugar!" masayang sigaw ni Renesmee.

Nakikita ko sa mukha niya ang excitement. Malakas din ang tugtog galing sa mga speakers kaya kailangan niyang sumigaw para magkarinigan kaming dalawa.

"Huwag kang magpakalasing. Baka bigla na lang akong habulin ni Kylier ng itak kapag nalaman niyang na disgrasya ka!" sagot ko sabay nguso sa private part niya. Humagikgik siya at mahina pang sinampal ang balikat ko.

"Don't worry, Ate Agnella. I can handle myself, okay?" paniniguro niya kaya tinanguan ko lang siya.

Mas mabuti na rin ang sigurado. Ayoko rin namang may masamang mangyari sa babaeng 'to. Ang dami pa namang kumakalat na gwapo sa bar na ito, halatang hindi sila mapagkakatiwalaan. Para sa akin ay hindi lang pangit ang hindi maaring pagkatiwalaan, pati na rin mga gwapo ay manloloko na rin.

"Can I take your orders, beautiful ladies?" salita ng bartender.

Nakita ko kung paano kiligin ang kasama ko at pasimple pa akong kinurot sa tagiliran ko. Gwapo 'yung bartender kaya parang kiti-kiting kinikilig itong si Renesmee.

"Anong gusto mo, Agnella?" pabebe niyang tanong sa akin. Literal pa siyang nagpa-cute sa bartender. Tumingin naman ako sa lalaki na nakangiti at hinihintay kung ano ang sasabihin ko.

"Vodka with strawberry lemonade."

He nodded.

"For two, Kuyang pogi!" malanding habol ni Renesmee kaya ako naman ang kumurot sa tagiliran niya.

Mahina siyang napaaray pero nandoon pa rin ang ngiti niya. Tumawa naman ang bartender at agad niyang inasikaso ang order namin.

"Ang harot mo, ha!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata.

"Minsan lang naman ako humarot kaya lulubos-lubusin ko na," nakangiti niyang sagot. Nilagay pa niya sa likod ng tenga niya ang kanyang buhok. Kung nandito lang ang Kuya Kylier niya ay baka napalo na siya sa kanyang puwit.

"Here, enjoy your drinks."

Nakangiti pa ang bartender nang ilapag niya sa harapan namin ang in-order naming vodka. Nag-cheer lang kami ni Renesmee bago namin ito ininom. Gumuhit sa lalamunan ko ang matapang nitong lasa pero nalalasan ko rin ang strawberry at lemon na flavor.

Nagsimula na ring magdaldal ang kasama ko at kung ano-ano na lang ang pinagkukwento niya sa akin. Pati talambuhay niya ay sinabi na rin niya sa akin. Hindi ko talaga kaya ang pagiging madaldal niya at sobrang taas pa ng energy niya.

Nakikinig lang ako habang umiinom ng vodka. Napapatingin pa ako sa paligid ko dahil pakiramdam ko ay may isang matang nakatingin sa akin ngayon. Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko kaya dinadaan ko na lang sa pag-inom ang pagiging balisa ko.

"Nakikinig ka ba sa akin?" sigaw ni Renesmee. Napangiwi ako dahil sa tinis ng boses niya.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko.

Medyo tinatamaan na ako ng alak. Si Renesmee naman ay namumula na ang kanyang mukha. Hindi ko rin alam kung ilang oras na ba ang tinagal namin dito. Ang alam ko lang ay marami na ang nainom naming dalawa at nakakaramdam na rin ako ng hilo.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon