AGNELLA TELESE
Ako muna ang pansamantalang umasikaso sa kompanya ni Dad. Kailangan niya na munang magpagaling para makabawi siya ng lakas lalo pa't bagong opera rin siya.Kapag wala ako, si Mrs. Cruz at si Mommy ang nag-aalaga sa kanya sa hospital. Business and handling big company is not my passion. Pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na akong alam sa pamamalakad ng ganitong kompanya.
May alam pa rin naman ako sa mga ganitong bagay kahit paano dahil tinutulungan ako ni Alessandro, pati na rin ang secretary ni Dad para hindi ako pumalpak at hindi ko malagay sa alanganin ang pinaghirapang company ng sarili kong ama.
"Sa ngayon, wala na po kayong important meeting. Pwede ka na pong makauwi, Miss Agnella." Si Mrs. Gutierrez na nakangiti matapos niyang i-check ang schedule ko.
I sighed. "Salamat at makakapagpahinga na rin ako sa wakas."
Napasandal pa ako sa swivel chair habang umiinat. Ginugol ko ang oras ko sa kompanya sa loob ng tatlong araw at hindi ko alam na ganito kahirap ang trabahong 'to. Natawa si Mrs. Gutierrez sa akin dahil siguro nakita niya ang kasiyahan sa mukha ko.
"Mukhang pagod ka na. You can rest now, Miss Agnella."
"Mrs. Gutierrez naman, huwag mo na akong tawaging miss," natatawa kong wika.
"Kailangan ko pang puntahan si Alessandro sa company niya. I want to surprise him. Namimiss ko na kasi siya dahil tatlong araw ko rin siyang hindi nakasama," nakangiti ko pang dugtong.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang ako ang pansamantalang namahala sa kompanya ni Dad. Wala rin kaming masyadong maayos na oras ni Ales para sa isa't isa. Busy ako sa kompanya ni Dad, samantalang siya ay naging busy na rin sa company niya. Nabalitaan ko pa nga na nagkaroon ng problema sa Ottavio Wildfox, buti na lang ay agad niyang naayos.
"Talagang batang 'to, pumapag-ibig na!" kinikilig na saad ni Mrs. Gutierrez kaya pareho kaming natawa.
Sobra talaga siyang kinikilig nang malaman niyang nanliligaw sa akin si Ales. Yes, he is now courting me. Iyon ang sabi niya sa akin, aakyat daw siya ng ligaw sa akin at talagang nagpaalam pa siya sa magulang ko.
Nung una nga ay nagulat si Dad at hindi makapaniwala. Pinaliwanag na rin ni Mommy sa kanya ang buong katotohanan at malaki ang pasasalamat namin na hindi siya nagalit. Mas nagustuhan pa niyang ligawan ako ni Alessandro.
Nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil sa kilig. Kahit na busy si Alessandro ay hindi niya ako nakalimutan. Araw-araw siyang nagpapadala ng bouquet of flowers and chocolate sa office. Minsan pa nga ay may kalakip pang love letter kaya talagang kinikilig ako.
"Naku talaga, Agnella. Ikaw na ang maswerteng babae na natipuhan ni Mr. Ottavio. Alam mo bang sikat na hot bachelor 'yang manliligaw mo. Kumakalat din sa balita na kahit na playboy at maraming naging flings, wala pa rin daw 'yan naging girlfriend kahit isa man lang!" ani Mrs. Gutierrez kaya napangiti ako.
Oo nga pala, nabanggit na sa akin 'yan ni Ales nung nasa yate kami noon. Marami siyang naging flings pero hindi naman niya sineseryoso ang mga naging babae niya. He even told me that he was serious about me kaya nililigawan niya ako.
"Sige, aalis na ako. Iso-surprise ko pa siya," nakangiti kong paalam.
Palagi na lang si Ales ang sumusopresa sa akin kaya this time ay ako naman ang magsu-surprised sa kanya.
Tumayo na ako at binitbit ang aking sling bag. Nagpaalam na rin ako kay Mrs. Gutierrez bago ako nagmamadaling umalis sa kompanya.
Nagpahatid lang din ako sa driver ni Dad. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Balak ko na siyang sagutin. Oo, iyon ang surprise ko sa kanya at sasagot na ako ng 'yes' sa kanya para maging official na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED]
General FictionSOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him...