Kabanata 3

3.5K 120 11
                                        

"Attitude ampota," nanggigigil kong bulong at padabog akong naupo sa swivel chair na katabi lang ng kay Shaeynna.

Kahit na abala siya sa pag-e-encode ng cheques sa computer ay nagawa pa nitong bumaling ng tingin sa akin para makichismis. "Bakit? Anyare?"

Pinagkrus ko ang aking mga braso sa ilalim ng dibdib at pinigilan ang sariling mapairap nang maalala ang nangyari sa stock room. "Iyang si Ms. Cudanin, napakasama ng ugali. Utusan ba naman akong bumili ng pancit habhab doon sa labas dahil nagugutom na raw siya, Eh sakto namang pagpasok ko, nakita ako ni Manager kaya ayon, napagalitan ako. Bakit daw ako bumibili ng meryenda eh tapos na raw ang breaktime." puno ng panggigigil kong kwento kay Ynna.

Ang masaklap pa ay mas ginatungan pa ni Ms. Cudanin ang inis ni Manager kaya mas lalo tuloy nagalit sa akin iyong tao. Eh kung tutuusin ay kasalanan naman talaga kung bakit ako napagalitan. Huh!

Shaeynna chuckled and continued her business. "Hayaan mo na lang. Pagpasensyahan mo na, wala tayong choice."

Muli na naman akong napairap sa isinagot niya sa akin.

"Kapag talagang natapos na 'tong ojt na 'to. Who you na siya sa akin!" mariing usal ko bago inilabas ang pouch sa aking bag para magretouch. Feeling ko na-haggard ako nang bongga sa sobrang pagstress ko sa babaeng teller na iyon!

Noong nakaraang araw pa nagstart ang internship namin. Hindi na kami lumayo pa ng kaibigan ko at mas piniling dito na lang din sa bayan namin maghanap ng papasukan. And luckily, with the help of Shaeynna's mother, nakapasok kami sa isang kilalang bangko.

The past few days of internship were totally fine. Una kong napansin ang ganda at aliwalas ng work environment. I was filled with amazement on how employees show their professionalism. Well, except lang doon sa isang tao.

Kahit na maraming ipinapagawa at inuutos sa amin ay talaga namang nag-eenjoy ako dahil marami rin akong natututunan mula sa kanila. Magmula sa motivation, mga payo para sa gaganaping board exam, at maging diskarte pagdating sa trabaho. Pakiramdam ko nga, punung-puno na ng kaalaman ang utak ko kahit ilang araw pa lang kami rito sa bangko.

And I therefore conclude, 400 hours will be easy-peasy for me, basta ba hindi na ulit ako susurahin niyang si Ms. Cudanin. Kung hindi ko lang talaga kinakailangan ng mataas na grado at magandang feedback sa evaluation, sinabunutan ko na 'yang babaeng iyan.

Ramdam ko ang pagod ng katawan habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Inabot na ako ng dilim dahil mayroon pa akong tinapos na gawain.

Kapag ganitong gabi na ay hindi na rin ako sumasakay ng tricycle at mas pinipili na lang maglakad pauwi. Safe naman kasi rito sa bayan namin at isa pa, kilala ang pamilya namin dahil teacher sa high school ang nanay ko at nasa construction naman si tatay na handle rin ng isang kilalang kompanya rito sa amin. Idagdag pa si Kuya Harrold na mayroong pag-aaring bar na madalas kong tambayan kaya naman walang nagkakamaling gumawa ng katarantaduhan.

"Hi, Trisha of the world!"

Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang mayroong biglang nagsalita mula sa likuran ko. Pamilyar ang boses niya sa akin. At kahit hindi na lingunin pa, alam ko na agad sinong talipandas na iyon.

Umirap ako at mas binilisan ang paglalakad, ngunit dahil mahahaba ang biyas ng loko ay nahahabol at natatapatan niya 'ko.

"Puwede bang tigilan mo 'ko, Jolo? Trip na trip mo talagang sirain ang araw ko 'no?"

"Luh? Wala ng araw, oh! Gabi na kaya! At saka grabe ka naman, wala pa nga akong sinasabi, eh! Binati lang kita." Tumawa siya at sinindihan ang hawak na sigarilyo.

Ngumiwi ako at umiling. Nakaka-turn off!

"Ang ganda mo ay parang bituin sa maaliwalas na kalangitan ngayong araw. . ." panimula na naman niya sa kalokohan.

Closing Entries (Accounting Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon