Strikto si Tatay pagdating sa mga lalaki lalo na't ang intensyon ng mga ito ay ang mapalapit sa akin. Palagi niya ring pinapaalala na ayus-ayusin ko ang pagpili sa mga taong pinapapasok sa aking buhay. At isa pa, siya rin itong nagsasabi na dapat may datung ang lalaking pipiliin ko.
Kaya naman hindi ko lubos na maintidihan na kung bakit tila bumaliktad ang ikot ng mundo.
Nahahalata ko kasi na pinipilit nitong mapalapit sa akin ang tarantadong si Jolo.
My parents are both aware how I loathe that guy to death.
Alam nila kung gaano ka-eksperto ang lalaki pagdating sa pagpapakulo ng aking dugo. At idagdag pa ang katotohanan na tambay iyon. May bisyo pa at tila ba walang matinong direksyon ang buhay. Mas matanda si Jolo sa akin ng dalawang taon ngunit hindi ko pa rin nakikitang mayroon siyang pangarap.
And that's a big no for me.
"Nagpalit ka ba ng numero? Tinetext kasi kita pero hindi ka nagrereply," ani Jolo habang hinahatid ako ulit papasok sa bangko.
"Ang demanding mo. Bakit naman kita rereplyan? Sino ka ba?" masungit kong tugon mula sa loob ng tricycle.
I heard his deep and manly laugh that's why I became more annoyed. "Ako 'to si Jolo na handang hanapin ang 15 billion ng Philhealth pati na rin si Nemo para sa'yo."
I scoffed then pursed my lips. "Ang mema mo 'no? Puwede bang manahimik ka na lang? Sinisira mo ang araw ko, eh."
"Ang sungit. Pasalamat ka't maganda ka. Naku nanggigigil ako sa'yo. . ." bulong niya at hindi iyon malinaw sa pandinig ko kaya kinailangan ko ulit siyang tanungin pero ang loko ay ngumisi lang at binasa ang pang-ibabang labi.
That became my routine everyday. Araw-araw niya akong hinahatid bago siya mamasada at susunduin niya ako matapos mag-boundary. His face is always everywhere and it seriously ruffles my feathers! Simula nang lumipat kami ng bahay ay walang araw na hindi ko nakita ang pagmumukha niya. Walang araw na hindi niya ako sinusura at inaasar. Pero kahit gano'n ay mas pinipili ko na lang na umiwas.
Not until this freaking day comes. Mayroong maliit at simpleng handaan kina Eloisa. Wala sana akong balak dumalo sa kaarawan ni Albert ngunit ayaw ko rin namang magtampo sa akin ang bwisit kong kaibigan. Naka-oo na kasi ako at ayaw ko namang bawiin dahil asadong asado na 'yon.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bangko ay naabutan ko si Jolo na nakasandal sa sidecar ng tricycle habang pinaglalaruan ang susi nito. Compared to his usual outfits that he wears everyday, he looks different now. He somehow looks more neat and I'm quiet fascinated with his handsomeness.
Wearing his white button down shirt tucked underneath his beige khaki shorts. It was also paired with new white sneakers.
"Wow? Ayos ang pormahan ah?" hindi ko napigilan ang sariling magbigay komento.
Napatuwid siya ng tayo at maangas na pinasadahan ng daliri ang kaniyang mahabang buhok. "Bigay 'to sa akin ni Eloisa noon tapos pinilit lang niya akong isuot. Ayos ba? Bagay ba sa 'kin?"
"Hmm. . ." Muli ko siyang pinasadahan ng mapanuring tingin mula ulo hanggang paa.
Well, mas maaliwalas talaga siya ngayon. Siguro ay nasanay lang talaga ako sa pang araw-araw niyang pormahan. Iyong t-shirt na ginupit ang manggas para gawing muscle tee tapos sweat shorts naman bilang oambaba at kung minsan pa nga ay nakikita ko siyang tumatambay na naka-boxers lang.
"Okay lang. Mukha kang tao today." I shrugged my shoulders but little did he know, my mind was raining compliments about him.
"Wow! Sana everyday!" He then softly laughed and I shook my head, chuckling.
BINABASA MO ANG
Closing Entries (Accounting Series #5)
RomantikAccounting Series Five (COMPLETED) "Closing entries is one of the most important cycles in accounting. It aims to transfer all the temporary accounts into permanent ones or either reset them to zero." Escaping from the disappointment and pain. Leav...
