Kabanata 17

2.4K 97 25
                                        

"Hindi ba't ang sabi ko sa'yo na hugasan mo agad ang pinaglutuan at pinagkainan mo? Huwag mo nang itambak pa sa lababo," mahinahong paalala ko kay Jolo na prenteng nakatambay sa labas ng bahay at umiinom ng beer.

Ngumiwi siya at nahihiyang kumamot sa ulo. "Oo nga pala. Sige bebe, ubusin ko lang 'to."

Pinanliitan ko siya ng mga mata at tinuro gamit ang index finger. "Siguraduhin mo lang, ah? Makukurot na talaga kita sa singit na lalaki ka!"

A manly yet naughty laugh escaped his mouth. "Wow! Parang gusto ko 'yan!"

Ang nakasimangot kong mukha ay agad na lumiwanag at napalitan ng isang malawak na ngisi dahil sa kalokohan niya. "Tse! Para kang sira! Babalik na 'ko sa kwarto dahil marami pa akong ginagawa. Ikaw, pumasok ka na rin at baka malamigan ka pa riyan."

"Okay po, Mi."

"Anong Mi?" My forehead knotted. "Mommy? Lucky Me? Lomi–"

He cut me by using his roaring laughter. "Gagi, hindi. Sinasabi mo riyan?"

"Eh ano nga? Mommy ba 'yan?" kuryosong tanong ko kasi hindi ko talaga alam kung anong ibig niyang sabihin.

Binasa niya ang pang-ibabang labi, pilit na tinatago ang multo ng ngiti. Umiling siya at sinuklay pataas ang hanggang balikat niyang buhok. "Mimiyuuuh," pagkanta niya na may pakulot-kulot pa ang boses.

Nalukot ang aking mukha at inismiran siya. "Corny amputa." Pinagkrus ko ang aking braso at padabog siyang tinalikuran patungo sa aming kwarto.

Muli akong bumuntonghininga nang pagkapasok na pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang mga damit na sinuot ni Jolo kanina sa kaniyang trabaho. Nakakalat iyong lahat sa sahig. Imbis na pagsabihan pa siya ay ako na mismo ang pumulot at naglagay noon sa laundry basket. Pagkatapos no'n ay lumabas muli ako ng kwarto upang kumuha ng tubig inumin. Nadatnan ko pa nga sa dining table ang napakaraming upos ng sigarilyo na paniguradong kagagawan na naman nina Javien.

I roamed around my eyes on our small apartment and seeing these mess every corner made my lips twisted. Tila ba nakakasakit sa mata ng mga kalat. Hindi ako napapalagay sa tuwing ganito dahil pakiramdam ko'y napakabigat sa dibdib kapag hindi maaliwalas ang paligid. Kaya naman sa huli ay tinawag kong muli si Jolo upang tulungan niya ako sa paglilinis ng bahay.

Panay ang pagbubunganga ko sa kaniya habang gumagawa kami ng gawaing bahay, ngunit dahil isa't kalahating siraulo nga si Jolo ay sinasabayan niya ng beatbox ang kung anumang sinasabi ko. Nang-aasar pa, parang tanga!

It's been half of a year since we decided to live together. Totoo nga pala iyong sinasabi nila na lubos mo lang na makikilala ang isang tao kapag nakasama mo ito nang matagal sa iisang bubong.

Noong una'y tutol pa ang mga magulang namin sa desisyon naming dalawa ngunit kalaunan ay wala na rin silang nagawa pa. Anila'y doon na rin naman kami patungo at hindi na rin kami bumabata pa. At hindi ko alam kung matatawa ba ako sa binitawang payo sa akin ni Tatay bago ako tuluyang umalis ng bahay.

"Huwag mo siyang papakasalan hangga't hindi mo siya nakikitang magalit,"

It didn't make sense to me beforehand. Akala ko noon ay kung anu-ano lang ang sinasabi niya but then, as the time goes on, it becomes clearer and clearer than the water.

Dahil kagaya nga ng sinasabi ng iba, sa dalawang dahilan mo lang malalaman ang tunay na katangian at pag-uugali ng isang tao; una ay kapag lasing at pangalawa naman kapag galit sila.

Mahirap mag-adjust noong mga naunang buwan ng pagsasama. Para kaming nasa madilim na kwarto at nagkakapaan kung nasaan ang switch. Para kaming aso't pusa dahil magkasalungat na magkasalungat ang nais naming dalawa.

Closing Entries (Accounting Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon