Kabanata 22

2.1K 108 11
                                    

It was me before.

Ako ang dahilan dati ng kislap at liwanag ng kaniyang mga mata. Sa akin niya dati inaalay ang malawak na ngiti. Ako dati 'yong hinahawakan niya nang mahigpit. At higit sa lahat, ako dati ang palaging paksa ng kaniyang isinusulat na tula.

Nakakatawa ngunit sadyang hindi mo nga talaga masasabi ang panahon. Umiikot ang mundo. Maraming maaaring magbago sa loob lamang ng ilang segundo o minuto.

At higit sa lahat, hindi palaging ikaw at hindi palaging sa'yo.

"Ayan! Namnamin mo ang sakit! Sige lang!"

I glared at Sandra's remark. Mas lalo pang nalukot ang mukha ko nang magtawanan ang mga kaibigan kong sina Manilyn at Myra. Bumuntong-hininga ako at binitawan ang bote ng alak na hawak ko.

Nanghihina akong sumandal sa sofa, mariing pinikit ang mga mata at sinapo ang kumikirot na ulo.

"Akala ko ba okay ka na? Eh ba't sa nakikita ko sa 'yo ngayon ay parang hindi mo matanggap na may bago ng jowa iyong si Jolo?" tanong ni Myra.

"Baka naman okay naman talaga siya kasi akala niya kapag umuwi siya ng Pilipinas ay may babalikan pa siya. Baka iniisip niya na pagbalik niya ay hinihintay pa rin siya ni Jolo at sa kaniya pa rin umiikot ang mundo–"

"Shut up!" I hissed and that made them stop talking nonsense.

Hindi ko alam kung anong problema nila't lahat sila ay narito sa aking apartment. Dapat sa mga oras na ito ay naghahanda na ako ng mga gamit at damit na dadalhin sa pabalik sa Pilipinas ngunit kahit anong pilit ang gawin ko ay ayaw kumilos ng aking katawan.

Bukas na ang flight ko patungo sa bansa. Wala sana akong balak pumunta ngunit hindi ko rin naman kayang mawala sa pinakamasaya at espesyal na araw ng kaibigan ko. Funny but come to think of it, they were all successful and stable in life. Even when it comes to relationships, they were all starting to settle down.

Hindi naman na ako nagulat dahil simula noon pa man ay sina Shaeynna at Eloisa na ang mayroong pinakamatagal na karelasyon. At nakakatuwa rin isipin na kung sino ang pinili nilang mahalin noong una ay iyon pa rin ang makakatuluyan nila hanggang huli.

The total flight duration from Korea to the Philippines was 3 hours and 45 minutes. Pero dahil sa probinsya pa kami ng Quezon nakatira ay kailangan muli naming magbyahe ng mahigit dalawa o tatlong oras pa o kung mamalasin dahil sa traffic ay inaabot pa ng apat o limang oras.

"Are you gonna stay here for good?" Kean asked and took a quick glance at me while driving.

Siya ang nagmamaneho ng van at ang tulog na si Terrence naman ang nasa shotgun seat. Nasa likod nila ako kasama ang dalawang maleta. Silang dalawa lang ang sumundo sa akin sa airport dahil abala rin sa pag-aasikaso ang iba pa naming kaibigan.

Tamad akong umiling. "Hindi. One week lang ako rito. Hindi rin kasi ako puwedeng magtagal dahil tambak kami ng trabaho," I answered.

"Gano'n ba? Sayang naman! Pero sigurado naman akong babalik ka rin dito kapag tapos na ang trabaho mo ro'n. Lalo pa't next year ay sina Eloisa at Reyster naman yata ang ikakasal," he then uttered and laughed a little.

"Not sure, though." I shrugged my shoulders.

Kung bukod sa aking pamilya ay mayroon pa akong ibang magiging dahilan para manatili rito, bakit hindi 'di ba? Hindi ko pa rin naman sinasarado ang puso ko sa ilan pang posibilidad na mangyayari.

For the time being, I just want to make my one week stay here memorable. Ayaw ko munang mag-isip ng kung anu-ano. Cliche to say but I'll just leave everything to fate.

Closing Entries (Accounting Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon