Kabanata 23

2.8K 109 29
                                        

"Galaw galaw, huwag ipahalatang affected pa." Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang biglang may mainit na hiningang tumama sa aking tainga.

I glared at Terrence. "Nagulat lang ako pero hindi na ako affected," mariin kong tugon sa kaniya.

Tumawa naman siya at tinapik ako sa balikat. Ang lahat ng mga kaibigan namin ay nagkumpulan na kung nasaan si Jolo at narinig ko rin na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang rehearsal.

I breathe in and out to calm my raging hearts. As much as possible, I won't let them see that Jolo still has these effects on me.

Nakakatawa dahil ako iyong umalis at nang-iwan pero ako rin 'yong hindi pa nakaka-move on at nakakausad. But just like what I've said earlier, hindi ko hahayaang malaman at makita 'yon ng kahit na sino.

With all my strength and courage, I turned around.

Nanginginig ang tuhod kong lumakad papalapit kung nasaan sila. Si Eloisa ang unang lumingon sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko. Siniko niya si Shaeynna at itinuro ako gamit ang nguso.

I shot my brows up to them and asked curiously. "Bakit?"

Pareho silang umiling at natutop ang bibig. Nang ilibot ko ang aking mga mata at hindi sinasadya nitong madaanan ng aking paningin si Jolo na ngayo'y nakatingin na rin sa akin.

My stomach twisted into something unexplainable when I noticed how his beaming smile faded. His jaw fell but eventually his expression became hard and stoic – I can't even read what's on his mind.

My throat went dry as our eyes locked with each other.

Tila ba tumigil ang pag-ikot ng aking mundo at kasabay nito ang pagtahimik ng paligid. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito ngayon kahit batid ko ang mga matang nakatitig at nakikiramdam sa amin ng lalaki.

Naramdaman ko pa ang bahagyang pagkurot ni Terrence sa aking tagiliran, hindi naman iyon masakit ngunit sapat na upang mabalik ako sa katinuan.

"It's been a while, Jose Carlo. Nice seeing you again." The side of my lips rose up and formed a tiny smile.

This may seem exaggerated to say but I almost lost my balance when he returned a smile – but it didn't reach his eyes.

"Nice seeing you again too. Mabuti naman at nakauwi ka para sa kasal nina Shaeynna," sagot niya.

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o masasaktan dahil sa tono ng pakikipag-usap nito sa akin. It was too natural. Iyong tipong casual lang at walang bahid na kahit anong hinanakit o galit.

"Kumusta ka nga pala–" My voice vanished when a familiar woman came in.

Wearing her simple white dress that was above the knees, she walked elegantly towards us, without leaving a genuine smile on her face.

"Ba't ngayon ka lang?" malambing na tanong ni Jolo at hinapit ang baywang ng babae papalapit sa kaniya.

The woman answered, "Sorry, late ba ako? Nahirapan kasi akong i-park ang kotse natin." She then faced Shaeynna and gave her an apologetic smile. "Sorry talaga, Shae."

Sumulyap muna sa akin si Ynna bago sumagot sa babae. "Okay lang, Zaia. Hindi pa naman nagsisimula."

"Ay mabuti naman kung gano'n!"

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang pinagmamasdan siya. The way she talks, the way she moves, everything screams simplicity yet sophisticated.

Nang magtama ang mga mata namin ay bumakas ang gulat sa kaniya ngunit agad din itong napalitan ng matamis na ngiti at wala akong nagawa kundi suklian iyon.

Closing Entries (Accounting Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon