Kabanata 10

2.6K 127 32
                                        

Tuluyan na akong nawala sa sarili hanggang makabalik siya dala ang mga inorder. Tumukhim ako at sinimulang galawin na ang pagkain. Hindi ko alam kung paano siya haharapin at pakikitunguhan matapos mabasa ang nakasulat sa notes ng cellphone.

I felt my cheeks burning as my heart thumped in an aggressive way. Parang gusto ko na lang umuwi at magkulong sa aking kwarto. Sa tingin ko'y hindi ko yata siya kayang harapin ngayon sa sobrang pagkabigla at kalutangan ko. However, in the end, I still found myself sitting in front of him while having a light conversation.

"Dinalaw ko ang 'yong magulang ko sa bago nilang tinitirhang bahay. Nakatanggap kasi ako ng text na nakalaya na sila sa kulungan at–"

"Nakulong sila? Bakit?" My eyes widened with his sudden confession. Tila awtomatiko kong nakalimutan ang pagka-awkward sa kaniya at naging interesado sa usapan.

A weary smile formed into his lips. "Drug pusher 'yong Nanay ko noon tapos 'yong Tatay ko naman drug user," he confessed.

"O-Oh, gano'n ba? S-Sorry for asking." I bit my lower lip.

Muli siyang tumawa at ikinumpas ang isang kamay sa ere. "Huy gagi! Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Kahit magtanong ka nang magtanong, ayos lang sa akin. At saka, matagal na rin naman iyon."

"Uh. . . matagal rin ba silang nakulong?"

"Hmm." He nodded his head in response. "Seven years old yata ako noong ma-raid iyong bahay na tinitirhan namin noon? Sa totoo lang, bata pa lang ako ay mulat ako sa madilim na bahagi ng mundo. . ."

I shifted my seat, readying myself to lend an ear for him.

"Bata pa lang ako, mahilig at pursigido na ako sa pag-aaral. Iyon nga lang, dahil mahirap lang kami, hindi iyon ang priority ng magulang ko. . ." he trailed off and shut his eyes. "Hindi ko alam kung dapat ko na ba 'tong sbaihin sa iyo. Huwag mo sana akong huhusgahan ha? Bata pa lang ay natuto na akong magnakaw dahil sa hirap ng buhay. Madalas din akong isama ng Tatay ko noon sa tuwing nakikipagpalitan siya ng droga."

I gasped as my mouth fell open. Sumimsim siya sa palamig na iniinom niya bago muling pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Edi ayon nga, noong makulong sina Nanay at Tatay ay nanirahan ako sa pangangalaga ng DSWD. Hindi rin naman ako nagtagal 'don dahil may kumuha sa aking kamag-anak. Sila ang nagpaaral sa akin hanggang high school pero hindi na ako nagbalak pang pumasok sa kolehiyo dahil sabi nila hindi raw iyon para sa akin. Aksaya lang ng pera."

Nabigla man sa mga nalaman ay nagawa ko pa ring magbato ng tanong. "Pero kung. . . kung nabigyan ka ng pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo, anong kukunin mong kurso?"

Hindi muna siya sumagot at pinanood muna akong kumagat sa kinakain kong kwek-kwek. Sinamaan ko siya ng tingin dahil naiilang ako sa titig niya. Umiling siya kasabay ng pagsupil ng matunog na ngisi sa labi. May kinapa siya sa bulsa at inilabas doon ang itim na panyo.

"Halika bebe, may sauce ka sa gilid ng labi," malambing na aniya, dahilan para mapakurap-kurap ako.

Napansin niya sigurong natigilan ako kaya muli siyang nagpakawala ng mahinang tawa at siya na mismo ang nag-adjust upang maabot ako. Maingat niyang idinampi ang panyo sa gilid ng aking labi. At bago muling umupo ay ginulo pa nito ang aking buhok.

"Ano nga ulit 'yong tinatanong mo?" wika niya.

"Huh?" wala sa sarili kong tanong at muling naramdaman ang pagliliyab ng magkabilang pisngi.

Oh my gosh, Trisha! Get a grip!

"Halamang gamot para sa tatay mong panot," pamimilosopo niya bago bumunghalit ng tawa.

Closing Entries (Accounting Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon