Kabanata 12

2.3K 106 12
                                        

Tila hinahalukay ang aking tiyan dahil sa kabang nararamdaman. Gamit ang nanginginig na palad ay pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo. Mabilis ang pintig ng aking dibdib at hindi ako mapakali sa aking upuan.

Ngayon i-a-announce kung sino-sino ang mga siguradong mamartsa sa stage para sa darating na graduation. Alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang mas best pa sa best para sa kursong ito.

I haven't got the faintest idea. For me, everything feels unreal. Halo-halong emosyong ang aking nararamdaman lalo na nang makumpirma kong kasama talaga ako sa mga magtatapos ngayong taon.

"Oh my gosh!" Para kaming timang ni Shaeynna na talon nang talon sa dahil sa labis na kagalakan.

Una niyang sinabihan ay ang kaniyang pamilya at si Kean. Gano'n din naman sa akin. Umuwi ako sa bahay dala ang magandang balita para sa magulang ko. Kitang-kita ko kung paano kumislap at umaliwalas ang mukha nila nang sabihin ko iyon sa kanila. Kagaya ko ay halos magtatalon na rin sa sobrang tuwa. Hindi pa nakaligtas sa mga mata ko ang pagkislap ng mga mata nila dahil sa nagbabadyang luha.

"Proud na proud kami sa'yo. Mahal na mahal ka namin, anak. . ."

Pumikit ako nang muling halikan ni Nanay ang aking pisngi. Si Tatay naman ay nakaupo sa sofa at masayang nakatanaw lang sa amin.

"Proud kayo kahit gra-graduate akong walang flying colors?" I asked and pouted my lips.

"Oo naman. Ang mahalaga naman ay makatapos ka sa pag-aaral," saad ni Tatay.

"At kahit minsan ay masakit ka sa ulo, naging mabuting anak ka pa rin naman sa amin. . ." dagdag ni Nanay.

Tila may mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Ngumiti ako nang napakatamis bago muling ibinuka ang mga braso para sa panibagong yakap mula sa kanila.

Maswerte ako. Maswerte ako sa pamilyang mayroon ako. Maswerte ako sa mga kaibigan kong nakapaligid at walang sawang sumusuporta sa akin. At ngayon, mas lalo pa akong sumaya nang dumating rin si Jolo sa buhay ko.

"Masaya ako para sa'yo. Kaunti na lang ay tuluyan mo nang maaabot ang pangarap mo." Buong puso siyang ngumiti at marahang ipinatong ang isang palad sa ibabaw ng aking ulo.

"Salamat, Jolo. Ikaw din naman, malapit ka nang bumalik sa pag-aaral at siguradong maaabot mo rin ang mga pangarap mo. Hindi pa naman huli ang lahat, eh."

Bahagyang nililipad ng hangin ang nakalugay niyang buhok. Malalim na ang gabi ngunit narito pa rin kami sa labas ng bahay. Tanging ingay ng kuliglig na lang ang namamayani sa buong paligid. Nakaupo kami sa gutter ng hagdan malapit sa pinto. Sa kaniyang gilid ay mayroong isang bote ng beer habang ang sa akin naman ay sterilized milk.

Kalalabas pa lang niya ng trabaho nang sabihin ko sa kaniya ang magandang balita. Wala akong natanggap na reply mula sa kaniya kaya inisip ko na baka abala ito sa trabaho o baka maagang nagpahinga. Dapat rin ay sa sabado pa siya uuwi rito ng Lucban ngunit laking gulat ko nang saktong pagkatapos naming kumain ng hapunan ay may kumakatok na sa aming pinto.

At siya iyon.

May hawak pa nga siyang echo bag na punong-puno ng pagkain. Hindi ko ine-expect na kaya kong maging ganito ka-kuntento kahit sa simpleng setup lang. Ni kailanman ay hindi ko naisip na puwede palang maging masaya, na puwede palang lumundag ang puso kahit sa napakasimpleng pagsasama at pag-uusap lang.

Back then I was dreaming of a guy who could give me anything. A guy who can take me to fancy restaurants. A guy who can buy me extravagant gifts or anything. But when heaven gave me a chance to get to know this man beside me I realized that. . . it wasn't my dream anymore.

Closing Entries (Accounting Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon